CHAPTER THIRTEEN
Present day
HUMINGA nang malalim si Riza para kalmahin ang kalooban. She blinked away the unshed tears. Subalit hindi nagpaawat sa pamumuo ang kanyang mga luha. Nang tuluyang maipon ay naglandas iyon sa magkabila niyang pisngi. Oh, yeah she was crying. Pero hindi pighati ang dahilan ng mga luhang iyon. Nakapaskil pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi.
Hindi niya mapigilan na hindi maging emosyonal habang pinapasadahan ng tingin ang bulwagang kani-kanina lang ay pinuno ng mamamahayag, magazine editors, well-known photographers, at art enthusiast. Wala na ang mga ingay at kuwentuhan na kani-kanina lang ay maririnig sa apat na sulok ng gallery. Wala na ang mga tao, wala na ang mga ingay.
Ang naroon na lang ay ang mga piraso ng litrato na bawat isa ay natututukan ng spotlight. And each of those photographs were all hers. Yes, it was her exhibition. Pagtatanghal ng kanyang mga kuha.
"Hindi ka pa rin makapaniwala na ganito na kalayo ang narating mo?"
Nilingon ni Riza ang pinagmulan ng tinig. Si Kaycee iyon. Itinaas ng kaibigan ang hawak na kopita as if to cheer her on. Ngumiti siya at tumango. Hindi nag-iisa si Kaycee. Kasama nito ang isa pa niyang kaibigan na si Kevin, may bitbit itong dalawang kopita ng champagne. Si Kevin ang lalaking pinagkakautangan niya ng kanyang tagumpay. Nilapitan siya ng dalawa. Nang makalapit ay iniabot ni Kevin sa kanya ang isang kopita. She accepted it.
"Bukod kay Nanay, kayong dalawa ang unang tao na naniwala sa akin, Kaycee, Kevin. You guys believe in me more than I believe in myself," basag ang tinig niyang wika.
Muling pinasadahan ng tingin ni Riza ang gallery kung saan nakahilera ang kanyang mga obra. Nilapitan niya ang pinakamalapit na piraso niyon. An exciting number of red stickers were stuck beneath the art piece. Ang bawat sticker ay may kanya-kanyang numero. Each number represented the art enthusiast who was interested in buying a copy of that particular photo. Nakakalula dahil lahat ng piraso ng larawan ay nadidikitan ng maraming stickers. Ibig sabihin niyon ay isang malaking tagumpay ang exhibit na iyon.
"Kung hindi mo siguro ako kinumbinsi na magpasa ng mga kuha ko sa isang magazine, wala ako rito ngayon. I owe you a lot, Kaycee." Pinahid ni Riza ang luhang namalisbis sa kanyang mga pisngi. "O-of course, sa 'yo rin, Kevin. Utang ko rin sa 'yo ang lahat ng ito."
It had been years mula nang kontakin si Riza ng isang lalaking nagngangalang Kevin. Nakuha diumano ang interes nito ng mga litrato sa isang magazine. Hinanap ni Kevin ang photographer. At siya nga iyon. It turned out na isa itong art agent. He said he saw talent in her. Hinimok siya ni Kevin na ipamahala diumano niya sa lalaki ang kanyang mga obra at gagawin nito ang lahat para magkapangalan siya sa mundo ng photography. Hindi siya nagtiwala agad. Hindi na siya madaling magtiwala. She smiled bitterly at that line. Pero sadya yatang malakas ang convincing power ni Kevin dahil napahinuhod rin siya ng lalaki.
Ipinakilala si Riza ni Kevin sa iba't ibang tao: gallery owners, artist, at art enthusiasts his connections. Unti-unti ay pinalawak ng lalaki ang kanyang mundo. Hanggang sa dumating sa punto na paunti-unti ay nagagawa nitong magsama ng ilang kuha niya sa mga exhibit at conference na ginaganap sa bansa. Saling-pusa kumbaga. Kevin was so patient. Palagi nitong sinasabi sa kanya na matamis namnamin ang tagumpay kapag pinaghirapan mo iyong abutin. Then came the time when art critics and art enthusiast discovered her. They were the ones who clamored for her to have a solo exhibition. Nang makatiyak si Riza na handa na siya, saka nila pinasok ang solo exhibition.
