"MINAHAL pala talaga niya ako, anak," ani Riza kay Victoria. Victoria was past asleep though. Alas-onse na iyon ng gabi pero hindi pa siya dalawin ng antok. Hindi siya makatulog dahil ayaw mawala sa kanyang isip ang nangyari kaninang tanghali sa pagitan nila ni Marc. She wiped her tears away.
Sinabi ni Riza kanina kay Marc na masaya rin siya kahit nawala ito sa buhay niya. Yes she was happy. A flourishing career and a child that she loved the most, why shouldn't she be happy? Pero aaminin niya na kahit masaya siya sa kanyang buhay ngayon, mayroon pa ring puwang sa kanyang puso na hindi niya magawang punan. At ang totoo, may kinalaman sa nangyari sa pagitan nila ni Marc ang puwang na iyon.
"Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang tadhana dahil pinaglaruan niya kami ni Marc. K-kunsabagay, ako man siguro, kapag nakita rin si Marc sa ganoong sitwasyon baka nag-isip rin ako ng masama sa kanya. Anak, darating ang araw na iibig ka. Mama will be there to remind you that the heart becomes vulnerable when you put it on the line kaya kailangan ng pag-iingat."
Ilang saglit pa niyang tinitigan si Victoria bago lumabas ng kanilang silid. She went to the kitchen. Kumuha siya ng alak at nagsalin sa isang kopita bago binitbit iyon sa sala. She was about to turn on the television when the doorbell buzzed.
Biglang kumabog ang dibdib ni Riza. Somehow she knew it was Marc. Lumapit siya sa pinto. Pinindot niya ang maliit na screen na nasa likod ng pinto, sa halip na sumilip sa peephole. Makikita na sa screen na iyon kung sino ang nasa labas ng pinto. Tulad ng kanyang hinala, si Marc nga ang nakatayo sa labas.
Muling umalingawngaw ang doorbell. Mapipilitan siyang pagbuksan ng pinto ang binata kung ayaw niyang magising ang kanyang anak.
Huminga nang malalim si Riza bago binuksan ang pinto. "Ano pa ba'ng kailangan mo, Marc?"
Marc's half-closed eyes settled on her. Bago pa siya makapagsalita muli ay humapay na ang katawan nito payakap sa kanya. "My God! Mainit ka!" bulalas niya nang madama ang mataas na temperatura ng katawan ni Marc. Inaapoy ito ng lagnat. Agad pumuno ang pag-aalala sa kanyang dibdib.
Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata kaya hindi siya makawala. "H-hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang nakaraan, Riza." Paos man ang tinig ni Marc ay hindi naman maipagkakaila ang pait at pagsisising kaakibat niyon.
"T-there's no way you can turn back time, M-Marc." Shit! Nag-unahan na naman sa pag-agos ang kanyang mga luha. Kailan ba iyon mauubos? "It's just that you have to learn your lesson the hard way."
"P-pinagsisihan mo bang minahal mo ako?" halos walang tinig na tanong ng binata. Tila ayaw pa rin siyang pakawalan sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya. Pakiramdam ni Riza ay napapaso na siya sa init ng katawan nito. Isiniksik pa ni Marc ang mukha sa kanyang leeg. "N-nagsisisi akong hindi ako naging matapang, Riza. I... s-shouldn't have just walked away. S-sana, sana kinompronta na lang kita noon..." basag ang tinig na wika pa nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang pumatak sa balat niya ang mainit na luha nito. Marc was crying. "I was so brokenhearted then. I-iyon ang pinakamasamang bangungot na nasaksihan ko. And that nightmare haunted me even in my dreams."
"M-Marc..." nananakit ang lalamunang usal ni Riza.
Humagulhol si Marc. Patuloy na nababasa ang kanyang leeg ng mga luha nito. "A-alam mo ba kung bakit ko piniling tumakbo at takasan ang sandaling iyon? B-because I... was once betrayed. N-nang komprontahin ko siya, ipinamukha pa niya sa akin na h-hindi naman niya ako totoong mahal. I was devastated. A-ako na nga ang naloko ako pa ang naging katawa-tawa. S-so you see? N-natakot ako na maulit ang pangyayaring iyon so I opted to hurt you with my words at palabasing pinaglaruan lamang kita."
