"NAGBIBIRO ka ba?!"
Bahagyang inilayo ni Riza ang telepono sa kanyang tainga dahil sa malakas na tinig ni Kaycee. Tinawagan niya ang kaibigan nang makitang maraming text at missed calls siyang natanggap galing dito. Marahil ay nag-aalala na ito kung bakit hindi siya pumasok ng walang paalam. Well, paano pa ba namang papasok sa isip niya na tawagan si Kaycee kung ganoong nao-overwhelm siya sa hindi inaasahang pagdating ng binata. Hapon na siya nakauwi sa kanilang bahay. Ang nanay naman niya ay naiwan pa sa rest house para siguruhing maayos si Marc.
"Of course not. Narito ngayon sa Ibayo ang nobyo kong si Marc!" ani Riza pagkatapos ay tumili nang malakas.
"Hindi ako naniniwala. Pinagti-trip-an mo lang ako."
"Kung hindi totoo, eh, di sige, magsaulian na lang tayo ng kandila. Magkalimutan na lang tayo."
Nanahimik si Kaycee. Kapagkuwa'y tumili ang kaibigan. "Oh, my God!"
"I know, right. Oh, my God talaga! Ang guwapo niya, Kaycee! Nakakapanginig ng mga tuhod ang tingin niya. At makalaglag panty ang ngiti sa personal," humahagikgik na pagkukuwento ni Riza. "Gosh! He's matangkad, athletic, at napakaguwapo! Diyos ko, Kaycee, parang mawawala sa kinalalagyan ang puso ko kapag tinitingnan niya ako! 'Pag nginingitian niya ako para akong ice cream sa ilalim ng araw. Natutunaw ako! Ganoong-ganoon ang epekto niya sa akin. Alam mo 'yon, gusto kong kumanta, sumayaw, at tumambling."
Natawa si Kaycee. "Nai-imagine ko nga. Loka! Huwag namang masyadong obvious ang pagpapakita mo sa kanya ng pagsinta mo. Baka ma-turn off 'yon sa 'yo, sige ka. Aha! May naalala ako. 'Di ba, sinabi mo na hahagkan mo siya sa lips kapag nakita mo siya? O, ano na? Ginawa mo ba?"
"Siya ang humalik sa mga labi ko," nangangarap na wika ni Riza.
"Yeah, right," hindi naniniwalang sagot ni Kaycee.
"Well, ganito kasi iyon..." Napilitan siyang ikuwento sa kaibigan ang pagkakasagip ni Marc sa kanyang buhay. "Oy, Kaycee, huwag mong babanggitin kay Nanay ang tungkol sa muntik ko nang pagkakalunod, ha?" Wala siyang narinig na sagot. "Kaycee? Kaycee?"
"Mouth-to-mouth resuscitation 'kamo? Damn, you're one lucky girl!"
Humagikgik si Riza. "I know, right! Bumalik ang diwa ko na nakalapat pa sa mga labi ko ang labi niya. Isn't it a little weird, Kaycee? Kung sino 'yong lalaking kinakikiligan ko nang husto ay siya palang magliligtas sa akin sa isang tiyak na kapahamakan. It's... heaven! Ayieee!"
Pumalatak ang kaibigan. "Alam mo kung ano'ng tawag diyan? Destiny."
"Uy, hindi na siya kontrabida ngayon," tudyo ni Riza na ikinahalakhak ni Kaycee. Nang magpakuwento pa ito ay buong puso niyang pinagbigyan.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...