Part 46

4.7K 157 1
                                        


Ang maliit na kamay na pumipisil sa ilong ni Riza ang gumising sa kanya. Agad gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Hinuli niya ang munting kamay at dinampian iyon ng halik. Pumailanlang ang matinis na hagikgik sa paligid. What an angel's voice it was.

"Good morning, Mama," anang maliit na tinig bago niya naramdaman ang pagsampa ng katawan nito sa ibabaw niya, kasunod niyon ang pagdampi ng halik sa kanyang mga labi.

Nagmulat ng mga mata si Riza. "Good morning, mahal ko," aniya bago ikinulong ito sa kanyang mga bisig. Sa isang mabilis na kilos ay nagawa niyang kubabawan ito, careful not to crush her. Pinupog niya ito ng halik. Panay naman ang matinis na hagikgik nito.

This little angel was named Victoria, her daughter. She fondly called her "Torie." Si Torie ang naging bunga ng kalapastanganang nangyari sa kanya anim na taon na ang nakararaan.

Riza was so busy mending her broken heart then. Kung kailan unti-unti na siyang nakakabangon ay saka naman siya hinagupit na naman ng isang biro. Hindi malalaman ni Riza na buntis siya kung hindi siya hinimatay sa JeRi. Irregular talaga ang menstruation niya kaya hindi siya nag-panic nang hindi siya datnan. Kokontakin na sana ng kanyang nanay si Marc para ipaalam ang kanyang kalagayan kaya napilitan siyang ipagtapat sa ina ang totoo. Na siya ay naging biktima ng panggagahasa.

She never thought of getting rid of the baby. Maging ang nanay niya ay binantaan siya na huwag gagalawin ang bata. Bubuhayin diumano nila iyon at palalakihin ng busog sa pagmamahal.

Para iiwas si Riza sa kahihiyan at sa tsismis ay umalis silang mag-ina ng Pampanga. Nag-resign ang nanay niya sa pagiging caretaker ng rest house habang siya naman ay ipinagbili ang parte niya sa JeRi.

Lumipat sila sa Maynila at nagsimula ng panibagong buhay. Isang taon at kalahati na si Victoria nang sumakabilang-buhay ang kanyang nanay dala ng atake sa puso. Noon naman muli nagsalubong ang mga landas nila ni Kaycee. Noon din dumating sa buhay niya si Kevin. Pinilit niyang maging matatag para sa kanyang anak, para sa kanilang mag-ina. Marahil ay napagod na rin ang tadhana sa kabibiro sa kanya dahil heto at maayos na sila. She loved her daughter very much kahit pa nga ba bunga lang si Torie ng kalapastangan sa kanya.

Victoria was her pride, inspiration, and joy now. Ang anak niya ang pinakamagandang bagay na nangyari sa kanyang buhay. Kay Victoria na umiikot ang kanyang mundo. As for Victoria's biological father, hindi pa rin kilala ng anak niya kung sino ito. Hindi na rin siya interesadong malaman. Paano nga ba niya malalaman gayong hindi naman siya naghanap ng hustisya. Maliban sa nanay niya at kay Kaycee ay wala nang iba pang nakakaalam sa madilim na parteng iyon ng kanyang buhay. Ipinagpasa-Diyos na lang niya ang hustisya sa nangyari sa kanya.

And as for Marc, kinalimutan na ni Riza ang binata. He shut him out of her world. Hindi naging madali pero kinaya niya. Bumangon siya. At nagtagumpay.

Nagulat pa si Riza nang pisilin ni Victoria ang ilong niya.

"Mama, 'di ka nakikinig," nakanguso nitong sabi.

"Sorry, sweetheart. Mama had just a walk down memory lane."

"Ano po 'yon, Mama?"

"Ibig sabihin, inalala ni Mama 'yong nakaraan. Ano nga uli ang sinasabi mo?" Hinaplos ni Riza ang buhok ng anak. Masasabi niyang halos lahat ng facial features ni Victoria ay nakuha sa kanya. Oh, well, maliban sa ilong dahil may pagkaprominente ang tangos niyon. Matangos din naman ang ilong niya pero magkaiba sila ng tabas.

"Hmm... can we go to the mall, Mama?" naglalambing na ungot ni Victoria.

