CHAPTER THREE
NAPASINGHAP si Riza. Bago pa siya tuluyang magmulat ng mga mata ay ramdam na niya ang mainit na mga labi na sumasakop sa kanyang mga labi at nagbibigay ng hangin sa kanyang baga. She gasped for air again. Nagmulat siya ng mga mata subalit agad ding pumikit dahil sa tama ng sinag ng araw. On instinct, tumagilid siya at inilabas ang lahat ng tubig na kanyang nainom. Then a hand softly caressed her back.
"You're safe now, sweetheart..." sabi ng baritonong tinig. Nagsalita ito sa wikang Ingles pero hindi maipagkakaila ang accent niyon. She could not pinpoint what particular accent it was but it sounded foreign to her.
Sweetheart. Rumehistro sa isip ni Riza ang endearment. Mabilis siyang umupo at nilinga ito. What she saw took her breath away.
Oh, my God! Dinadaya lang ba siya ng kanyang paningin o baka naman walang nagligtas sa kanya at patay na talaga siya. Why, she was seeing Marc Marquez!
Ipinikit-pikit ni Riza ang mga mata para makasiguro. Pero hindi nawawala sa kanyang paningin si Marc. It can't be. It can't be. Dinadaya lang siya ng kanyang paningin.
Itinaas ni Riza ang kanyang kamay at nanginginig na hinawakan ang mukha ng binata. Inaasahan niya na tatagos lang ang kanyang kamay sa mukhang iyon, subalit sa kanyang panggigilalas ay tumama iyon sa pisngi ni Marc. "Oh, God!" she cried.
"I'm real," ani Marc, amusement was evident in his eyes.
Dali-daling binawi ni Riza ang kamay. Her heart was racing. Her blood was pounding in her ears. Adrenaline pumped through her veins. Kulang pa yata ang salitang "shock" para ipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Nasa harap niya si Marc. Iniligtas siya ng binata sa tiyak na kapahamakan.
"Hey, are you okay?" tanong ni Marc, bahagya pang iwinagayway ang kamay sa kanyang mukha. Marahil ay talagang tulala na siya.
"B-buhay ako." Iyon agad ang naisip niya na palusot para maitago ang pagkabigla. "H-hindi ako nalunod? Buhay ako..."
"Yes, you're alive," nakangiting wika ng binata.
Si Marc, o, Riza, ang iyong kasintahan. Ipaalam mo na sa kanya na may nobya na pala siya, nakangising tudyo ng kanyang isip. Bago pa siya makapag-isip ay agad na niyang nadamba ang binata para yakapin. Jeez, Riza, ano ba'ng ginagawa mo?! kastigo niya sa sarili.
Nabigla si Marc sa kanyang ginawa. Subalit agad din namang nakabawi ang binata. Hanggang sa maramdaman na ni Riza ang paghaplos ng binata sa kanyang likod.
"You're trembling. Don't worry, you're safe now," anang malamyos na tinig ni Marc.
Marc... Narito ka nga... Panaginip lang ba 'to?
Nang ma-realize ni Riza na tumatagal na yata ang kanyang pagkakayakap dito ay kumalas na siya. Damn, nadadala siya ng kanyang emosyon.
"A-ah..." So what should she do now? Dapat ba niyang ipaalam na kilala niya ang binata at umamin na isa siya sa hindi mabilang na tagahanga nito o aakto na lang siya na hindi ito kilala? Subalit bago pa man niya mahagilap ang kanyang tinig ay tumutok na muli ang kanyang mga mata sa mukha ng binata.
Ah, she had never seen such lovely and seductive eyes. Deep brown ang mga iyon na sa tingin niya ay may karakter at may pagkamisteryoso. Kumikinang kapag ngumingiti ang binata ngunit hindi maipagkakaila na iyon ang klase ng mga mata na animo ay may kapangyarihang manghipnotismo at magpasunod sa ano mang naisin nito. His eyes were like bedroom eyes for they were so sensual. Binagayan pa iyon ng makakapal na kilay. His cheekbones were perfectly formed. Matangos din ang ilong.
Nakangiti si Marc na nagpapakita ng mapuputing ngipin. Oh, his set of teeth was not perfect. He's teeth were a bit uneven. But damn, that imperfection just made his face look perfect. Higit sa lahat, mas irresistible ang ngiti ng binata sa personal. It was infectious.
Dapat ay pamilyar na si Riza sa mga katangiang iyon dahil hindi na mabilang kung ilang beses niyang tinitingnan ang mga litrato ng binata. Pero iba pala talaga kapag personal. The aura was undeniable. It was all around him.
"Mas guwapo ka pala sa personal," hindi mapigilang usal niya. Pakiramdam niya ay biglang nawala sa kinalalagyan ang kanyang puso. Kapag sa telebisyon ay parang boy-next-door type ang binata. Pero iba pala sa personal. Hindi niya maipaliwanag pero tila may mga bagay na hindi kayang isalarawan ng TV screen. Para bang hindi na-justify ng mga litratong iyon ang tunay na Marc Marquez.
His smile grew wide. "Narinig ko 'yon. Salamat."
Nanlaki ang mga mata ni Riza, sabay takip sa bibig. She realized that she had just embarrassed herself—again. Ramdam niya ang pagragasa ng dugo sa kanyang leeg, paakyat sa kanyang mga pisngi. Pupusta siya na pulang-pula na siya.
At tila mas nanunukso pa ang pagkakangiti ni Marc. Bahagya pa ngang nakataas ang isang kilay at ang sulok ng mga labi.
"Eh... eh..." hindi magkandatutong usal ni Riza. "Oh, my God!" she cried and then she buried her face in her hands.
Narinig ni Riza ang pagtawa ng binata. Damn! Ipinahiya talaga niya ang sarili. Base sa mga interview ni Marc, alam naman niya na nakakaintindi at nakakapagsalita pa rin ng Tagalog ang binata. Bagaman napansin niya kanina na nang magsalita ito ng English o Tagalog ay hindi maipagkakaila ang accent sa boses nito.
q

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...