HINDI pa man nagmumulat ng mga mata si Riza ay bumalik na sa kanyang isip ang nangyari. Agad siyang napabangon. Napagtanto niyang sakay siya ng kotse ni Kaycee.
"Thank God at bumalik na rin ang malay mo. Hindi na kita kailangang dalhin sa hospital," sabi ni Kaycee habang inilalayo ang bulak na marahil ay may ammonia.
"Kaycee, si M-Marc? Kumusta si Marc? Sabihin mong ayos lang at ligtas siya," hindi magkandatutong sabi ni Riza. "Saang ospital siya dinala?"
"Uhm... Ayon sa balita, sa The Medical City daw dinala si Marc. Hindi pa naglalabas ng medical announcement ang mga doktor tungkol sa kalagayan ni Marc."
Her body trembled. "Pupuntahan ko siya."
"Riza, kumalma ka, please. Ayon sa balita ay mahigpit daw ngayon sa hospital. Hindi raw nagpapasok ng mga fans..."
"Hindi naman ako pangkaraniwang fan lang!" she said desperately.
"Alam ko. Pero sino ang maniniwala sa 'yo? You can't just brag that you're Marc's girlfriend. I'm sure, marami na ang gumawa n'on makalapit lang sa binata."
Napipilan si Riza. Aminado siya na may punto ang kaibigan. "Ano'ng gagawin ko ngayon?" naiiyak niyang tanong.
"Sa ngayon, kailangan lang muna nating maghintay ng balita. Huwag kang masyadong mag-alala dahil hindi naman pababayaan ng Diyos si Marc."
Binuksan ni Kaycee ang stereo ng sasakyan at naghanap ng balita.
"Marc Marquez broke so many riders' records including podium finishes, fastest lap, and many more. And now he's breaking another record for the fastest crash! Marc was believed to be going at a staggering 209mph when he crashed! Let us pray that this is not a career-threatening crash for the Smiling Assassin."
"God..."
That news did not help her at all. Lalong natakot si Riza, lalo siyang nenerbiyos. Bakit naman hindi agad nagbigay ng medical announcement ang ospital gayong alam naman ng mga doktor na maraming tulad niya ang naghihintay ng balita?
Unless... Marc was really in great danger.
Mariing pumikit si Riza at iwinaglit sa isip ang ideyang iyon.
"O, Diyos ko po. Iligtas N'yo po si Marc."
Muling naghanap ng station si Kaycee. "Breaking news. Naglabas na po ng update ang manager ni Marc Marquez..." Agad umunat ang likod ni Riza. "Ayon dito ay ligtas si Marc..."
"Salamat sa Diyos..." Pakiramdam ni Riza ay nawala ang pagkabigat-bigat na bato na nakadagan sa kanyang dibdib.
"Aside from having a broken rib that has already been taken care of, Marc is fine. He said he is sorry the exhibition ended like that. And he thanks you all for the prayers."
"O, 'ayan, ligtas daw si Marc," nakangiting wika ni Kaycee.
Riza nodded thankfully. Buong higpit na niyakap niya ang kaibigan.
"PHONE. Can I have my phone, please," ani Marc nang makaalis ang mga doktor na tumingin sa kanya. Maliban sa isang nabaling tadyang ay maayos naman siya. Bumuntong-hininga siya. Pakiramdam niya ay na-disappoint niya ang kanyang mga kababayan.
"Here." Iniabot ng kanyang assistant ang kanyang cell phone, pagkuwa'y nagpaalam na iiwan muna siya.
Agad na nag-dial si Marc. Pagkaraan nang dalawang ring ay sinagot na ang kanyang tawag.
"Hello, Marc?" anang humihikbing tinig ni Riza. Damn. Sinasabi na nga ba niya at nag-aalala ang dalaga. He should be calling his family first. Subalit hindi niya matiis na mamaya pa tawagan ang dalaga para ipaalam na okay siya. Sumisikip kasi ang kanyang dibdib sa isiping umiiyak ito at nag-aalala sa kanyang kalagayan.
Umungol si Marc. "Hindi pa naman ako patay, ba't iniiyakan mo na ako?" biro niya.
"Marc!" sita ni Riza bago humagulhol uli. "Nagagawa mo pang sabihin 'yan gayong halos mamatay na ako sa pag-aalala sa 'yo!"
Bahagya siyang napangiti. "Biro lang. Sshh... Don't cry. I'm okay. I'm fine. But I'm missing you already. Sa sobrang pagka-miss ko sa 'yo, na-distract ako kanina..." Na-distract siya kanina dahil tila dinadaya siya ng kanyang paningin nang makita ang dalaga. Nawalan siya ng pokus dahil doon. Imposibleng nanonood si Riza. Nasa Pampanga ang dalaga at kahit ano ang pilit niya na lumuwas ay hindi niya napahinuhod. Ang sabi nito ay magkakasya na lang diumano itong manood sa telebisyon. That she will wait for him to come back.
"Ano'ng ibig mong sabihin na na-distract ka?"
"Nah, it's nothing. I love you, Riza."
"I love you, too, Marc. Please, ingatan mo naman ang sarili mo, ha? Mangako ka."
"I promise, ikaw lang ang iibigin ko, Riza." It was not a tease or a joke. Bukal sa puso ni Marc ang mga salitang iyon. "Wait for me, will you?" Tutuparin niya ang kanyang pangako. Babalik siya at pananagutan niya si Riza. But first, kailangan muna niyang iayos ang lahat.
"Marc..."
"Tell me you love me, mi amor," paglalambing niya.
Riza giggled. Knowing her, alam niyang kinikilig na naman ang dalaga. At kapag ganoong alam ni Marc na napapakilig niya si Riza ay abot-langit din ang kanyang saya. Oh, he never knew na kapag pala makita mo lang na masaya ang taong mahal mo ay mas dobleng saya pa ang iyong mararamdaman.
Malawak ang ngiting binalikan ni Marc sa kanyang isip ang mga bawat sandali nila ni Riza. It was pure fun and pure magic. Damdaming nagsimula sa atraksiyon at nauwi sa pagmamahal.
"Te amo, Marc."
"Te amo, mi amor," aniya. Katatapos pa lang niyang maibaba ang telepono nang bumukas ang pinto. Nahigit ni Marc ang hininga nang makita kung sino ang pumasok.
"Hello, Marc," bati nito sa kanya.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...