"WHAT? Anong nagkansela ng meeting si Mr. Custudio?" gulat na tanong ni Marc sa kanyang sekretarya. Kagagaling lang niya sa isang business conference na ginanap malapit sa Alabang Town Center. Pagkatapos ng meeting ay ipinasya niyang dumaan na sa naturang mall para ibili ng regalo ang kapatid niyang si Alex. Bukas na ang kaarawan ng kapatid at wala pa siyang nabibiling regalo. It actually slipped his mind. Mabuti na lang at tumunog ang reminder niya kanina. Sa awa ng Diyos, nakabili naman siya ng regalo na sa tingin niya ay magugustuhan ng kapatid.
Kalalabas pa lang ni Marc ng department store nang tumunog ang kanyang telepono. Ang sekretarya niya ang tumawag.
"Sir, ang sabi ng secretary niya, ay nagka-emergency daw po ang pamilya ni Mr. Custudio so he had to fly to London today. Hindi raw po alam kung kailan siya babalik sa Pilipinas kaya minabuti diumano nito na ipa-cancel ang mga appointments. Tatawag daw po sila kapag nakabalik na si Mr. Custudio at available na siya for business."
Mahinang nagmura si Marc. He needed that meeting with Romano Custudio of RC Holdings badly. Magpe-present kasi siya ng proposal para sa isang business. Ibinaba niya ang telepono nang walang paalam. He knew his eyebrows were forming a line. Isang malaking problema ang pagkaka-cancel ng meeting.
Bumukas ang elevator. Lumabas si Marc doon at nagmamadaling naglakad. Ngunit naagaw ang kanyang atensiyon ng isang babae. Nakaupo ito habang nanghahaba ang nguso sa harap ng isang batang babae. Kumunot ang kanyang noo, kasunod niyon ang tila pagkabog ng kanyang dibdib. His throat went dry. Para siyang niyakap ng malamig na hangin. He went still. Tila nga ramdam pa niya na namumutla siya na para bang nakakita siya ng isang multo. Multo ng kahapon.
Riza... animo bulong sa kanya ng kanyang isip. It had been what? Six years? Anim na taon na ang nakararaan pero nakilala agad niya ang babae. I was funny. Hindi magawang magbawi ng tingin ni Marc habang animo ay nakikipaglambingan ito sa bata. Maaaring anak ni Riza ang bata dahil mababanaag sa mga mata ng babae ang kakaibang fondness para sa paslit.
The child gave Riza kisses. Napakagandang larawan ng mag-ina ang kanyang nakikita. Who said public displays of affection were exclusively for romantic couples? This mother and daughter tandem was eye-catching. Sa katunayan ay hindi lang siya ang nag-uukol ng tingin sa mag-ina.
Ilang sandali pa at tumayo na si Riza. Hinawakan nito ang isang kamay ng bata bago naglakad ang dalawa. Riza's hair was tied up in a pony tail. She was sporting skinny jeans and a baby tee. Inilantad ng mga kasuotang iyon ang mahubog na katawan nito. Naka-high heels ito and she had the posture of a supermodel.
The past six years had been good to her. Hindi maipagkakaila na bumuti ang buhay nito. She had class now. Pinanday ng anim na taon ang pisikal nitong hitsura. She was prettier, sexier, and oozing with sex appeal. