Part 52

5K 153 1
                                        

  "I told you, your talent will make you famous," narinig niyang usal ni Marc.  

Napabaling si Riza sa binata. Wala naman siyang nakitang emosyon sa mukha nito. He still looked so serious. Pero animo may nasaling sa puso niya sa naging komento ni Marc. Oo, nga. Isa si Marc sa mga naniwala sa kakayahan niya noon. Hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang maiyak. Bigla yatang napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang kanyang puso.

Ilang sandali pa at nagpatuloy na sila sa paglalakbay.

"Torie, do you love castles?" nang-eenganyong tanong ni Nikita Grace sa kanyang anak.

"Opo, opo. Gusto ko po ng castles," excited na bulalas naman ng bata.

"I have one."

"Talaga po, Ate Nikki?" nanlalaki ang mga matang tugon ni Victoria. Nikita Grace insisted on calling her "Nikki."

"Yup. Ayon, o." Itinuro ni Nikita Grace ang kanilang dinaraanan. May-kalayuan ang tinutukoy ng dalagita pero natatanaw pa naman ang isang tila kastilyo.

"Wow!" namimilog ang mga matang bulalas ni Victoria. "Sa inyo po iyon?"

"Oo. When I was at your age, my daddy built me that castle. Ipapakita ko sa 'yo bukas, okay? You can play there. Actually binuksan na rin namin iyon sa public. So any guest can visit and take a look at it."

Oh! Nabitin ang hininga ni Riza. Kung may isang paksa man na sensitibo si Victoria iyon ay ang salitang may kinalaman sa daddy o papa o ama. Her daughter was starting to wonder why she had no father. Nagsisimula na itong magtanong ng mga bagay na hindi niya magawang bigyan ng kasagutan.

Tulad ng inaasahan ni Riza, hindi sumagot si Victoria. Nawala ang excitement sa mukha ng anak. Torie nestled her head on her neck. "Wala po akong daddy, eh, kaya siguro wala akong castle..."

Narinig ni Riza na muling napasinghap si Marc.

Si Nikita Grace naman ay nawala ang ngiti. Bumakas ang guilt sa mukha ng dalagita at apologetic na tumingin ito sa kanya. Nikita Grace mouthed the words "I'm sorry" at her. Tumango naman si Riza kahit nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.

God! Napakasakit sa pakiramdam kapag nakikita niyang nalulungkot ang kanyang anak. At sa mga pagkakataong ganoon ay hindi alam ni Riza kung paano aaluin ang anak.

Muli ay napatingin si Riza sa katabing si Marc. He was eyeing her intensely. Animo nais nitong magbato ng napakaraming tanong sa kanya. Bigla siyang natilihan. Hindi alam ni Marc na na-rape siya. Huwag naman sana nitong isipin na anak nito si Victoria.

"D-Daddy is... is..." Oh, God! Ang luhang nangingilid pa lang sa kanyang mga mata ay tuluyang naglandas sa magkabila niyang pisngi. Mabilis na pinahid niya ang mga luhang iyon.

Marc groaned. "If you want, I can be your daddy in the meantime, Torie."

Hindi napigilan ni Riza ang malakas na pagsinghap. She swallowed hard. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. What the hell was he doing? Nakadama siya ng galit. Ano ang karapatan ni Marc para magsuhestiyon nang ganoon? He had broken her heart, torn it into pieces. Nakalimutan na ba nito ang atraso sa kanya? O baka naman iyon ang paraan ni Marc para kahit paano ay makabawi sa kasalanan sa kanya? The hell with him!

Ang anak naman niya ay animo biglang nagkaroon ng energy. Mula sa pagkakasubsob sa kanyang leeg ay biglang binalingan ni Victoria si Marc.

"Mama?" tanong sa kanya ni Victoria.

"He's a stranger, Torie," sagot niya sa anak. Bahala na si Marc kung tinamaan ito sa "stranger" na pasaring niya. I told you not to talk to strangers, didn't I? Iyon ang mensaheng ipinarating ni Riza sa anak sa pamamagitan ng tingin. Mukhang nakuha naman iyon ni Victoria dahil tumango ang bata. Ramdam naman ni Riza ang animo nang-uusig na tingin sa kanya ni Marc.

Hanggang sa tumigil ang sasakyan sa ilalim ng mga nakahilerang palmera. Bumaba silang lahat.

"Wow!" Torie exclaimed. Bumalik na ang sigla sa mukha ng bata. Sa unahan nila naroon ang isang burol at sa ibabaw ng burol ay maringal na nakatayo ang isang di-kalakihang villa.

The villa had a touch of Italian architecture. Napakaganda. May driveway sa magkabilang gilid ng burol habang sa gitna ay may hagdan na inukit sa lupa. At dahil may-kataasan ay nilagyan iyon ng safety railings. Hindi lang ang villa na nasa ibabaw ng burol ang kapansin-pansin dahil makapigil-hininga rin ang animo background na asul na kulay ng dagat. Ilang metro mula sa kinaroroonan nila ay may railings uli. Hindi mahirap hulaan na dalampasigan ang makikita sa ibaba ng railings na iyon.

Oh, my God. Magsasama kami ni Marc sa iisang bubong? tumatambol ang dibdib na pag-aanalisa ni Riza. No! Hindi maaari.

Tinakbo ni Victoria ang hagdan at tuwang-tuwa ito habang umaakyat. Napilitan silang sumunod sa anak. The car also followed, inakyat naman nito ang driveway. As she climed up the steps, abala na ang kanyang isip sa pag-iisip kung paano niya maiiwasan ang sitwasyong iyon. Ang solusyong naiisip niya ay umupa na lang sila ni Victoria ng commercial cottage.

Kumunot ang noo ni Riza nang tuluyan na silang nakaakyat. Nakita kasi niya na bagaman iisa ang porch ay dalawa naman ang pintuan. At hindi konektado ang wrap-around porch. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi sila magsasama ni Marc sa iisang bubong dahil duplex pala ang villa.

Idiot! kastigo ni Riza sa sarili. Bakit nga naman niya naisip na pagsasamahin sila ng mga Aragon sa iisang bubong? Hindi naman alam ng mga Aragon na may nakaraan sila ni Marc. Isa pa, tila coincidence lang naman talaga ang pagtatagpo ng mga landas nila ni Marc.

"Isa po ito sa mga villa na ipinagagamit namin sa mga personal guest. The other villas are currently occupied, too. It is a duplex so magkakaroon po kayo ng kanya-kanyang privacy.

"Dito po kayo tutuloy, Miss Pabelonia and Torie. Doon naman po kayo sa kabilang pinto, Mr. Marquez." Itinuro ni Nikita Grace ang kaliwa at kanang pinto na kasalukuyang binubuksan na ng isang staff na nakaantabay. "If you need anything, may mga numbers po sa directory na puwede ninyong tawagan. Since you two are our personal guests, naroon din po ang number ng villa namin. You can call us anytime. And you can use all of the island's amenities. Please enjoy your stay here. We'll see you at lunch. Oh, I almost forgot, since medyo malayo po ito kaysa sa commercial cottage, puwede n'yo rin pong gamitin ang mga sasakyan na nasa garahe. The garage is at the back of the villa. The car has GPS. May touch screen monitor po iyon. Naroon ang kompletong listahan ng amenities at ang mapa ng isla. Here are the keys." Binigyan sila ni Nikita Grace ng tig-isang bungkos ng susi. "Enjoy your stay here, Sir, Ma'am."

Pareho silang nagpasalamat ni Marc at tinungo ang kanya-kanyang unit.

^}56

My Smiling Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon