Part 53

5.2K 185 19
                                        

CHAPTER SIXTEEN

"MABUTI naman at sa wakas ay tinanggap mo ang imbitasyon namin na magbakasyon dito," sabi ni Avegail Aragon kay Riza. Magkakaharap na sila sa pananghalian—siya, si Riza at ang anak nito, at ang mag-asawang Aragon pati na ang tatlong anak ng mag-asawa.

Marc secretly stared at Riza. Nang mahawakan niya kanina ang dalaga ay halos ayaw na niyang pakawalan. God, he still knew that feeling when Riza was in his arms. A feeling of happiness, and of contentment. And he had missed that feeling so badly kaya ayaw na niyang pakawalan kanina ang babae.

Hell. It was six years ago nang huli niyang maramdaman iyon at kay Riza lang. At kanina nang marinig niya na "Miss" pa ito ay parang tumambol ang kanyang dibdib. Hindi rin niya maunawaan kung bakit parang nagugulo ang kanyang sistema sa isiping walang ama si Victoria. Gusto niyang tanungin si Riza kung nasaan ang ama ng bata at kung ilang taon na. May ideya kasing pilit umuukilkil sa kanyang isip at iyon ay ang posibilidad na baka anak niya si Victoria.

Six years ago ay hindi naman intensiyon ni Marc na may mangyari sa kanila ni Riza sa bangka. Therefore, he was not protected that time. Naroon ang posibilidad na nagbunga ang naganap noong gabing iyon. Isa pa, magaan ang loob niya sa bata. Nasa dibdib niya ang urge na hawakan ito at yakapin. It was as if Victoria was a part of him.

Pero hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay ni Riza, Marc. You saw it with your own eyes! kontra naman ng kanyang isip. Pinaigting ng isiping iyon ang kanyang damdamin. Two-timer!

"Congratulations nga pala. I heard successful na naman ang exhibit mo," segunda ni Lee Aragon. Kanina ay ipinakilala sila ni Riza sa isa't isa ng mag-asawa. Riza was acting as if she did not really know him. Napakakaswal nitong umakto. Tinitingnan siya ni Riza na animo bale-wala lang siya. Wala na ang dating kislap sa mga mata nito na alam niyang para sa kanya. Hindi na ito ang fan niya na tingnan lang niya ay kinikilig na. Hindi na rin niya mabasa ang mga mata ni Riza. She had changed so much. At hindi niya alam kung bakit nakadarama siya ng kirot sa kanyang puso. Pakiramdam ni Marc ay hindi pa siya nakaka-move on katulad ng paniwala niya sa kanyang sarili.

He felt bitter. Masama pa naman ang kanyang pakiramdam. Mabigat ang katawan niya na para bang tatrangkasuhin kaya naman lalo siyang napu-frustrate.

"Thanks," simpleng tugon ni Riza. Hindi man lang siya tinatapunan ng tingin gayong siya ay hindi mapigilan ang sarili na nakawan ito ng sulyap. Riza had changed so much. Ang inosenteng ganda nito ay hinubog ng panahon at pinatingkad para maging kapansin-pansin. She looked more confident of herself. At ang natural na pang-akit ng dalaga ay tila lalong nagba-vibrate sa katauhan nito. Para itong magnet na hinihigop ang kanyang presensiya. He was so aware of her. In fact, kapag napapatingin siya sa mga labi nito ay gusto niya itong ikulong sa kanyang mga bisig at siilin ng halik. Damn!

Niyakag ni Nikita Grace ang mga bata sa garden pagkatapos kumain. Victoria asked for Riza's permission. Pumayag naman ito. Naiwan silang apat sa mesa.

"How about you, Marc, alam ko na nag-retire ka na pero are you still into racing? As a hobby perhaps," baling sa kanya ni Lee.

