HUMANTONG sila ni Marc sa isang parke. Victoria was enjoying the swing. Sina Riza at Marc ay umupo sa isang bench. Nakahilig si Riza sa balikat ng binata habang ang isang braso ay nakapulupot sa kanyang baywang.
"May ideya ako kung ano'ng sasabihin mo sa akin," ani Marc, may nakapaskil na maluwang na ngiti sa mga labi.
Tumingala si Riza. "Yeah?"
Marc grinned. Kapagkuwa'y humaplos ang kamay ng fiancé sa kanyang tiyan. "Our second child is on the way, right? Please don't break my heart. Sabihin mong tama ang hinala ko. Torie would be delighted, too."
Napaluha na naman si Riza. Our second child. Marc was true to his word. Inaari talaga nitong anak si Torie. "Y-yes. I'm pregnant, Marc."
Humiyaw si Marc. "Sabi ko na nga ba! Come, sabihin natin kay Torie na magiging ate na siya," excited nitong wika.
"Sandali, may sasabihin pa ako." Inilabas ni Riza mula sa bulsa ang isang papel at iniabot kay Marc. Tinanggap naman iyon ng binata at tiningnan. Hindi siya kumurap. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksiyon nito. Nanlaki ang mga mata ni Marc sa nabasa. Mayamaya ay namumula na ang mga mata nang binalingan siya. There were tears in his eyes.
"Ikaw ang biological father ni Torie, Marc," emosyonal na sabi ni Riza.
Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Marc. Ang papel na iniabot niya sa kanyang fiancé ay ang result ng DNA test nina Marc at Victoria. Hindi humingi ng ano mang eksplanasyon si Marc. Kinabig lang siya nito at mahigpit na niyakap.
"'S-sabi ni Celine, I wasn't really raped. Ang gumawa raw ng trabahong iyon ay isang tibo. Iyon ang hiniling niya sa ama para makipag-cooperate siya. Na hindi talaga ako lalapastanganin. Isang palabas lang 'yon dahil iyon diumano ang kahinaan mo." Humikbi si Riza. Totoo nga pala ang sinabi ni Marc na minsan na itong nasaktan kaya ayaw na nitong danasin uli ang ganoong senaryo.
"Natatandaan ko noon, nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko kaya inisip ko na may nangyari. M-marahil nga ay nalamog ako but no intercourse happened. 'Yong two weeks na diperensiya, marahil delayed lang ako noon. Para makasiguro, ipinasuri ko ang mga genes ninyo ni Torie."
"And it confirmed everything," salo ni Marc. "God! This is amazing!" They took a moment of silence to celebrate. "Pagkatapos ng lahat ng paglalaro sa atin ng tadhana, maayos na ang lahat, amor," sabi ni Marc habang tinutuyo ang kanyang mga luha kahit pa nga ba luhaan din naman ito. Ah, his tears did not make him away less of a man. Mas hinahangaan pa niya ito. At mas minamahal sa pagiging totoo. Pinunasan rin ni Riza ang mga pisngi ni Marc. "Wait, bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang bahaging iyon ng kuwento ni Celine?"
Napahagikgik si Riza. "Dahil gusto kong humanap ng perfect timing. Kung alam mo lang ang pagpipigil na ginawa ko."
Ikinulong ni Marc sa mga kamay ang kanyang mukha. Punong-puno ng emosyon ng pagmamahal ang mga mata ng binata. Kapagkuwa'y pinaliguan ng halik ni Marc ang kanyang mukha. "Nang hingin kita sa nanay mo noon, hindi ko naman alam na nakatakda ka pala talaga na maging akin." Bahagya siyang natawa. Of course, alam ni Riza kung ano ang tinutukoy ni Marc. "Life isn't perfect. There are going to be lots of hard times in our life pero hindi tayo magpapatalo sa mga pagsubok na iyon. We have each other at kapag magkasama tayo at nagmamahalan, malalampasan natin ang lahat ng pagsubok. I love you, Riza, mi amor. Thank you for letting me experience each day a love and joy that I never dreamed was possible. Salamat sa pagbabalik ng ngiti ko. Ikaw, si Torie, at ang magiging mga anak pa natin ang siyang kahulugan ng kaligayahan para sa akin."
"Habang-buhay kitang mamahalin, my Smiling Assassin."
Marc chuckled. "Smiling assassin, huh? Hmm, just don't forget amor, that you are now the reason behind every smile." Muli ay masuyo siyang ipinaloob ni Marc sa mga bisig nito.
"Sali po ako! Hug n'yo rin po ako." Humahagikgik na sumugod sa kanila si Victoria. They welcomed their daughter with open arms. Ah, this was the beginning of their happily ever after.
•••WAKAS•••
Thank you so much reading! Paki-VOTE, COMMENT, at RECOMMEND na lang po. Maraming salamat!

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...