Part 34

4.3K 137 0
                                        


"SHIT!" hindi napigilang usal ni Riza nang makakita na naman siya ng picture ng babaeng iyon sa bawat fanpage ni Marc na kanyang binibisita. Kasama ng babae sa bawat litrato si Marc kaya naman lumalakas ang ugong na ito ang babaeng mahal diumano ng binata. Base sa comments ay napag-alaman niya na "Celine Hampton" ang pangalan ng babae. Isa diumano itong Medical student. At kaibigan ng mga Marquez ang mga Hampton.

Celine was beautiful. Wala siyang panama pagdating sa pisikal na hitsura ng babae. Oh, yeah, she was insecure. Bukod sa maganda si Celine at nanggaling sa disenteng pamilya ay maganda rin ang background. Usually, kapag may nali-link na babae sa kanilang idolo ay bina-bash ang babae ng mga fans. Pero itong si Celine ay mahal ng mga fans. Paano'y bukod sa maamo ang mukha ay lagi pang nakangiti. She seemed so sweet and charming. Nagdurugo ang puso niya sa bawat komentong kanyang nababasa na bagay na bagay diumano ang dalawa. "Perfect couple" kung tagurian ang dalawa ng mga fans. Sino nga ba si Celine sa buhay ni Marc?

"Hoy, umiiyak ka na," ana Kaycee. Isinara ng kaibigan ang laptop. Tumaas ang kanyang kamay at dinama ang pisngi. Basa nga iyon. Hindi siya aware na umiiyak na pala siya. "Kung bakit kasi basa ka pa nang basa ng mga ganyan, 'tapos, nagpapaapekto ka. Eh, tawagan mo kaya si Marc at magtanong ka sa kanya?"

"Busy si Marc sa mga testing sa bago niyang motorsiklo. Alam mo namang kasagsagan na ngayon ng paghahanda sa susunod na season ng MotoGP. Hindi ko siya puwedeng istorbuhin."

"Wow, ha? Busy sa testing pero hayan at madalas na spotted ang dalawang 'yan."

Napasigok si Riza. Bakit nga ba walang sinasabi sa kanya si Marc tungkol sa babae? It had been a week mula nang umalis ang binata. Sa loob nang lumipas na isang linggo ay mabibilang ang tawagan sa pagitan nila. Ang sabi ni Marc ay inaayos nito ang lahat. Pagkatapos niyon ay babalik ito para sa kanya. Pero kailan? Paano siya mapapanatag kapag ganoong nagsusulputan ang mga litrato ni Marc at ni Celine?

"Sorry. Ikaw naman kasi. Ipanatag mo 'yang loob mo. 'Pag tumawag si Marc, tanungin mo kasi nang deretso. Tanungin mo kung maghihintay ka pa ba o ano? Para maka-move on ka na kamo."

Iningusan niya ang kaibigan. "Pinalalakas mo ba ang loob ko o ano?"

Tumawa si Kaycee. "Cool ka lang kasi. Siyanga pala—"

Napatingin siya kay Kaycee nang hindi ituloy ng kaibigan ang sinasabi. Nakatingin ito sa labas ng JeRi. Nang sundan ni Riza ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan ay wala naman siyang makita na kakaiba. "Bakit?"

"May nakita kasi akong lalaki na parang kinukuhanan tayo ng litrato. Actually, ilang beses ko ng napansin ang lalaking 'yon."

Hindi alam ni Riza kung bakit kumabog ang kanyang dibdib. Minsan kasi pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya. Para bang may sumusubaybay sa kanya.


My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now