"Hindi pa uli ako nakakasakay ng motorsiklo mula nang magretiro ako," aniya. He wondered, pagkatapos kaya niyang saktan si Riza, sinubaybayan pa kaya ng dalaga ang buhay niya? Probably not. Maaaring tulad niya, hindi na rin nito ginustong makarinig pa ng tungkol sa kanya.

"Oh, Marc, dapat mong malaman na isa ang asawa ko sa mga nanghinayang ng magretiro ka kaagad," wika ni Avegail at binalingan si Riza. "Did you know that Marc here used to be a motorcycle racer? He was a MotoGP champion, in fact. He broke many hearts nang bigla na lang siyang magretiro."

"Yeah?" animo hindi interesadong wika ni Riza. Kaswal na nagkibit-balikat pa. Aaminin niya na naaapektuhan siya sa pambabale-wala ni Riza. "Bakit ka naman nagretiro, Marc? If you don't mind my asking..."

Humigpit ang pagkakahawak ni Marc sa mga kubyertos. "Something happened to me. It changed my life. Nawalan ako ng gana. Kailangan kong itigil ang pagkakarera kung ayaw kong... mamatay." Tumiim ang kanyang mga labi. Riza gave him a nightmare. At kapag sumasakay siya sa motorsiklo, pakiramdam niya ay hinahabol siya ng bangungot na iyon. So he had to let go of that career.

"Something happened to you kaya kailangan mong itigil ang karerang iyon? I wonder, may naagrabyado ka bang tao? Minsan kasi ganoon ang tadhana kung maningil. It takes away something important. At 'yong mga naagrabyado naman, sila 'yong pinagpapala. Karma as we call it. And it's really digital nowadays," matalim na komento ni Riza. Nasa mga mata nito ang pailalim na pagtira sa kanya. At animo hindi pa sapat ang timbre ng tinig nito, nakataas rin ang isang kilay ng dalaga.

Alam ni Marc na ang nakaraan ang tinutukoy ni Riza. Oh, yeah. Sa paningin nito ay siya ang may kasalanan pero alam niya kung ano ang totoo.

"Oh, don't talk as if you know what really happened to me," balik-sagot naman niya.

"Yeah?" Riza asked in a challenging tone.

Nagkatinginan sina Lee at Avegail. There was silent communication in those glances.

"Sorry. That was out of line," agad na bawi ni Riza nang mapansin ang mag-asawang Aragon. "M-may pinaghuhugutan lang ako. Apparently, I have a friend na pinaasa at niloko ng isang racer na tulad ni Marc. Kaya medyo allergic ako sa mga racer."

"Really? What a coincidence," sabi naman ni Marc in a sarcastic tone. "I have this racer friend na umibig naman sa isang probinsiyana. He thought that girl loved him. Iyon pala ay niloloko lamang siya. Mabuti na lang at maaga niyang natuklasan ang kalokohan nito."

"Niloko ang kaibigan mo? Nakakasiguro ka ba sa impormasyong iyon?" agad na tanong ni Riza. Disbelief was written on her face. Pagkatapos ay napalitan ng galit ang pagkalitong sumungaw sa mga mata nito. "Tingnan mo nga naman. Nagawa pa niyang humabi ng kuwento para pagtakpan ang panloloko niya. I didn't believe this."

"Hindi humabi ng kuwento ang kaibigan ko, Riza."

Muli ay nagkatinginan ang mag-asawang Aragon.

"Ah...'yong mga kaibigan n'yo ba ang nagkaroon ng relasyon?" tanong ni Avegail.

"No!" sabay nilang sagot ni Riza. Sabay rin silang nanahimik. Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka kanina pa siya bumulagta sa talim ng tingin sa kanya ng dalaga.

"Kung hindi ang mga kaibigan ninyo... eh, di kayo?" nanantiyang tanong ni Avegail.

"Honey..." saway ni Lee sa asawa.


Author's note: May sariling kuwento sina Avegail at Lee Aragon. His Scarred Heart and title. :)

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now