Gitara - Chapter 20

4K 52 2
                                        

Chapter 20:  (Janessa’s POV)

 

Approximately 7 PM, nagsimula nang mag-uwian ang mga people. Sina mommy at daddy dun sa isang kotse sumakay.  Si Joshua, Ate Janet, at si Kuya James nasa kotse ko. Si ate tahimik na natutulog sa tabi ko; samantalang ung dalawang lalake na nasa likod... Nagpapasaway.

Naglalaro sila nung ung hinuhuli ung kamay nung isa para hampasin. Ang gulo nga eh... Ayaw kaseng magpatalo pareho, ang ingay-ingay nilang dalawa.  Himala na nakatulog pa si ate sa sobrang skandalo nung dalawang lalake sa likod.

Pak!

Joshua: Wahahahaha!!! Panalo ako!!!
Kuya James: Hala! That's not fair! Di pa ko handa eh! Isa pa!  Isa pa!

See what I mean?

At imagine, isang oras poh kameng nagbbyahe...
Buti na lang di pa napuputol mga kamay ng mga toh.

Pagdating namin sa apartment (sa wakas!  SA WAKAS!), pinapasok ni mommy si Joshua sa loob. Labag man sa kalooban nya dahil gustung-gusto nya nang lumayo sa mga magulang ko.  May kung anong trauma yata tohng kabayong na toh sa magulang at pamilya nang ibang tao eh.

Pagkapasok na pagkapasok namen, inupo kagad kami ni daddy sa living room. Sina kuya at ate, dumiretso kagad sa kwarto na tutulugan nila.  Pareho na yatang inatake ng jetlag.  Napatingin ako kina mommy at daddy.  Mukhang seryoso ang mga mukha…

Teka... anong ginawa ko? Bakit parang sermon ang aabutin ko?

Ako: Okay, dad, kung ano man un, I didn't do it!
Daddy: Ano ka ba? Masyado kang defensive.

So wala akong ginawang masama... Bahket ako inupo dito? Kasama pa tohng horsey na toh sa tabi ko?

Joshua: (bulong sa'kin) Dinamay mo pa ko... Anong ginawa mo?
Ako: Sira! Wala akong ginagawa noh!  Baka ikaw!

Umupo sina mom at dad sa couch sa right namin.  Nanahimik kami kagad ni Joshua – parang naghihintay nang kung anong sintensya. Eh wala naman kaming ginawang masama… di ba?

Mommy: Janessa... Siguro naman alam mo nang sasama na pabalik si Kristine sa States?
Ako: Yeah. Kanina nga lang eh.
Joshua: Aalis na si Tin?
Ako: (tingin sa kanya) Kakasabi lang noh?
Joshua: Nililinaw ko lang. Bahket ba taray mo? (biglang tingin sa parents ko) Just stating the obvious.

Natawa si daddy.  Tama ba un?!  Di ba dapat pinagtatanggol nya ko?

Mommy: So, anyway, pinayagan ka namin na dito mag-aral kasi may kasama ka sa apartment at may magbabantay syo.

Anong bantay!? Pinalaboy nga ako ni Kristine eh!

Mommy: And since aalis na si Kristine, you have two choices...

Uh-oh... Choices…  I don’t like the sound of this.

Daddy: It's either babalik ka na rin ng Chicago --
Joshua: (napatayo) What?!?

Napatingin kaming tatlo bigla sa kanya.  Exagge?  Na-realize rin yata ni Joshua na masyado syang napa-overreact.  Namula bigla ung mukha nung kabayo habang dahan-dahan bumalik sa pagkakaupo nya. wahahaha

Joshua: I mean, ahem, that's your call. So, uh, yeah... whatever.

Wahihihi... namumulang horsey! wahahaha

Ako: (balik tingin kay dad) I don't want to go back yet.
Mommy: That's what we figured. So, we have another option for you... Take it or leave it.
Ako: Okay..?
Mommy:  Kinausap naming mabuti si Joshua kanina to get to know him better.  Sa tingin naman naming, mukha naman syang mabait, matino.

Matino?!?! Nababaliw na ba kayo?!? Anong matino dyan sa taong yan?!?


Wait nga, saan ba punta nito?

Daddy: So, ang other option namin is... (ngiti sa'kin) that you live with Joshua!  :D
Ako at si Joshua: (napatayo) WHAT?!?
Mommy: Isn't that great? :D

Oh my golay...


Ako na yata ang hihimatayin!

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now