"LADIES and gentlemen, welcome to Peace Island! Please enjoy your stay and mabuhay!" wika ng stewardess nang tuluyang makalapag sa airstrip ang eroplano.
Mahigpit pa rin ang pagkakakunyapit kay Riza ng kanyang anak na karga-karga pa rin niya. Tumayo na siya. Inilipat niya si Victoria sa kanang bahagi ng kanyang baywang pagkatapos ay inabot niya ang kanyang hand-carry travelling bag.
"Ako na," sabi ng baritonong tinig na walang iba kundi kay Marc. Bahagya pang napaigtad si Riza nang dumaiti ang kamay ng binata sa kamay niyang nakakapit na sa handle. Why, there was a minor current of electricity in his hand. At hindi niya iyon nagugustuhan dahil tila may ginigising ito sa kaibuturan ng kanyang pagkababae.
Sexual tension, Riza? tudyo ng isang bahagi ng kanyang isip. No way! sagot naman niya. Imposible. Hindi niya pag-iisipan ng ganoon ang lalaking dumurog sa kanyang puso. She was over him. Period.
"No, thanks," pagtanggi niya.
"I insist," supladong wika ni Marc bago determinadong kinuha mula sa kamay niya ang travelling bag bago nagpatiunang bumaba.
"Aba't..." She sighed. Tinungo na rin niya ang labasan. Naroon na si Marc, nakatayo na para bang aalalayan pa siya para makababa sa hagdan ng eroplano. Marc looked so serious. Bahagya pa ngang salubong ang mga kilay habang nakatiim ang mga labi.
Marc looked so intimidating. Isang personalidad ng binata na hindi kailanman nakita ni Riza noon. Animo hindi na ito ang easy-go-lucky racer na nakilala niya. It was as if he was a new man. Mukha na itong businessman, a formidable one. But nonetheless he was still handsome. Nag-mature. Tiyak ang bawat kilos. At ang pagiging seryoso ay nagbigay rito ng kakaibang karakter. He looked more masculine. Tingin niya ay mas lumakas ang appeal.
Oh, shit. Riza cursed herself. Bakit ba pinag-aaralan pa niya ang naging pagbabago ng binata?
Iniiwas ni Riza ang kanyang pansin kay Marc. Sa gilid ng kanyang mata, nakita niyang naglahad ng kamay ang binata sa kanya para alalayan siya. She ignored it. Bumaba siya ng sarili niya. Subalit hindi nakikisama sa kanya ang pagkakataon dahil hayun at sumabit yata ang dulo ng sandalyas niya sa huling baitang ng hagdan. Nawalan siya ng balanse.
Humigpit ang hawak ni Riza kay Torie para maprotektahan ang anak.
But Marc were there. At ang malalakas na braso ng binata ang sumalo sa kanila ni Torie. She drew a sharp breath and her lungs were filled with his scent.
"T-thank you," hindi tumitinging sabi ni Riza kay Marc bago lumayo ng ilang hakbang sa binata. Malakas na kumakabog ang kanyang dibdib. When Marc held her, when his skin touched hers, something akin to sensation travelled along her every nerve. Argh! That feeling again!
Dumating ang isang sasakyan. Mula roon ay bumaba ang isang kaakit-akit na dalagita. Riza knew it was Nikita Grace, ang panganay na anak ng mag-asawang Aragon. "Hello po. I'm Nikita Grace Aragon. I'm the eldest daughter of the Aragons," pakilala nito bago sila isa-isang kinamayan at sinabitan ng kuwintas na sampaguita. "Welcome to Peace Island, Sir, Ma'am. My parents are sorry na hindi po nila kayo personal na maiwe-welcome dito sa isla. They're currently attending to some important matters. But they'll surely see you at lunch. If you're ready, ihahatid ko na po kayo sa magiging cottage n'yo."
Wow. Such grace... Hindi maipagkakaila na nabibilang si Nikita Grace sa mataas na antas ng lipunan. Nikita Grace had class even if she did not flaunting it.
"Thank you," Riza said gratefully. Noon lamang niya napagtanto na personal guest din si Marc ng mga Aragon. Ang pagkakataon nga naman.
Lumulan sila sa kotse. Naging napakasikip ng backseat ng sasakyan para sa kanila ni Marc, kahit pa nga ba kalong niya si Victoria. Paano ay nilalamon ng presensiya ni Marc ang kanyang buong atensiyon. Isa pa ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso kapag nagdidikit ang kanilang mga balat, kaya nga sinisiguro ni Riza na may sapat siyang distansiya sa binata.
Napansin niya na patingin-tingin si Victoria kay Marc, as if something caught her interest. To her horror, kinalabit ng anak si Marc. "Hi," bati ni Victoria, saka kumaway ang maliit na kamay. "Thank you po for saving me and my mommy."
Napatingin tuloy si Riza kay Marc. Tiningnan niya kung paano magre-react ang binata.
"Hello, young lady. You're welcome," tugon ni Marc, nagpaskil ng pilit na ngiti sa mga labi. Then Marc looked at her impassively.
Napaismid naman si Riza. Kinuha niya ang atensiyon ng anak at itinuro ang kanilang dinaraanan. There were beds of flowers of different varieties and colors. "Look, Torie. Parang 'yong mga nasa books mo, 'di ba?"
Victoria giggled. Si Nikita Grace naman ay magiliw na nagbigay ng impormasyon kung ano-ano ang kanilang mga dinaraanan.
Busog na busog ang mga mata ni Riza sa bawat tanawing nadaraanan nila. Nang dumaan sila sa mataas at matarik na tulay ay saglit na ipinatigil ni Nikita Grace ang sasakyan. She knew what was below the bridge, the Canal gallery.
Niyakag sila ni Nikita Grace na bumaba ng sasakyan. Bumaba si Riza, bumaba rin si Marc. They went to the railing of the bridge. Iminuwestra ni Nikita Grace ang gallery sa ibaba.
"Wow. Look at that, Mama. So cool!"
It was an inland waterway. Natatabingan iyon ng magkabilang pader. Sa mga pader ay nakadikit ang mga piraso ng artwork na kasalukuyang tinutunghayan ng mga turistang sakay ng bangka. She looked further and she saw that the canal went as far as she can see. Kapansin-pansin din ang makukulay na isdang nagsisilanguyan sa canal.
"Sakay din tayo sa boat, Mama," ungot ni Victoria.
"Of course. Pero baka mamaya na o bukas kaya, okay?"
"'Kay, Mama."
"Currently on display pa po ang mga photographs na kinuha n'yo, Miss Pabelonia," ani ni Nikita Grace. She heard Marc gasp. Napaliyad naman ang kanyang dibdib, nakadarama ng pagmamalaki.
Yes, Marc, I did it. Nagtagumpay ako kahit wala ka. Pity you.
Nagpatuloy si Nikita Grace. "And the good news is, marami pong guest ang nagtatanong tungkol sa inyo. They are either interested in buying a your work or doing business with you. Si Mommy na po ang bahalang magbigay sa inyo ng details mamaya."
"I told you, your talent will make you famous," narinig niyang usal ni Marc.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...