Part 36

4.3K 108 0
                                        

"MAGANDANG hapon sa 'yo, Riza," bati sa kanya ng nakasalubong niyang si Mang Anton. Natatabunan ng malapad na abanikong sombrero ang ulo ng matanda. Isang lumang T-shirt at lumang pantalon na putol sa bandang binti ang suot. Puno na ng putik ang mga paa ni Mang Anton na walang sapin maski tsinelas. Hila-hila nito sa lubid ang isang malaking kalabaw.

Gumanti ng ngiti at bati si Riza. "Magandang hapon rin ho. Eh, Mang Anton, puwede ko ho ba kayong kuhanan?" excited niyang tanong. A farmer and his work-buddy passing through the hanging bridge would be an interesting subject. Alam naman ng kanyang kababayan na mahilig siya sa pagkuha ng mga litrato. "Hindi n'yo naman po kailangang tumingin sa camera. Bale, ba, kukuhanan ko ho kayo habang tumatawid ng tulay."

"Ha? Aba, eh, sige."

Binilisan ni Riza ang pagpapatakbo ng scooter hanggang sa pagkuwa'y makababa na hanging bridge. Nang makontento sa puwesto ay agad niyang kinuhanan si Mang Anton.

Perfect.

Nang tuluyang makababa sa kabilang dulo si Mang Anton ay lumingon ang matanda. Kumaway siya bilang pasasalamat. He waved back. At hindi niya napigilan ang kanyang sarili. She took another picture of him.

Pagkatapos niyon ay itinuloy na ni Riza ang pagpunta sa rest house. Kinuha niya sa bungkos ng mga susi ang susi sa pinto at binuksan iyon. She had nothing to do there. Gusto lang niyang bumalik doon dahil nababawasan ang pagka-miss niya kay Marc kapag ganoong tinitingnan niya ang mga lugar kung saan sila madalas nakatambay.

Katulad na lang sa veranda kung saan gustong-gusto ng binata na maupo o mahiga sa makitid na balustre, sa platform sa dagat kung saan nanonood ng sunrise at sunset si Marc, sa kusina kung saan personal na nagtitimpla ng kape ang binata. Napakasarap nitong magtimpla ng kape. Hindi iilang beses na ipinagtimpla siya nito ng kape. Ah, napakaraming alaala.

"Gosh, Riza! Nag-e-emo ka na naman!" sita niya sa sarili. Ibinaba niya ang camera, pagkuwa'y nagtungo sa platform. Naupo siya roon. Ang kanyang mga paa ay nakalublob sa tubig. Bumisita ang nanay niya sa kamag-anak nila sa Maynila kaya walang maghihintay sa kanya pag-uwi. Puwede siyang magtagal doon.

Nang makapuwesto nang maayos ay naglagay si Riza ng earphones at nakinig ng tugtog habang pinanonood ang paglubog ng araw.

Oh, oh. Alam mo ba, magmula nang makilala ka damdamin ko ay 'di mapalagay... Puso ko'y may kaba... Umiibig na ba? Alam mo ba sa panaginip ko, laging ikaw ang nakikita ko... Ano ba'ng nasa sa 'yo at napaamo ako?

"Ikaw ang tanging dahilan kung kaya ang puso ko'y umiibig sa unang pagkakataon... Minsan nama'y nagtatanong... Baka paghanga lang ang aking nararamdaman... Oh, oh... Alam mo ba? Nalulumbay ako... Kapag nag-iisa ang tanging

Walang ano-ano ay biglang may tumakip na panyo sa mukha ni Riza kasabay nang mahigpit na pagkakahawak sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pagsinghap. Pumasok sa ilong niya ang masangsang na amoy na nagmumula sa panyo. Panic rose within her. Alam niya na nasa panganib siya. Nagkakawag siya at pilit kumakawala sa bisig ng kung sino mang iyon. Subalit malakas ito at unti-unting nawawala ang kanyang ulirat.

ign:�����z

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now