Part 56

5.6K 145 0
                                        


CHAPTER SEVENTEEN

"MAHAL pa rin kita, Riza. Kahit tinraidor mo ako, kahit niloko mo ako, mahal pa rin pala kita. I did not know I could still love someone who hurt me so badly." Hindi mapigilan ni Marc na sabihin ang nasa loob. Nakaupo siya sa gilid ng kama kung saan nakahiga at wala pa ring malay si Riza. He could not help staring at her. God he had missed her so bad.

He could not deny it anymore. Mahal pa rin niya ang dalaga. Kung ipagkakaila niya ang katotohanang iyon ay wala siyang ibang niloloko kundi ang sarili lang niya. Those years na inakala niyang naka-move on na siya kay Riza, hindi pala. Sa halip ay pinatulog lang niya ang kanyang damdamin. His feelings for her needed to be put on hold so he could go on living. Subalit nang muli niya itong makita ay nagising ang damdaming iyon. Nagising at muling sinakop ang kanyang puso.

Tumaas ang kamay ni Marc sa kagustuhang mahaplos ang mukha ni Riza. He felt the warmth surge through him as his fingers touched her skin. Para siyang nakalaya mula sa isang bilangguan nang masabi niya kay Riza ang pait at sama ng loob na nakakulong sa kanyang dibdib sa loob ng mahabang panahon. Sana pala noon pa niya ito kinompronta.

What's next, Marc? he asked himself. Ano nga ba ang susunod niyang gagawin? Forgive Riza and forget the past? Pagkatapos niyon ay ano? Reconcile with Riza and tell her that he still loved her and hopefully they could build a future together? Dahil oo, gusto niya itong makasama sa hinaharap. A future with Riza, katulad ng pangarap niya noon. Bukas din siya sa posibilidad na maging ama ni Victoria. Pero ganoon ba kadali iyon? Ganoon din ba ang nais ni Riza? At higit sa lahat, katulad ba niya si Riza na may damdamin pa? Ah, napakaraming tanong, but he figured that love is all that matters after all. It made everything fine.

Tumunog ang kanyang cell phone. Nang tingnan iyon ni Marc ay nakita niyang si Celine ang tumatawag. Lumabas siya ng silid. "Celine..."

"Mharc..."

Kumunot ang noo niya. "Lasing ka ba?"

"Khailangan kho ng alcohol, eh."

"May problema ka ba?"

"Yeah. And you're going to kill me, I believe. Shee me once you get back, Marc. May shashabihin akho sha 'yo. Bye."

Hindi na nagawang sumagot ni Marc dahil pinutol na ng kausap ang linya. He sighed. Binalikan niya si Riza. Napabilis ang paglapit niya nang marinig na umuungol ang dalaga. Mukhang bumabalik na ang malay dahil umandap-andap ang talukap ng mga mata. Ilang sandali pa at tuluyan nang nagmulat ng mga mata ang dalaga. Their eyes met.

"Kumusta ang pa—"

Agad na bumalikwas si Riza. "Nasaan ako?"

"Dito sa cottage ko. Nawalan ka ng malay so, I brought you here. And..." Lumunok si Marc. Nag-init ang kanyang pakiramdam nang maalala ang ginawang paghuhubad ng basang kasuotan nito. "...and I had to change your wet clothes and dress you up in my clothes."

Namula ang mukha ni Riza. Hindi mahirap sabihin na pareho sila ng iniisip. Damn. Tension gripped him.

"A-ang anak ko?"

"Tumawag na ako kay Lee. Torie's fine. Nag-e-enjoy daw ang bata roon."

"Aalis na ako." Mabilis na bumaba ng kama si Riza. At mabilis din na tinungo nito ang pinto ng silid.

"Riza, wait!" Hinabol ni Marc ang dalaga hanggang sa sala. He grabbed her hand. "Hindi pa tayo tapos mag-usap," he said in a determined tone.

Saglit itong nanahimik. "R-right," tugon ni Riza sa garalgal na tinig pagkaraan ng ilang sandali. "M-mabuti nga na tapusin na natin ang usapang ito para pareho na tayong manahimik pagkatapos."

Hilam na ng luha ang mga mata ng dalaga nang humarap kay Marc. He was taken aback. "R-Riza..." Gusto niya itong yakapin at pawiin ang mga luhang iyon. He wanted to tell her that everything was going to be all right.

"S-saan ba natapos ang usapan natin, Marc? Ah... nakita mo 'kamo ako sa rest house? I was probably lying on the bed, naked. And I guess the room you saw was screaming wild sex aftermath." Marahas na pinahid ng dalaga ang mga luha. "S-so you jumped into conclusions. Inakala mo na pinagtataksilan kita. Is that it? Kaya para makaganti, sinaktan mo ako ng mga salita mo."

Dalawang salita lang sa sinabi ni Riza ang umalingawngaw sa pandinig ni Marc. It did not feel right. "C-conclusions? I-inakala?"

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now