"I beg to disagree, Riza. Kahit hindi kita hinimok na magpasa ng kuha mo sa magazine, sigurado ako na may darating para madiskubre ang talento mo. Bakit 'kamo? Dahil iyon ang kapalaran mo. It's just a matter of God's perfect time. At ito na ang oras mo."
"I agree with Kaycee," segunda naman ni Kevin. "See? Malayo na ang narating mo mula sa pagiging saling-pusa sa mga exhibition. Look at you now. You're now Riza Pabelonina, a respected name in the world of photography."
"Thank you, guys. Sana lang, narito si Nanay para masaksihan ang tagumpay na ito." Hindi napigilan ni Riza ang paghikbi habang inaalala ang mga pinagdaanan nila ng nanay niya. Lalo na ang panahon na buong puso siya nitong inaalalayan at sinusuportahan sa pagbangon niya.
Look at me now. I've learned to spread my wings and I've learned to fly... high. Hindi na ang haring-araw ang inaambisyon kong abutin kundi ang langit na mismo. God doesn't hate me at all...
"Ano ka ba? Saan man naroroon si Nanay Hilda, alam mong masaya siya sa narating mo. I'm sure she's so proud of you. Wait, hindi pa tayo nagtsi-cheers. Cheers to your success!"
"Cheers," natatawang tugon ni Riza. Pinagpingki nila ang kanilang mga kopita bago sinimsim ang laman niyon. "Siyanga pala, available ba kayo next week?"
"And why?" tanong ni Kaycee.
"Is it about the Peace Island invitation?" sabi naman ni Kevin.
Tumango si Riza.
"Peace Island invitation?" naguguluhang tanong ni Kaycee. Naguguluhan man, hindi naman maipagkakaila ang kislap ng excitement na sumungaw sa mga mata ng kaibigan dahil sa pangalan ng islang iyon. Peace Island was a world-class resort. It was actually tagged as the playground of the rich and the famous. Nasa Palawan iyon at isang Filipino banking magnate ang may-ari. "Correct me if I'm wrong, pero sa pagkakatanda ko, they commissioned you para kumuha ng mga litrato na idi-display sa Canal gallery nila, tama?"
Si Kevin ang sumagot. "Tama. Actually, Riza's work is currently on display at the Canal gallery now. Matagal na ang imbitasyon ng mag-asawang Aragon kay Riza."
"Well, Mrs. Aragon called again. Magtatampo na raw silang mag-asawa kapag hindi ko pa tinanggap ang imbitasyon nila na magbakasyon doon. Tamang-tama diumano dahil naroon rin sila ng kanyang pamilya. And she was saying something about a business proposal. At dahil wala naman akong trabaho, naisip ko na mag-relax na rin muna. Ano, sama kayo?"
"Island iyon, my gosh. Count me in! Gagawa ako ng paraan para malinis ang schedule ko next week. Ah, Peace Island here I come!"
Natawa si Riza. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi nangangarap na makatapak sa pamosong Peace Island? Good luck na lang sa kaibigan kung magawa ngang malinis ni Kaycee ang schedule nito.
Tulad kasi niya ay matagumpay na rin si Kaycee. Company executive na ang kaibigan sa isang international software company. Binalingan niya si Kevin. "Ikaw, Kevin? 'Di ba nakapagbakasyon ka na roon?"
"Kahit ilang beses pa akong bumalik roon, hindi ako magsasawa. Unfortunately, may naka-schedule akong conference next week outside the country. So just enjoy yourselves, guys."
"Okay."
5

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...