Part 60

6.1K 155 1
                                        


"WHAT have I done?" tanong ni Riza sa kanyang ekspresyon sa salamin. "Bakit pinayagan kong may mangyari sa pagitan namin ni Marc?"

"Te amo, Riza. Mi amor..." Marc said those words so many times. Hindi alam ni Riza kung dapat ba niyang paniwalaan iyon. Marahil ay nakokonsiyensiya lang ang binata dahil napagtanto nito na wala naman pala siyang kasalanan.

Muling tinitigan ni Riza ang sariling ekspresyon. She seemed vibrant. Animo ay may kakaiba sa kanyang aura. Was it happiness? Hindi rin maipagkakaila ang tila kislap ng buhay sa kanyang mga mata. Napabuga siya ng hangin. God, tell me what should I do now?

"I'm ready na po, Mama," pagtawag ni Victoria sa kanyang atensiyon. Katatapos lang niyang makipag-meeting kay Avegail pagkatapos niyon ay mamamasyal na sila ng kanyang anak.

Pinagmasdan ni Riza ang anak. Victoria was really her mini-me. Katulad niya ay naka-shorts at sando rin ang anak. Rubber shoes ang sapin nito sa mga paa. Their hair was pulled up into a bun, at pareho ring nakataas ang sunglasses sa kanilang mga ulo na nagsisilbing headband.

"Look at us..."

Victoria giggled. "Let's go na, Mama. Excited na po akong sumakay sa boat."

"Uhm, okay. Let's go." Kinuha ni Riza ang kanyang bag. May-kalakihan iyon dahil naroon na rin ang mga extra na damit ni Victoria, pati na ang kanyang camera.

Lumabas na sila ni Victoria ng unit. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang naroon si Marc sa porch at mukhang naghihintay sa kanya. What a coincidence. Halos pareho sila ng getup ni Marc, maliban sa t-shirt at hindi sando ang pang-itaas na suot nito. Mukhang mamasyal din ang binata. And she was taken aback when she noticed that Marc was wearing that sexy curve on his sensual lips, his smile. Pumitlag ang puso ni Riza nang masilayan ang ngiting iyon.

"Hi," bati ni Marc sa kanila ni Victoria.

To Riza's utmost surprise, hinagkan siya ng binata sa pisngi. Hindi pala sa pisngi kundi sa gilid ng kanyang mga labi. Then he teasingly smiled at her. Para bang ipinapaalala ng ngiti at ng kislap ng mga mata nito ang naganap sa kanila kaninang umaga. Naramdaman tuloy niya ang pag-iinit ng mga pisngi.

Tumingkayad si Marc para pumantay kay Torie. "Hello, Princess Torie. I volunteered to be your daddy, right?" Tumango ang kanyang anak. "Well, pinayagan na ako ng mama mo." She gasped. What the hell was he saying? "Ikaw payag ka na ba?" tanong ng binata kay Victoria. Nasa mga labi ni Marc ang kaakit-akit na ngiting iyon na kayang magpalambot ng tuhod ng kanyang mga kabaro. Pero bata pa ang anak niya. Hindi maaapektuhan si Victoria ng kamandag ng ngiti ni Marc. "Please, pumayag ka na rin. I'd really, really love to be your daddy."

"Really, Mama, pumayag ka na po?" nagniningning ang mga matang baling sa kanya ni Victoria. And that was when she knew Marc had won Victoria's heart.

Naumid ang dila ni Riza. Tinapunan niya si Marc ng nanlilisik na mga mata. "Mama..." Victoria pleaded.

"Ah... Err ...O-oo, p-pumayag na ako," pagsang-ayon na rin ni Riza dahil hindi niya kayang biguin ang anak.

"Yes!" Victoria exclaimed. Niyakap ng bata si Marc. "May papa na ako, may papa na ako! Sasabihin ko sa friends ko na may papa na ako. Puwede po ba ikaw maghatid sa akin sa Montessori? Para makita ka nila, Papa."

