CHAPTER NINETEEN
"ANO'NG gagawin ko ngayon, Kaycee?" desperadong tanong ni Riza. Kailangan niya ng makakausap at mapagsasabihan ng mga nangyari kaya tinawagan niya ang kaibigan at sinabi ang lahat-lahat. Well, hindi pala lahat dahil tinanggal niya ang parteng may nangyari sa kanila ni Marc kaninang umaga. "Kaycee? Nandiyan ka pa ba?" tanong niya nang lumipas ang ilang sandali at hindi ito sumagot.
"Diyos ko, Riza, para akong hihimatayin sa ikinuwento mo." Hindi man niya nakikita, alam niyang nasa mukha ni Kaycee ang pagkamangha. "Kunsabagay, ikaw nga hinimatay talaga, eh. Grabe lang talaga ang tadhana kung makapaglaro, ano?"
"So ano'ng masasabi mo? Bumabalik sa buhay ko si Marc, Kaycee." Sinulyapan ni Riza ang dalampasigan kung saan naroon sina Victoria at Marc. They were building a sandcastle. Mataginting at puno ng buhay ang hagikgikan ng dalawa. Walang duda na nagkakasiyahan ang kanyang mag-ama. Natigilan si Riza. "Mag-ama niya" talaga ang kanyang naisip? "At natatakot rin ako para kay Torie. Paano kung tuluyang mapalapit ang loob ng anak ko kay Marc?"
"Hindi ka maguguluhan ng ganyan kung wala ka ng nararamdaman kay Marc. Bakit hindi mo siya bigyan ng tsansa?"
"I have no intentions of losing my heart to him ever again."
"Yeah? Sa palagay mo mapipigilan mo ang puso mo?"
Natahimik si Riza. Dahil ang totoo ay hindi nga niya kayang pigilin ang kagustuhan ng kanyang puso. Hayun nga at parang napakabilis ng mga pangyayari. Parang sa isang kisap-mata lang ay bahagi na uli ng buhay niya si Marc.
"Ang totoo natatakot ako, Kaycee. Natatakot akong sumugal uli. Baka hindi ko na kayanin kapag nasaktan uli ako."
"Riza, tadhana ang naghiwalay sa inyo at tadhana rin ang gumawa ng paraan para magsalubong uli ang mga landas ninyo. Why? Because I think you two are meant for each other. Huwag kang matakot na sumubok na magmahal uli. Ang pag-ibig parang sugal 'yan. You have to take the risk. You have to put your heart on the line. Hindi mo malalaman kung mananalo ka o matatalo kung hindi mo susubukan. And, it's better to fight and lose than lose without fighting at all, right?"
Riza knew Kaycee had a point. Hindi lang niya alam kung may sapat na tapang ba siya para sumugal.
"Bakit pakiramdam ko, itinutulak mo ako kay Marc? Akala ko ba, ipapa-salvage mo 'yon dahil sinaktan lang ako?" biro niya sa kaibigan.
"Alam mong halos isumpa ko talaga siya noon. Pero ngayong pareho n'yo nang alam ang panig ng bawat isa... Siguro, dahil alam kong sa kanya ka lang sasaya. Maraming lalaki ang sumusubok na kumuha ng atensiyon mo. Manhid ka sa kanila. Hindi nila magawang buksan ang puso mo. Marahil dahil iisang tao lang ang may hawak ng susi ng puso mo. And that's Marc."
"Uhm, Kaycee, tatawag uli ako mamaya. Tinatawag ako ni Torie," paalam niya nang makitang kumakaway sa kanya ang anak.
"Okay. Basta huwag mong masyadong sikilin ang sarili mo, ha? Mahirap magpigil ng damdamin lalo na kung nagkukumawala 'yan sa dibdib mo. 'Love you. Bye."
"Mama, look at this. Isn't it amazing?" masiglang wika ni Victoria habang ipinagmamalaking itinuturo sa kanya sand castle na natapos na. Sina Victoria at Marc ay parehong nakaupo sa buhangin. Pulos buhangin na rin ang katawan ng dalawa.
"Wow! Let me take some pictures." Si Victoria ay mabilis na nagpakandong kay Marc. Kinuhanan niya ng litrato ang mga ito. Sa totoo lang ay puno ng litrato ng dalawa ang kanyang camera.
"Ma'am, Sir, gusto n'yo pong kuhanan ko kayo ng family picture?" sabi ng isang staff.
Family? Iyon nga ang impresyon sa kanila ng mga onlooker. Isa silang masayang pamilya. "Ah... Eh..."
"Please. Thank you," sabi naman ni Marc.
Napilitan si Riza na ibigay sa staff ang camera. She joined Marc and Victoria. "Kiss me, Mama, Papa," sabi ni Victoria na pumagitna sa kanila. So they posed as if they were about to kiss Torie's cheeks.
Nagbilang ang staff. "One, two..."
Sa pagsapit ng pangatlong bilang ay biglang yumuko si Victoria. Marc's reflex was fast. Umabante ito at idinikit ang mga labi sa kanyang mga labi.
slanZ|

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...