Part 33

4.4K 52 0
                                        

CHAPTER TEN

MARC acknowledged his visitor's presence. Bahagya siyang ngumiti. "Hello, Celine."

Ang bisita niya ay si Celine Hampton, ang babaeng ipinagksundo sa kanya. She was a beauty. Matangkad at aristocratic ang facial features ng babae. Puwedeng mapagkamalang modelo. "Wala akong ideya na nasa Pilipinas ka. I thought you were in America." Purong Pinay si Celine bagaman sa Amerika nag-aaral ng Medisina.

Celine walked gracefully towards him. Nang makalapit ay dinampian ng halik ang kanyang mga labi.

Marc suppressed a groan. Pakiramdam niya ay hinagkan siya ng kanyang kapatid.

Pagkatapos siyang dampian ng halik ay umupo sa gilid ng kama si Celine. She lightly caressed his face. "Nagpa-book agad ako ng biyahe pauwi rito nang malaman kong nasa Pilipinas ka. I was in the plane when I heard the news about the crash. I almost fainted. How are you, sweetheart?" Umaakto ang dalaga na isang mapagmahal na kasintahan. Sa pagkakatanda niya ay medyo aloof ang babae sa kanya. She said she hated his playboy ways. Na kung may pagpipilian lang ay hindi ito susunod sa kasunduan ng kanilang mga magulang. But now here she was, acting sweet and loving. Marahil tulad niya ay pinaalalahanan na rin si Celine tungkol sa kasunduan.

"I'm fine, Ce. Uhm, can we talk?" It's now or never. Narito na rin lang si Celine mas makabubuti kung kausapin na niya.

"Sure, sure. Tungkol ba sa kasal natin? Actually, 'yan rin ang dahilan kung bakit ako umuwi. Kailangan na raw nating pag-usapan ang details or else sina Daddy na ang bahala. So I was thinking, dahil kasal ko 'to, kailangang may personal touch ko 'to. Of course kailangan ko ring malaman kung may ideas ka na—"

"Hold on, Ce," awat ni Marc. Tumigil naman si Celine at mataman siyang tiningnan. "I... I can't marry you, Celine. I'm sorry."

Literal na bumuka ang mga labi ni Celine sa pagkabigla. Even her eyes grew wide in horror. Tila ba nakarinig ng hindi katanggap-tanggap na balita ang babae. Sumungaw sa mga mata ni Celine ang pagpa-panic.

"What?! You can't be serious!"

Halos matulig ang mga tainga ni Marc sa malakas na boses na iyon ni Celine.

"I'm serious."

Umiling ang dalaga. "B-bakit, Marc? What went wrong?"

"This won't work, Celine. Hindi natin mahal ang isa't isa. Hindi nga ba at sinabi mo pa noon sa akin na kung may pagpipilian ka lang ay hinding-hindi mo ako pakakasalan?"

"P-pero natutuhan na kitang mahalin, Marc. K-kinain ko ang mga sinabi ko. I... I love you."

Naisip ni Marc, okupado na ba ang kanyang puso kaya hindi niya maramdaman ang sincerity sa binitiwang salita ni Celine? Because it really appeared that Celine was uncertain of her words. "I can't marry you because I'm in love with someone else."

Muling napasinghap si Celine. "You're kidding."

"I'm not. Hindi rin ako gumagawa ng excuse para hindi matuloy ang napagkasunduan. Believe me, Celine, I have nothing against you. Open ako sa ideya na pakasalan ka. Kaya lang... nagmahal ang puso ko. I just realized na ang babaeng mahal ko lang ang ihaharap ko sa altar. Sa kanya ko lang ibibigay ang pangalan ko, Celine. I'm sorry. I'll talk to my father regarding this matter. Kakausapin ko rin ang daddy mo."

Ilang sandaling nanahinik si Celine bago nagsalita. "Who is she?"

"Her name is Riza. Riza Pabelonia."

7��mQt

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now