"Gusto mong pumunta sa mall?"

"Opo. Can we, Mama?"

Kunwari ay nag-isip siya. "Hmm... Depende kung bibigyan mo ako ng maraming-maraming halik."

Lumiwanag ang mukha ni Torie. Sa isang iglap ay pinapaliguan na ni Victoria ng halik ang buong mukha ni Riza. After the luscious kisses, Torie hugged her. "I love you, Mama."

"I love you, too, Torie. Mahal na mahal ka ni Mama."



"MAMA, 'baba mo na po ako," sabi ni Victoria kay Riza bago nagpabigat ng katawan para ibaba na niya. "Big girl na po ako, eh." Nasa mall na sila. It turns out na kaya nahihiling nagyayang mag-mall ang anak ay para magpabili ng Minion na backpack. Uso raw kasi iyon sa day care kung saan pumapasok ang anak.

"Big girl ka na? Hindi ka na magpapakarga sa akin kahit kailan?" nakataas ang kilay na tanong ni Riza habang ibinababa ang anak. Limang taon lang si Victoria pero matatas nang magsalita. Tila mas matanda rin sa edad nito ang maturity ng isip. Kunsabagay, at one year old ay madaldal na ang anak kahit hindi nila maunawaan ang sinasabi. Ang sabi ng kanyang nanay ay mana raw sa kanya ang anak niya.

Victoria giggled. "Sometimes, Mama." Kumapit ito sa kanyang kamay bago tumingala uli sa kanya. "Saka, may mga bitbit po ikaw, eh. Baka nahihirapan ka na po kaya maglalakad na lang ako..."

Her heart melted. Ang mga paper bag ng pinamili nila ang tinutukoy ng anak na bitbit niya. Namili na rin kasi sila ng mga swimsuit na dadalhin nila sa Peace Island.

Naupo si Riza para pumantay sa anak. "Ang suwerte-suwerte naman talaga ni Mama sa kanyang prinsesa. Kiss me, sweetheart." Pinahaba niya ang nguso. Victoria obliged. Dinampian ng anak ng halik ang kanyang mga labi. "Wow! Ang sarap naman n'on. Isa pa nga..." muling hirit niya. Wala siyang pakialam kung naroon silang mag-ina sa daan at paroo't parito ang mga tao. Masyadong sweet ang kanyang anak kaya minsan ay nahihiling niya na huwag na itong lumaki. Muli siyang pinagbigyan ni Victoria. Humiling siya ng isa pa. At isa pa.

"Enough na po, Mama," sabi ni Victoria pagkaraang iikot ang mga mata sa paligid. She knew why she refused her request for another kiss. Marahil ay na-concious na ang anak sa mga matang tumitingin sa kanila.

Kunwari ay nalungkot si Riza. "Don't you want to kiss me anymore? You're hurting Mama's feelings, Torie. I'm sad na." She pouted.

"What? No, Mama, don't be sad," sabi ng anak at hindi magkandatuto sa paghaplos sa kanyang mukha. Then Victoria kissed her again and again. "Smile ka na po, Mama, please..."

Ngumiti si Riza habang pilit na iwinawaksi ang naiipong luha sa magkabila niyang mga mata. Pagdating sa anak ay madali talaga siyang maging emosyonal. Bunga man si Victoria ng isang madilim na kahapon, itinuturing naman iyon ni Riza na liwanag ng kanyang buhay. Maaaring kakatwa sa iba pero ni minsan, kahit noong ipinagbubuntis pa lang niya si Victoria, hindi siya nagalit sa anak bagaman nag-panic siya noon at natakot sa kahihiyang idudulot niyon sa kanya. Natakot rin siya sa responsibilidad na kaakibat ng pagiging dalagang-ina. Hindi alam ni Riza kung kakayanin niya ang lahat. Pero nasa tabi niya ang kanyang ina. Her mother guided her and supported her all the way.

Nang iluwal ni Riza si Victoria ay nakabitin ang kanyang hininga hanggang hindi niya naririnig ang unang iyak nito na tanda ng buhay. That first cry was like music to her ears. Then, when she held her daughter in her arms for the first time, she couldn't help but cry so hard. Ipinangako ni Riza na mamahalin niya nang buong puso ang anak. Torie was God's gift to her.

text-au5

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now