"MUKHANG close na kayo ng bisita mo, ah?" ani William kay Riza. Isang oras na ang nakararaan mula nang ihatid siya ni Marc sa kanilang bahay. Umuwi ang ang binata sa rest house. Naroon din ang nanay niya at mayamaya ay babalik na ito. Dumating naman sa bahay nila si William na may dala ng iba't ibang pagkain. Hindi na siya nagulat dahil madalas naman iyong gawin ng binata. "Nakita ko kayo kanina habang sakay ng motorsiklo niya."
Isinubo ni Riza at nginuya ang isaw na dala ni William. "Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Marc. Hindi maselan." Hindi niya maiwasang mapangiti nang pumasok sa kanyang isip ang mga nangyari sa pamamasyal nila ng binata...
"Riza, halika. Iwan mo muna ang camera mo diyan. May ipapakita lang ako sa 'yo," sigaw ni Marc habang nasa ibabaw pa rin ng mga bato. Itinuro nito ang tubig. "'Eto, tingnan mo. Ang ganda, o. Come on. 'Punta ka dito. Don't miss this."
Dahil curious sa kung ano man ang itinuturo nito ay ibinaba ni Riza ang camera at tinalunton ang kinaroroonan ni Marc. Tumulay rin siya sa mga bato.
"Ano ba kasi 'yon?"
Inabot ni Marc ang kanyang kamay para alalayan siya. To her surprise, hinila siya ng binata kaya napunta sila sa iisang bato.
"Marc!" On instinct ay yumakap si Riza sa binata para hindi siya mahulog.
"I've got you." Marc also wrapped his arms around her waist. They were too close for comfort. Nawala na sa kanya ang posibilidad na baka mahulog sila. When Marc held her gaze, she was lost. Pakiramdam ni Riza ay tumigil ang kamay ng orasan sa pag-ikot at ang tangi lang niyang naririnig ay ang malakas na tibok ng kanyang puso. Ang puso niya ay isinisigaw ang pangalan ni Marc. Sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niya na kinikilig siya sa pagkakalapit nilang iyon. "I'll never let you go. I promise..." mahinang usal nito.
She swallowed involuntarily. Paano'y ginugulo ang kanyang isip ng init na sumisingaw mula sa katawan ng binata. Tila ba may kung anong ginigising iyon sa kanyang pagkatao.
"Riza?" tawag ni Marc. Nanatiling magkadikit ang kanilang mga katawan.
"Hmm?"
"You're beautiful," he murmured in her ear...
Kinagat ni Riza ang kanyang ibabang labi sa pagdagsa ng kilig sa isiping iyon. Sa huli ay pareho silang nalaglag ni Marc sa tubig. But that did not spoil the day. Para silang mga bata na nagsabuyan ng tubig at naghabulan. Pinuno ng mga halakhak nila ni Marc ang falls. She had the best laugh of her life. Kapagkuwa'y pinulot nito ang isang bulaklak na lumulutang sa tubig. Iniipit iyon ng binata sa kanang tainga niya. At nang magtagpo ang kanilang mga mata, muling namagitan ang isang mahika. It was as if—
"Riza." Ang tinig ni William ang pumutol sa pagbabalik-tanaw niya. Titig na titig ang binata sa kanya. Saka niya na-realize na maluwang na pala ang kanyang pagkakangiti habang nakatingin sa kung saan. Walang duda na kahit sino ang makakita sa kanya ay mag-iisip na nangangarap siya nang gising. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi.
"Huwag kang magpapadala sa pagbabait-baitan niya, Riza. Ganoon ang mga iyan, dadaanin ka sa tamis ng salita at kapag nakuha na nila ang gusto nila ay saka ka ididispatsa."
Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng binata. Hindi kilala ni William ang isang Marc Marquez. Lalong hindi rin alam ni William na isa siyang tagahanga ng binata. Hindi lang isang simpleng tagahanga dahil alam niyang sangkot na ang kanyang puso. "Ano ba ang gusto mong puntuhin? Mabait si Marc at wala sa karakter niya ang manloko."
"Hindi mo pa siya kilala, Riza. Huwag mong hayaan na tuluyang mahulog ang loob mo sa kanya. Masasaktan ka lang."
"William..." sita niya sa binata. "Salamat sa payo mo pero sinasabi ko sa 'yo na hindi katulad ng iniisip mo si Marc. Kung mahulog man ako sa kanya... desisyon ko na iyon."
Nag-iwas ng tingin si William sa kanya. "I'm sorry. Hindi naman sa pinangungunahan kita, concernedlang ako sa 'yo."
Tumango si Riza. Dahil nagkailangan na sila ay agad na ring nagpaalam ang binata. Napabuga siya ng hangin. Hindi man magbukas ng damdamin si William, ramdam naman niya na may pagtingin ito sa kanya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat na hindi ito nagtatapat ng pag-ibig. Wala rin naman kasi siyang ibang maihahandog kundi ang pakikipagkaibigan.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...