Part 5

6.8K 181 1
                                        

BUMABA si Riza ng sinasakyang scooter nang marating ang hanging bridge na patungo sa Ibayo. Binuksan niya ang dalang backpack. Mula sa bag ay inilabas niya ang isang DSLR camera. She clicked it open. Umatras siya ng ilang hakbang bago itinutok sa mga mata ang camera. She was aiming to capture the picturesque bridge on film. Ilang anggulo ang kanyang ginawa bago sumampa sa hanging bridge at tinanaw ang ibaba niyon. Mahigit apatnapung talampakan yata ang lalim niyon. And what was down below never failed to fascinate her, kahit pa nga ba tagaroon naman siya at madalas niya iyong nakikita.

May munting creek doon na inaagusan ng malinaw na tubig. There were stones of different sizes. Nakakatuwa ring pagmasdan ang mga ligaw na bulaklak at orkidyas na kumakapit sa magkabilang gilid ng bangin. It looked so green and luscious. Natural na likha ng kalikasan. Ilang sandali pa at sunod-sunod na click na ang kanyang naririnig.

As far as Riza could remember, mahilig na siya sa pagkuha ng mga larawan noon pa. Polaroid ang unang naging camera niya, hanggang sa ma-upgrade iyon sa digital cameras. Her latest camera was a DSLR. Pangarap naman niya na magkaroon ng professional camera.

Ang sabi ng kaibigan niyang si Kaycee ay may potential daw siya sa larangan ng photography. May mata raw kasi siya para sa magagandang tanawin. Ayon pa sa kaibigan ay talento ang tawag doon. So at the age of eighteen, Kaycee had finally convinced her to try her luck at photography. Nag-submit siya ng ilang sample sa isang magazine. Sa kanyang pagkamangha ay natanggap ang mga larawan na kanyang isinumite.

Isinabit na ni Riza ang camera sa leeg bago binalikan ang kanyang scooter. Pagbaba niya ng hanging bridge ay kumanan siya. Patungo talaga siya sa rest house ng mga Marquez—ang dating pag-aari nina Marc na ipinagbili sa kamag-anak kung saan nananatiling caretaker pa rin ang kanyang ina. Sa pagkakaalam niya, ang lupa pagbaba palang ng hanging bridge ay sakop na ng lupain ng mga Marquez. Bagaman nagsisimula ang bakod na barbed wire kalahating kilometro pa mula roon. Mga puno ng lanzones at rambutan ang naroon. Napangiti si Riza nang maalala na Agosto na nga pala. Panahon ng pamumunga ng lanzones at rambutan.

Ilang sandali pa at tinitingala na niya ang mga puno ng lanzones na hitik sa bunga. A few more weeks at aanihin na ang mga iyon bagaman marami na ang hinog. Kukuha siya mamaya sa kanyang pag-uwi.

NATATANAW na ni Riza ang rest house. Isang palapag lang iyon ngunit mahaba at malaki. Yari ang rest house sa magagandang uri ng kahoy at kawayan. Maraming halaman sa harap na karamihan ay mga orkidyas na nakadikit sa mga tuod. Ilang metro mula roon ay ang lawa. There was actually a landscaped pathway from the house to the coast. Ang pinakagusto ni Riza sa lahat ay ang mahabang tulay na nasa lawa. Sa dulo ng tulay ay may malawak na platform.

Muli ay kinuhanan niya ng litrato ang lugar. Ang alam niya ay hindi lang ang rest house ang pag-aari ng mga Marquez kundi pati na rin ang maliit na lawang iyon.

Iniwan ni Riza sa balkonahe ng rest house ang kanyang backpack at scooter. Ang talagang pakay niya ay ang lawa. She wanted to swim. Hindi agad siya lumusong sa dagat. Naglakad-lakad pa muna siya sa baybayin. Nang marating niya ang malalaking bato ay naupo muna siya roon. After a few minutes, she finally decided to swim. Ilang sandali pa at tutok na siya sa paglangoy.

"Okay, free style naman..." sabi ni Riza sa sarili makaraang magawa ng ilang beses ang butterfly at breaststroke. "One, two—" Natigilan siya. Namimintig ang isang binti niya! Tumigil siya sa paglangoy, pilit pinapayapa ang sarili. She floated. Ang naninigas na kalamnan ng kanyang binti ay pilit na inire-relax. Subalit tumuloy na iyon sa pulikat. "Tulong!" sigaw niya.

Alam ni Riza ang panganib ng pulikat. Unti-unti siyang hihilahin niyon pailalim hanggang sa malunod siya. "Tulong! Tulong!" patuloy na pagsigaw niya. Natatakot na siya at humahalo na sa tubig ang kanyang mga luha. Lulubog-lilitaw na ang kanyang ulo.

Pilit na pinaglalabanan ni Riza ang puwersa subalit hindi niya magawa. Hinihigop siya niyon pailalim at hindi na niya maiwasang makainom ng tubig. "Tulong!" desperadong sigaw niya. Subalit sino ba ang makakarinig sa kanya gayong nag-iisa lang siya roon? "'Nay!" O, Diyos ko! Tulungan N'yo po ako! piping panalangin niya. Pagod na siya at hindi na kayang palutangin ang sarili.

Wala nang nagawa si Riza nang tuluyang lumubog ang kanyang katawan sa ilalim ng tubig. Tila puputok na ang kanyang dibdib sa kakulangan ng hangin kaya ibinuka niya ang kanyang bibig. Subalit hindi hangin ang pumasok kundi mga tubig. Nalulunod na siya.

Bago tuluyang panawan ng ulirat si Riza ay nakita pa niya ang tila imahen na nasa kanyang harap. God! Maybe she was on the verge of having a hallucination. Isang bagay na nangyayari kapag nasa bingit na ng kamatayan ang isang tao.

ext-au%[

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now