Nag-init ang mga mata ni Riza sa eksenang iyon. Alam niyang naghahanap na ng ama si Victoria pero hindi niya akalain na ganoon na katindi ang pangungulila nito. Tumalikod siya at pinahid ang mga luhang iyon. Paano kapag nagsawa na si Marc sa pagpapanggap bilang ama ng kanyang anak? It will break Victoria's heart. Masasaktan ang kanyang anak. Hindi ba iyon naisip ni Marc?

"Of course, ihahatid at susunduin ka ni Papa sa school mo. Mamamasyal din tayo kung saan mo gusto."

"Yehey! Hindi na ako malulungkot kapag nakakakita ako ng daughter and dad sa pasyalan. Thank you po, Papa..."

"Marc. Your dad's name is Marc Marquez," wika ni Marc.

"Thank you, Papa Marc."

"You're welcome, Princess Torie."

"Hey..." Hinawakan ni Marc ang kanyang balikat. Iniharap siya ng binata. His thumb gently wiped her tears away. "Don't cry. Aayusin ko ang lahat. I promise," buong-suyo nitong wika.

"I remember that line from six years ago," sarkastikong sagot ni Riza.

Naging alangan na naman ang ngiti ni Marc. "I'll make it right this time. Just give me a chance," pagsamo naman nito. Kinarga na ng binata si Torie sa kanang braso. Victoria was obviously delighted. Kapagkuwa'y hinawakan ni Marc ang kanyang kamay ng isa pa nitong kamay. Hindi siya makatanggi, or rather, hindi niya gustong bawiin ang kanyang kamay because deep inside her, she liked the feeling of that mini hug from Marc. Bahagya siyang napailing. Ano nga ang sabi ni Marc, holding hands is like giving your special someone a mini hug.

"Let's go..." sabi ni Marc.

Ginamit nila ang sasakyang naka-assign sa binata. "Saan mo gustong pumunta muna, Torie?" tanong ng binata sa kanyang anak, pareho silang nakalingon sa backseat kung saan ito nakaupo.

"Hmm... gusto ko pong gumawa ng sand castle, 'tapos boating, 'tapos doon sa castle ni Ate Nikki, 'tapos zip line, 'tapos doon sa house na maraming butterflies. I heard na puwede rin daw pong mag-trekking doon sa isang part ng island. 'Tapos doon sa..."

"Anak, isa-isa lang..." It was Marc who said that. Kaya naman napabaling si Riza sa binata.

The gentleness in his eyes made her swallow. Anak. Tinawag nitong anak si Torie.

"So, gusto mo munang pumunta sa dagat at gumawa ng sand castles? Marunong ka ba? Dahil ako marunong ako," tanong ni Marc.

"Opo. Sige po, Papa."

"Okay." Binalingan ni Marc ang touch screen monitor ng GPS. "There it is," mahinang wika nito nang makita ang icon ng beach. A map appeared on the monitor. May mga dots iyon na marahil ay tinatanong kung alin doon ang nais puntahan. Marc tapped one dot. Iyon lang at lumitaw na ang isang mapa sa screen.

Cool.

"Hindi kita masisisi kung pinagdududahan mo ang intensiyon ko. Pero gusto kong malaman mo na malinis ang intensiyon ko sa inyong mag-ina. Believe me when I say I love you. Galing iyon dito sa kaibuturan ng puso ko," ani Marc sa tinig na sapat lang para hindi makarating sa pandinig ni Victoria na nasa backseat. Nagmamaneho na si Marc. Hindi iyon ganoon kabilis dahil nakatanaw sa labas ng bintana si Victoria. Nakakatawag-pansin naman kasi ang mga dinaraanan nila. Peace Island was like paradise.

Napaismid si Riza. "Dahil alam mo nang wala akong kasalanan sa 'yo?"

"No. I realized that I still love you bago ko pa man malaman ang totoo. At hindi kahapon ang unang pagkakataon na nakita ko kayo ni Torie."

Napabaling siya kay Marc. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I saw you two last week at the Alabang Town Center. Since then, ginulo mo na naman ang sistema ko. It took me two years to bring back my life to normal, you know." Sinulyapan siya nito. There was sincerity with his eyes. "'Tapos, isang kita ko lang sa inyo, I realized na hindi pa pala talaga ako nakaka-move on."

Parang siya pala. Seeing him made her realize that she had not really moved on at all.

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now