Natigagal si Riza. Minsan nang nasaktan si Marc? Iyon ang pinaghuhugutan nito kaya umalis na lang ang binata at hindi siya kinompronta?
"S-sino ba ang dapat kong sisihin sa nangyari sa atin, Riza? Ang tadhana siguro..."
Bumigat ang katawan ng binata. "Marc!" She instinctly wrapped her arms around him to support him. "Inaapoy ka ng lagnat, Marc."
Umungol lang ito.
Shesh. Ano ba ang gagawin ko? Bahala na... Isinampay ni Riza ang isang braso ni Marc sa kanyang balikat. "Can you walk? D-doon ka na muna humiga sa isang silid." Mukhang hindi pa naman ito nawawalan ng malay, talaga lang mahina na ang katawan.
Hirap na hirap man, nagawa ni Riza na alalayan si Marc hanggang sa maihiga niya sa kama.
"Riza..." ungol ni Marc. Tumaas ang kamay ng binata at pinunasan ang basang pisngi niya. "I'm sorry. Patawarin mo ako, patawarin mo ako. Habang sinasaktan kita noon, dobleng sakit ang nadarama ko. Nawasak ang mundo ko. Nagkapira-piraso ang puso ko. Masyado kitang minahal kaya masyado rin akong nasaktan. I'm sorry..."
Riza blinked her tears away. Subalit hindi iyon nagpaawat at tumakas pa rin sa kanyang mga mata. "N-nakainom ka na ba ng gamot? Ikukuha kita. S-sandali lang."
Mabilis na lumabas si Riza ng silid. Saglit na sumandal siya sa likod ng pinto at pinawi ang mga luhang patuloy na namalisbis na naman sa kanyang magkabilang pisngi. Ramdam niya sa kanyang puso na napapawi na ang pait at galit niya kay Marc. Ang naroon na lang ay panghihinayang sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.
Tinungo na ni Riza ang silid nila ni Victoria. Kapag nagbibiyahe silang mag-ina ay lagi siyang handa sa gamot in case of emergency. Binitbit na rin niya ang face towel na kanyang namataan. Kapagkuwa'y bumalik siya sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Kumuha rin siya ng tabo, nilagyan iyon ng tubig, at binitbit ang mga iyon sa silid kung saan naroon si Marc.
"M-Marc... uminom ka muna ng gamot," tawag niya.
Dumilat ang malamlam na mga mata ni Marc. He smiled regretfully. "I turned my back on you. I turned my back on you when you needed me the most. Hindi ko ngayon lubos maisip kung paano mo kinaya ang lahat. I'm sorry," nagsisising wika nito sa basag na tinig.
Iniiwas ni Riza ang kanyang mga mata. Paano'y naiiyak na naman siya. Tinulungan niyang makainom ng gamot si Marc. "P-pupunasan kita..."
Marc shook his head. Kapagkuwa'y hinawakan nito ang kanyang kamay. "K-keep me warm, please. I'm so cold. I need you beside me. Please, huwag mo muna akong kamuhian ngayon..." Nagsusumamo hindi lang ang tinig nito kundi pati ang mga mata ng binata. Iyon ang pumutol sa reserbasyong kanyang pinaiiral.
Humiga si Riza sa tabi ni Marc. Agad naman siyang hinapit ng binata at niyakap nang mahigpit. Maging ang mga binti ni Marc ay nakadagan din sa kanya na para bang takot itong mawala siya. Isiniksik pa nito ang mukha sa pagitan ng kanyang balikat at ulo.
God! It feels... like home, she cried.
"I've missed you so badly. Please, huwag ka ng umalis sa tabi ko, Riza. I'm lost without you. I can't smile without you," tila helpless na tugon ni Marc habang hinihila ng antok.
I've missed you, too...

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...