Part 17

5.3K 144 0
                                        


"WHOA!" humahangang bulalas ni Riza sa motorsiklong nasa harap ng bahay nila. Alam niyang pumunta si Marc sa isang rent-a-car shop sa bayan para umarkila ng motorsiklo na magagamit nila sa pamamasyal. Of course, hiningi ng binata ang kanyang permiso kung okay lang na mag-motorsiklo sila. Sa tingin naman ni Riza ay mas okay iyon dahil makikitid ang daan sa pupuntahan nila.

Napakaastig tingnan ng motorsiklo na para bang napakamahal niyon. Ang totoo ay noon lang nakakita si Riza ng ganoong klase ng motorsiklo. Sumipol siya ng mamataan ang tatak niyon. "BMW? Whew!"

Marc chuckled. Hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang passion na sumungaw sa mga mata nito habang tinitingnan ang motor. Walang duda, nasa puso talaga ni Marc ang pagmamahal sa sport na kinabibilangan. Ginalaw muna nito ang cap at inikot iyon. Napaka-cool nitong tingnan. "It's a BMW R1200GS. Dual-sport siya, meaning puwede siya on and off-road. Actually, collection iyan noong may-ari. Akalain ko ba na makikilala niya ako at hahayaang ipagamit sa akin ang motorsiklo nang libre kapalit lang ng picture at autograph ko."

"Cool. At nasa akin ang karangalan na makaangkas sa reigning MotoGP champion? Wow!"

"So, handa ka na?" tanong ni Marc bago siya hinagod ng tingin.

Bahagyang kinilabutan si Riza—isang masarap na kilabot—nang mapansin ang klase ng tingin ng binata. Hindi niya alam kung dinadaya lang ba siya ng kanyang paningin, but it seemed that Marc was giving her heated glances. Certainly, malayo sa pagtinging kapatid ang mga ganoong tingin. Gusto tuloy niyang magbunyi.

Nakasuot si Riza ng sando at fitted jeans. Bagaman pinatungan niya iyon ng jacket ay kita pa rin ang kurba ng kanyang katawan. She had rubber shoes on her feet. Ganoon din ang outfit ng binata maliban sa cargo shorts ang pang-ibaba ni Marc.

"Yup," sagot niya. Isang backpack ang kanyang dala na kinalalagyan ng towels, bottled water, at spare clothing. Naroon din ang kanyang camera at cell phone. Napagkasunduan nila na sa mga restaurant na lang sila kakain.

Kinuha ni Marc ang isang helmet. Ang akala ni Riza ay iaabot lang iyon ng binata sa kanya. To her surprise, lumapit si Marc at ito ang nagsuot sa kanyang ulo ng helmet. Nagsuot rin ng helmet ang binata. Ilang sandali pa at pareho na silang nakaupo sa motorsiklo. "Sabihin mo lang sa akin kung kailan ako kakanan o kakaliwa, okay?"

"Okay." Napalunok si Riza. Paano ay pumupuno sa kanyang pang-amoy ang mabangong amoy ng binata. His perfume was light but exotic and it seemed to swirl around her like a wisp of smoke. It was drugging her mind.

"Ready?"

"R-ready." Napatingin si Riza sa likod ni Marc. Isang dangkal ang distansiya niya sa binata subalit tila nag-iimbita ang likod na iyon. Nag-iimbita na yumakap siya rito, damhin ang katawan nito, at ihimlay ang kanyang pisngi sa likod ni Marc kahit pa nga ba may suot siyang helmet. Napalunok siya. Ang totoo ay nagtitimpi lang siya na ipulupot sa katawan ni Marc ang kanyang mga braso.

Binuhay na nito ang makina ng motorsiklo. Subalit bago iyon tuluyang paandarin ng binata ay kinuha ni Marc ang kanyang mga braso at ipinulupot iyon sa katawan nito. Dahil doon ay napalapit siya sa likod ni Marc. Nanlaki na lang ang kanyang mga mata sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan ang paglukob ng kung anong init sa kanyang katawan.

"Hold on tight," ani Marc. Nai-imagine ni Riza ang kumikislap at nanunudyong mga mata ng binata.

Agad gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi palalampasin ni Riza ang pagkakataong iyon.

Ump! Ambango-bango! This is heaven... la, la, la. Sorry girls, Marc is mine!

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now