Part 1

18.9K 258 29
                                        

Author's Note: Kung fan kayo ng MotoGP, i'm sure, kilala ninyo ang smiling champion na si Marc Marquez. Isa kaibigan ko ang super fan ni Marc--- si Riza Pabelonia  ( @victoriamarcxandres ). Kaya 'eto binigyan ko siya ng happy ending kasama ang idol niya kahit sa nobela lang. :) 

Maraming facts sa nobela about MotoGP and Marc Marquez himself. Bagaman marami din akong binali sa mga iyon katulad ng pagiging half-Filipino, edad, origin, etc. Sa mga tagasubaybay ni Marc, malalaman ninyo kung ano at alin sa mga nilalaman ng nobela ang fact at fiction. I must say, na-inspire akong isulat ito kaya sana ay magustuhan n'yo rin. :)

To my friend, Riza, this is for you.


P.S 

Actually, dalawa ang ginawa kong nobela nina Riza at Marc. Neriza's Fantasy ang title ng isa. Genre? Erotic Romance. ;)



CHAPTER ONE

Six years earlier

PATAY kang bata, ka. Nasiraan pa yata... nanghihinang sabi ni Riza sa sarili nang pumugak-pugak ang makina ng tricycle na kanyang sinasakyan. Napaungol siya nang tuluyang tumigil iyon. Kung kailan naghahabol ng oras ay saka naman nagkakaroon ng aberya.

"Naku, Mareng Riza, nasiraan pa yata tayo," anang kanyang kumpare.

"Mag-aabang na lang ako ng masasakyan, pare." Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Riza. Agad siyang bumaba ng tricycle. "Pakisabi na lang uli kay Mareng Ika na happy trip."

Galing siya ng bahay ng mag-asawa dahil nagpadespedida party ang kanyang kumare na mag-a-abroad.

"Makakarating. Pasensiya ka na, ha. Naabala ka pa tuloy."

Pilit ngumiti si Riza. "'Kuu, wala iyon. Siya, sige. Lalakarin ko na hanggang sa may labasan at doon na ako mag-aabang ng tricycle."

Halos takbuhin na ni Riza ang paglabas sa highway. Naghintay siya ng ibang sasakyan. Subalit sadya yatang minamalas siya dahil walang mamataan na tricycle.

Panay ang tapik ng kanyang mga daliri sa hawak na strap ng shoulder bag at halos manghaba ang leeg sa pagtanaw sa dulo ng kalsada sa pag-aabang ng panibagong tricycle. May mga dumaraang sasakyan ngunit pulos private.

"Oh, great! Nagkaisa ba ang mga tricycle driver na huwag bumiyahe ngayon?" palatak ni Riza. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang sumulyap sa suot na relo. Oh, well, dinagdagan niya iyon ng isa pa, at hindi siya sigurado kung iyon na ba ang huli. Pasado alas-dos na ng hapon. Ibig sabihin ay kanina pa nagsimula ang event na ikamamatay niya kung hindi mapapanood.

Damn! The event was very important! Namamawis na ang kanyang mga kamay sa antisipasyon. Iyon na nga ba ang pinangangambahan niya kaya nagdalawang-isip siya sa pagpunta sa bahay ng kanyang kumare. Kaya lang ay nakatango na siya at na kakompromiso na kaya napilitan siyang um-attend sa despedida. Dapat kasi, dinala na lang niya ang kanyang scooter. Oh, she was conscious of the time. Iyon nga lang, hindi siya pinakawalan ng kanyang kumare. At hindi siya pakakawalan ng kumare kung hindi siya nagpumilit na may kakompromiso pa siyang ibang tao at kailangan na talaga niyang umalis.

"Oh, thank God!" bulalas ni Riza nang mamataan ang isang motorsiklong paparating. Agad niyang nakilala ang nagmamaneho niyon, ang kababata at kaibigan niyang si William.

"Riza! Nag-aabang ka ba ng masasakyan? Naku, eh, may meeting ngayon ang TODA kaya wala kang masasakyan. Halina at ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo," nakangiting sabi ni William nang tumigil ang motorsiklo sa kanyang harap.

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now