Part 7

6.4K 168 3
                                        

HINDI napigilan ni Marc ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. This particular lady amazed him. "So, kilala mo ako?" Marc asked the obvious question. Nang makita siya ng babae ay kumislap agad sa rekognisyon ang mga mata nito. By then, alam agad ni Marc na fan niya ang babae. But she amused him when she touched his face, stared at him, and hugged him. Tila isa siyang Greek god sa Mount Olympus at sinisiguro ng babae kung tunay nga bang bumaba siya sa lupa. Hindi lang naman ito ang fan na gumawa sa kanya ng ganoon kaya lang ay may kakaiba sa babae na nagpapasaya sa kanyang puso.

"O-oo," sagot ng babae. Nananatiling nakatakip ang mga palad sa mukha.

Marc chuckled. "Bakit ayaw mo akong tingnan? Don't worry, marami naman ang nagsabi sa akin na mas guwapo nga raw ako sa personal."

Nag-angat ng mukha ang babae.

Damn! She's blushing and she looks so beautiful.

"Hmm...w-welcome back, Marc," she said in a low, throaty, and so damn sexy voice.

Muntik nang kumawala ang ungol sa kanyang lalamunan dahil doon. It felt as if her voice filled the air and vibrated in his soul. Hindi lang ang boses ang sexy kundi maging ang katawan ng babae na humahapit sa basa nitong kasuotan.

Nang buksan ng babae ang mga mata at titigan siya kanina, nakita ni Marc ang pinakamagandang pares ng mga mata. Bilugan ang mga iyon na binagayan ng mahahabang pilik-mata. Her eyes looked so innocent and she seemed very transparent. Madaling basahin ang kung ano man ang iniisip nito sa pamamagitan ng mga matang iyon.

And good Lord, this lady heightened his senses. Nang buhatin ni Marc ang babae at dalhin sa pampang ay napansin na agad niya na maganda ito. Iwinaksi niya sa isip ang bagay na iyon kanina at nag-focus sa pagbibigay rito ng mouth-to-mouth resuscitation. But then again, nang madama niya ang lambot at tamis ng mga labi ng babae ay ninais niyang totohanin at laliman ang paghalik.

Umungol si Marc. Ang isiping iyon ay nagdadala ng kakaibang init sa kanyang katawan. His blood was rushing through every vein. For a man who had already had his fair share of women, he already had an idea of what was happening to him. Alam agad niya na attracted siya sa babae. At malakas ang atraksiyong iyon dahil pakiramdam niya, anumang sandali ay sasakupin niyon ang kanyang buong sistema.

Dapat siyang magbunyi dahil hindi one-sided ang atraksiyong iyon. This beautiful girl was attracted to him, too. Nababanaag niya iyon sa mga mata nito kahit pilit na sinusupil ng babae ang sarili. Sadly, tila hindi ito ang klase ng babae na willing laruin ang laro niya.

"So, kilala mo ako?" Marc gave her his most charming smile. Bigla-bigla ay gustong magpa-impress sa babae at siguruhing nasa ayos ang lahat. Tinatanong niya ang babae nang ganoon dahil naiintindihan niya na kahit sikat siya ay hindi pa naman siya matatawag na household name sa Pilipinas.

Kompara kasi sa basketball, hindi pa masyadong fanatic ang mga Pinoy pagdating sa racing. Kung mayroon man sigurong agad-agad na makakakilala sa kanya ay baka mga taga-Maynila ang mga iyon. Dito sa Pampanga, baka isipin lang na isa siyang dayuhan. Unless, marami rin palang motorcycle racing fanatic doon.

"Uhm, oo... Ahm, kung natatandaan mo pa 'yong dati ninyong caretaker, si Hilda Pabelonia? Uhm, ako ang anak niya. Ako si Riza."

Riza? Riza who?

Naalarma si Marc nang makita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng babae. Inaasahan marahil ng babae na makikilala niya ito.

"Riza? Ikaw na ba si Riza?" kunwari ay nasorpresang bulalas ni Marc. Pinili niya na magkunwaring naaalala ito dahil hindi niya matagalan ang lungkot na sumungaw sa mga mata ng babae. Kung bakit ay hindi niya alam. Napasinghap pa ito nang yakapin niya. Agad din naman niya itong binitiwan. His smile became wider as if he was really happy. "It's so good to see you again, eh. Look at you now, dalaga ka na. Oh, meaning, sa 'yo 'yong scooter at backpack na nasa porch? I noticed them kaya naglakad-lakad ako."

Tumaas ang kamay ni Marc. He wanted to caress her cheek pero baka naman mabigla si Riza kaya pinisil na lang niya ang pisngi. "Ah... hindi ka na chubby. Hindi na masarap pisilin ang pisngi mo."

Natulala si Riza sa kanyang ginawa.

Jeez! Where did I get that? Paano kung hindi naman pala chubby si Riza noon? Mabubuking siya. Kung bakit kasi hindi niya napigilan ang kanyang sarili.

"Ah, teka. Bakit ba narito pa tayo sa dalampasigan? Tara doon sa rest house at nang makapagpalit ng damit. Doon na rin natin ituloy ang kuwentuhan. Then—" Tumigil si Marc sa pagsasalita. Paano'y para siyang hinihigop ng titig ng dalaga.

Tila wala sa sariling ngumiti si Riza habang nakatitig sa kanya. Mahina pang bumuntong-hininga. It was as if Riza was daydreaming. Gusto niyang mapahalakhak dahil doon.

"I know, I know, my accent is cute," ani Marc na ikinalaki ng mga mata ni Riza. Napakadali kasing basahin ng nilalaman ng isip ng dalaga.

"S-sandali!" wika nito na animo ay may naalala. Nilingon ng dalaga ang kinaroroonan ng rest house. Sa tabi ng scooter ay nakaparada ang dala niyang sasakyan. Kapagkuwa'y binigyan siya ng nagdududang tingin ni Riza. Halos matawa siya. Why, she was so cute. "Parang walang alam si Nanay na may darating na bisita ngayon..."

Marc just smiled sheepishly. Ang rest house ay pag-aari na ngayon ng kanyang kamag-anak at sinadya niya na huwag ipagsabi ang kanyang pagdating.

us\x

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now