RIZA could not help but stare at Marc for a few seconds. His lower lip was fuller than the upper. Tila kay lambot. At kinilig siya sa isipin na ang mga labing iyon ang nagbigay sa kanya ng mouth-to-mouth resuscitation.
Oh, God. Get a grip, Riza! saway niya sa sarili. Tumayo na siya. But to her horror, naging mabuway ang kanyang pagtayo. Saka lang niya na-realize na nanginginig ang kanyang mga tuhod. Marahil ay dahil sa pamimintig kanina, idagdag pa ang kanyang takot.
Naging mabilis ang reflexes ni Marc. Agad na naipulupot ng binata ang isang braso sa kanyang baywang para marahil ibalik siya sa kanyang mga paa. Iyon nga lang, nawalan ng balanse si Marc. The next thing she knew, she was lying on the fine sand. At si Marc ay halos nasa ibabaw na niya. But both of them didi not seem to mind. Paano ay nagtama ang kanilang mga mata and for a moment they were both lost in a magical trance.
their gazes locked. Just how long, she had no idea. Ang alam lang ni Riza, sabay silang nagbawi ng paningin at sabay ring nagkumahog na makalayo na para bang napaso sa isa't isa.
"Ah..." Lumunok si Riza, hindi alam kung ano ang sasabihin. Every sense she had was throbbing with awareness... of him. No doubt, what happened today will live forever in her memory. Mabilis siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.
"A-ah, ah. H-hindi na," hindi magkandatutong pagtanggi ni Riza nang alukin siya ni Marc na kakargahin pabalik sa rest house. Natatakot siyang baka himatayin na siya sa kilig kapag nagpakarga pa siya sa binata. "K-kaya ko na ang sarili ko."
"Are you sure?"
"No. Yes. N-no. I mean yes, kaya ko na ang sarili ko." Shit! Huwag mo na kasi akong pilitin at nagpapakipot lang naman ako. Nginitian siya ni Marc. Hanggang singit na yata niya ang kilig na nararamdaman.
Sinundan ni Riza ng tingin si Marc nang maglakad palayo ang binata. Kapagkuwa'y nahagip ng kanyang mga mata ang sumbrero, medyas, wallet, at pares ng sapatos. Tila ang mga iyon ang pakay ni Marc. Sinamantala niya ang sandaling iyon para pakawalan ang kanina pa tinitimping kilig. Agad siyang tumalikod at pinakawalan ang walang tinig na tili. Yes, yes, yes! Sumuntok siya sa hangin at napasayaw pa sa sobrang saya habang nakikisabay sa pagsirko ng kanyang puso.
"Hey," anang tinig ni Marc kasabay ng pagkalabit sa kanyang balikat.
Nanigas si Riza, napangiwi. Oh, shit! Walang duda na nakita ni Marc ang kanyang pagsayaw. Damn! Kung bakit kasi hindi niya marendahan ang kanyang sarili. Kalma ka lang kasi puso ko!
"Shall we?"
Paglingon ni Riza ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang nakataas na sulok ng mga labi ni Marc, tila nagpipigil ng isang maluwang na ngiti. Oh, shit, shit, nakita niya ang pagsayaw ko! Ano ba naman kasi, Riza, hinay-hinay lang sa kilig! Gusto niyang batukan ang sarili dahil ginagawa niyang katawa-tawa ang sarili sa harap ng binata.
Tinalunton na nila ang daan pabalik sa rest house. Sa mga panakaw na sulyap ni Riza ay kanyang nakita na nagpipigil pa rin ng ngiti si Marc. Muli niyang pinagalitan ang sarili. Baka iniisip ng binata na eng-eng siya kaya natatawa sa kanya.
Sa paglingon niya ay nahuli siya ni Marc.
Oh, crap! Sana ay bumuka ng lupa at lamunin siya niyon nang buo. She was so embarrassed. Kunsabagay, sino ba ang maaaring manisi sa kanya. Idol na idol kaya niya si Marc! She was so starstruck with this guy.
Tumikhim si Riza. "Ahm, M-Marc?"
Lumingon ang binata. His lips curved into the most sensual smile she had ever seen. His eyes displayed a spark of passion. He was looking at her as if... as if... Disimuladong napalunok si Riza at ginising ang sarili bago pa siya matulala na naman sa binata.
"Yes, Riza?" ani Marc na para bang ninanamnam ang dalawang pantig ng kanyang pangalan. And the way he pronounced her name sounded sweet to her ear.
"K-kung hindi ka dumating baka sa sandaling ito ay lumulutang na ang katawan ko sa lawa," usal ni Riza. Nilalamig na siya pero hindi iyon ang dahilan ng pagtayo ng kanyang balahibo. Kinikilabutan siya. Marc saved her. "Thank you. Utang ko na sa 'yo ang buhay ko." Isang napakalaking utang-na-loob na alam niya na hinding-hindi mababayaran.
"Bakit ba kasi nag-iisa kang maligo? Even if you're an expert swimmer, accidents still happen. Pinulikat ka, ano?" Nananaway ang boses ng binata.
Tumango si Riza. "Ngayon lang naman nangyari na pinulikat ako. A-ano... kung puwede sana, huwag mo na lang banggitin kay Inay ang tungkol sa... sa m-muntik ko nang... sa nangyari."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Marc. "Okay."
Nang makarating sa rest house ay agad na kinuha ni Riza ang bungkos ng susi sa kanyang backpack. Susi iyon ng rest house. Ipinagpaalam niya iyon sa kanyang nanay dahil doon siya sa rest house nagpapalit ng damit kapag ganoong naliligo siya sa lawa.
i@Ѥ

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...