KINABUKASAN ay tanghali nang nakapasok sa JeRi si Riza. Paano ay halos hindi siya nakakuha ng tulog nang nagdaang gabi sa kaiisip kay Marc. She was just dreaming while wide awake. Mukhang hindi doon natapos ang kanyang pangangarap dahil maging sa JeRi ay tulala siya habang nakangiti.
"I've got to go, Riza. 'Susme! Kung hindi lang dahil sa isang software company na kailangan kong i-meeting, nunca na patatahimikin kita sa katatanong tungkol kay Marc," puno ng panghihinayang na paalam ni Kaycee. Hapon na iyon at malapit na rin silang magsara. She kissed Riza's cheeks. Kailangan kasing lumuwas sa Maynila ng kaibigan at tumigil doon ng isang linggo.
Natawa si Riza. "Kung ganoon, pabor sa akin ang pag-alis mo. Sige na, bye. Mag-ingat ka. Pasalubong ko, ha?" Hinintay niya na mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ng kaibigan bago siya bumalik sa loob ng snack house.
Dahil alanganing oras ay walang masyadong customer sa café. Dumeretso si Riza sa likod ng kaha. Kinuha niya ang mga resibo na hindi pa naipapasok sa record book at iyon ang inasikaso. Nakakailang sulat pa lang siya ay binitiwan na niya iyon. She sighed. Wala rin naman kasi roon ang kanyang focus. Kanina pa lumilipad ang kanyang isip, papunta sa rest house, or rather kay Marc. Iniisip niya kung ano na kaya ang ginagawa ng binata.
Muling nagpakawala ng buntong-hininga si Riza. Hinagilap niya ang kanyang bag at ipinatong sa kandungan. Bubuksan pa lang niya iyon nang tumunog ang wind chime, indikasyon na may customer na pumasok. Nag-angat ng ulo si Riza para tingnan ang taong pumasok. Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Marc. Nagwelga at malakas na tumibok ang kanyang puso.
Nakasuot ang binata ng puting t-shirt, brown na cargo shorts, at tsinelas. Mayroon din itong suot na cap. Napakasimple ng getup nito ngunit hindi maipagkakaila ang malakas na presensiya. Weird, ngunit pakiramdam ni Riza ay biglang lumiwanag sa loob ng JeRi dahil sa presensiya ng lalaki.
Dali-daling nagyuko ng ulo si Riza at nagkunwaring abala nang makita niyang inililibot ni Marc ang paningin sa kabuuan ng snack house.
At bakit ka umiiwas, Riza? kastigo niya sarili. Bagaman nakayuko, ramdam naman niya nang tunguhin ni Marc ang kanyang kinaroroonan. Lalo tuloy lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib.
"Riza..." sambit ni Marc sa kanyang pangalan bago pa man ito tuluyang makalapit sa kanya. His baritone voice gave her goose bumps. Paano ba naman, tila musika iyon sa kanyang pandinig. Kinalma niya ang sarili bago nagtaas ng ulo. "Hola."
"M-Marc," kunwari ay nasorpresang bulalas ni Riza. Alam niyang Spanish word ang "hola" na ang ibig sabihin ay "hello." "Hi. Ano'ng ginagawa mo dito?" Sana naman ay hindi siya magmukhang trying hard. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang nag-uusyosong tingin ng kanyang mga staff.
There it was again that smile that could launch a thousand ships; the smile that could light up any room. Si Marc lang ang kilala niyang lalaki na hindi nababawasan ang pagkalalaki kahit laging nakangiti. "Na-curious ako na makita ang snack house na sinabi ni 'Nay Hilda na business n'yo raw ng kaibigan mo." Iginala ng binata ang paningin sa kabuuan ng lugar. "Nice place, eh. Maganda ang ambience."
"T-thanks. Uhm..." Bumaba si Riza ng high stool at lumabas ng cashier booth. Kapagkuwa'y niyaya niya ang binata na maupo. "Coffee?" alok niya. Bakit ba kumakabog nang ganoon ang kanyang dibdib? Bakit tila hindi siya makahinga?
"Yes, please."
"Err, sandali..." Mabilis na tumayo si Riza subalit bago pa siya tuluyang makalayo ay may pumigil na sa kanyang kamay. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil tila nagdulot ng kakaibang damdamin ang paghuhugpong na iyon ng mga kamay nila ni Marc. Bukod doon ay lalong nagwala ang kanyang puso. Lumingon siya. "Y-yes? May kailangan ka pa ba?"
"Well, I just need you to relax. Masyado ka yatang natataranta."
Eh, sino ba naman kasi ang hindi matataranta sa presensiya mo?
Itinago ni Riza ang kanyang pagkataranta sa isang ngiti. "Marahil ay sadyang hindi lang ako sanay na may customer kami na celebrity," biro niya. Please, bitawan mo na ang kamay ko bago pa iyan mamawis sa nerbiyos, lihim niyang pagsamo.
Tumawa si Marc. Pipisilin na naman sana nito ang kanyang pisngi kung hindi lang siya nakailag.
"Hoy!" nabiglang saway niya kay Marc.
Natigil sa ere ang kamay ng binata. Umangat ang sulok ng mga labi, tila ba pinipigilan nito ang pagguhit ng isang ngiti. Itinikom nito ang mga labi at pinakunot ang noo. Kapagkuwa'y namaywang ito. "Aba't— did you just say 'hoy!' to me?" animo supladong tanong ni Marc.
"E-eh... eh, bubugbugin mo na naman ang pisngi ko, eh," nanghahaba ang ngusong sagot ni Riza. Sinaway niya ang sarili nang mapagtanto kung ano ang kanyang inasal. At napangiwi naman siya nang mapagtanto na sa kanila ni Marc nakatuon ang atensiyon ang mga mata ng staff. Hindi siya sigurado kung nakikilala ng staff nila si Marc pero hayun at nakasungaw sa mga mata ng mga ito ang kaaliwan.
Bumunghalit ito ng tawa. Pupusta si Riza na hindi lang siya kay Kaycee makakatikim ng pangungulit kundi maging sa staff na rin nila.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...