Part 4

7.1K 180 1
                                        

ANG TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Riza. Nakapikit na hinagilap niya iyon at pinatay. The first thing that came to her mind was Marc's smiling face. Napangiti siya. Sapat na iyon para gumanda ang kanyang gising at ang buong araw niya. Without opening her eyes, she turned to the left side of her bed kung saan naroon ang bedside table.

Hinagilap niya ang kanyang pinaka-most prized possession, itinapat iyon sa kanyang mukha bago dahan-dahang nagmulat ng mga mata. There. Sumalubong sa kanyang paningin ang nakangiting litrato ni Marc. Well, a six year-old Marc for that matter. Nakasuot ang batang Marc ng pambatang racing suit, kilik ang maliit na helmet sa tagiliran habang nakasandal sa isang maliit ding motorsiklo. May cap sa ulo ng batang Marc. At siyempre, ang pamosong ngiti na iyon na nagbibigay ningning sa mga mata ng binata. And it was a genuine picture. Patunay roon ang handwriting na nasa likod ng larawan.

"Good morning, amor mio," paos ang boses na wika ni Riza sa larawan. Naupo siya sa kama. Tinanggal niya sa frame ang litrato at binasa ang mga letrang memoryado na niya.

Riza, I wish you can come with me to Spain. But your mother won't let you come with me. She said I am too young to take care of you. When I grow up, I'll see you again, I promise. Te amo, baby. -Marc

Para kay Riza talaga ang larawan. At ang kuwento sa likod ng larawan na iyon? Well, ayon sa kanyang nanay, dahil nga raw kinagiliwan siya ng batang Marc ay ginusto nito na isama siya sa Spain nang mag-migrate na ang pamilya Marquez. Her mother even said na "hiningi" diumano siya ni Marc sa kanyang nanay. Siyempre ay hindi pumayag ang kanyang ina. Excited diumano ang batang Marc na umalis para sa pangarap and at the same time ay nalulungkot na hindi siya maisasama. She read the handwritten dedication once again. Perpekto na sana iyon kung hindi lamang sa isang salita—ang "Kuya" na binura lang ni Riza ng liquid paper. The dedication really said "Kuya Marc."

Yeah. Umaasa si Riza na isang araw ay darating si Marc para sa kanya, katulad ng ipinangako ng binata.

"But what are the odds that you'll keep your word, champion? Dumaan na ang maraming taon na wala akong naririnig mula sa 'yo." Marahil ay tama nga si Kaycee. Baka nabubuhay na lang siya sa pantasya. "Kunsabagay, sino nga ba naman ako? Kinagiliwan mo lang naman ako dahil naghahanap ka ng isang kapatid."

Oh, for so many years Riza really had no idea who Marc Marquez was. Not until she was nineteen. Nasa Maynila sila noon ng kanyang nanay para magbakasyon sa isang kamag-anak. May cable ang mga kamag-anak nila. At ang pinsan niya ay nagkataong fan pala ng motorcycle racing. Naabutan nila ang kanyang pinsan na nanonood ng 125cc motorcycle racing. Nang ianunsiyo kung sino ang nanalo, her mother shrieked upon hearing the name Marc Marquez. Habang siya ay tila naengkanto naman sa nakangiting mukha ng binata na naka-focus sa screen ng TV. Doon na nagsimula ang pagkukuwento ng ina ng tungkol sa binata. Luckily, naitago ng ina ang picture na ibinigay diumano sa kanya ng batang Marc.

Noon naging tagahanga ng binata si Riza. She surfed the Internet, Googled his name, watched his YouTube videos, and many more. And the rest as they say was history.

Ibinalik na ni Riza ang litrato sa frame. Maingat na inilagay sa bedside table ang litrato bago tumayo. Enough of Marc and his smile. Maaga siyang gumising dahil gusto niyang maligo sa lawa sa Ibayo. Matagal-tagal na rin siyang hindi nagagawi roon. She terribly missed swimming in the fresh water. Bukod sa paglalangoy ay balak din niyang kumuha ng ilang litrato.

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now