Gitara - Chapter 42

3.3K 41 3
                                        

Chapter 42:  (Janessa’s POV)

 

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

Haba ng "haaaayy" noh? hehe  Pagkatapos ng aking panicked walk-out -- drive-out? -- kina Joshua, eh sa park ako bumagsak.  Nagmukmok sa isa sa mga bench dun.  Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy talaga.  Ano bang ginagawa ko?  Ehwan ko ba kung bakit ako nag-react ng ganon.  Nakaka-wa poise.  Ang ganda-ganda ko pa naman... nyahahaha

Kaseh naman... nung nakita ko silang magkayakap... May mahigpit na tumali sa aking puso at ako'y nakulangan ng hininga! :D  Nyahahahaha  ang deep ng tagalog!

Pero...  Nung sinabi ni Joshua na he’ll be there for Trixie daw lage…  Di ba sinabi nya rin sa'kin un?  Can someone be there that way for two people at the same time?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

Teka nga...Bakit ba ko nag-rreact ng ganito eh di naman kame?

I mean, sure, medyo naging close kami ni horsey... Bakit hinde, eh nasa iisang apartment kame?
And besides, sweet sya -- kahit once in a blue moon. Tsaka may sense of humor... Pasaway ng konti... Lage na lang akong kinukulit, sarap sipain.  And...

And...he said....

Sabi nya he'll always be there for me... He'll protect me.

Gusto kong i-keep nya ung promise nya.  I don't want him to slip away from me.
Ayoko syang mawala.  Madamot ba ko?

Napahawak akong bigla sa pisngi ko. May tumulong basa eh... Umuulan ba?  Tingin naman ako sa taas. Gaga noh? :P

Umiiyak na pala ako... dahil kay horsey?  Dahil. Kay. Horsey.

Now I know.... Gosh, ngayon ko lang na-realize... Di ko man lang talaga namalayan…
I'm falling in love with Joshua na pala.

Pero di pwede!  He loves Trixie -- kahit pa-showbiz pa ung dalawang un.  So, anong lugar ko?  Ang dakilang extra -- bow.

Bubwit... Ma-inlove ba naman sa horsey ng knight in shining armor ko!  Kaseh naman yang knight na yan, kung san-san iniiwan ung kabayo nya!

Sige, next time ko na lang aawayin ung knight in shining armor ko...

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

"Nessy?"

Napatalon akong bigla nang may biglang sumulpot sa tabi ko.  Hala ka! May mumu na nakatayo!

"Anong ginagawa mo dito?"

Tiningnan ko nang mabuti, pahid luha, nakaka-blur ng vision eh.

Ako:  Ah... Warren...?
Warren:  Umiiyak ka ba?
Ako:  Ha? Hinde! Nako, napuwing lang ako!

Nyekz... may kalawang na yang excuse na yan, suz ko poh!

Warren:  Pinaiyak ka nanaman nung butiki na un noh!  Nasan un?! (tingin sa paligid)
Ako: Hinde noh!

Langya, sa lamig na toh, pinagpapawisan pa ko.

Warren: Fine.  Okay, hatid na lang kita snyo para mabatukan ko ung butiki sa pagpapaiyak syo

Eh bahket ba pinagpipilitan mong pinaiyak ako ni horsey?

..kahit totoo naman.:P

Ako:  Nah, I brought my car.
Warren:  Okay.. I'll just ride with you... Nag-jeep lang ako, ban ung kotse ko eh.

Talaga lang?

Ako:  I don't want to go home yet.
Warren: Eh?  Lokong un, si butiki talaga nagpaiyak syo noh!  Pag nakita ko talaga un… (biglang tumingin sa'kin) San mo gustong pumunta?
Ako:  I think, I'll go na lang muna sa dati kong apartment.  I'm sure, makakausap ko ung may-ari to let me stay for one night. Close kame eh.
Warren:  Okay.  Samahan na kita.
Ako:  Sure.

Naglakad kami papunta sa pinag-park-an ko ng kotse.  Salita lang ng salita si Warren.  Buti na lang raw nag-jogging sya tonight, otherwise baka di nya ko nakita…  Humanda raw si Joshie pag nakita nya.  Blah blah blah.  Masyado akong absent-minded para talagang makinig sa kanya.  Lumilipad-lipad ang thoughts ko sa kung saan-saan na hindi ko naman trip na lugar.

I should just stop being a burden to Joshua and Trixie...

Maganda pa naman ako.  May future pa ko sigurado.

I should move out of the apartment.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now