NABUBUGNOT na inihilamos ni Marc ang mga kamay sa mukha. Para bang sa pamamagitan niyon ay maiwawaglit niya sa isip ang imahen ni Riza. He let out a curse. Pagkuwa'y tumayo siya mula sa swivel chair. Niluwagan niya ang suot na necktie. He also party unbottoned his sleeve. Para bang init na init siya. Or rather, he felt wretched.
Tinungo ni Marc ang kinalalagyan ng wine. Nagsalin siya ng alak sa kopita at inisang lagok iyon. Muli siyang bumalik sa swivel chair. Napu-frustrate na siya sa mataas na salansan ng mga folder sa gilid ng kanyang mesa. Mula nang makita niya si Riza ay hindi na siya makapagtrabaho nang maayos. And it had been what, five days?
"Bakit ginugulo mo pa ang mundo ko, Riza? Bakit ayaw mo akong patahimikin?" sabi ni Marc sa pagitan ng nagngangalit na mga ngipin.
Bakit 'kamo apektado ka pa rin, Marc? Naka-move on ka na, hindi ba? Oh, wait, nakapag-move on ka na nga ba? pang-iinis ng isang bahagi ng kanyang isip na animo ay nakangisi pa ang dalaga habang binubuska siya.
Riza was probably happily married by now. Hindi nga ba at may anak na ito. He wonder, sino kaya ang nakatuluyan ng dalaga? Ang lalaking iyon kaya na... "Shit!" muli ay malutong niyang pagmumura.
It felt like he had some unfinished business with her. Hanggang ngayon ay hindi alam ni Marc kung tama ba ang naging desisyon niya na tumalikod na lang at hindi kinompronta si Riza. Oh, yeah, he had saved his pride. Hindi lang niya alam kung maiiba ba ang pangyayari kung ipinamukha niya sa dalaga ang panloloko nito. Ah, there were "what ifs" na hindi niya kayang sagutin.
Tumunog ang telepono ni Marc. Bagot na tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Nang makitang si Romano Custudio iyon ay agad niyang tinanggap ang tawag.
"Mr. Custudio..."
"Oh, please, call me 'Roman.'"
"Roman then. Uhm, I heard na nagka-emergency sa family n'yo?"
"Unfortunately, yes. Kaya kailangan kong mag-cancel ng appointments including yours. But if you want, you can have an audience with my best friend and business partner Lee Aragon."
"Really?" He knew Lee Aragon. Katulad ni Roman ay respetado rin si Lee Aragon sa business world.
"Yeah. I actually just gave him a ring before I called you. He says it's okay with him and he's a little excited to meet you. Kaya lang, nasa Peace Island sila ngayon ng pamilya niya. So he asked kung puwedeng pumunta ka na lang doon?"
"Sure, sure, walang problema. Wow. Thank you very much for the opportunity, Roman. I highly appreciate this call." Roman personally called him at hindi maitatanggi na nag-effort ang lalaki sa pagkausap sa kaibigang si Lee para lang makausap siya. That was incredible.
Roman chuckled. "Actually, we are fans of yours. I mean fans during your MotoGP days. Kaya nanghinayang din ako na hindi matutuloy ang meeting natin. So the least I can do is to arrange a meeting between you and Lee. My best friend is excited to meet you. Anyway, I'm sure see you once I get back."
Agad din namang nagpaalam si Roman. Marc smiled. Peace Island? Not bad. Makabubuti na rin siguro na i-extend niya ng ilang araw ang pananatili roon para makapag-unwind siya para kahit paano ay maliwanagan naman ang kanyang isip. Lalo na at nitong mga huling araw ay wala na siyang ginawa kundi guluhin ng alaala ni... Riza. A breath of fresh air was all he needed to ease his tension.
g5>

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...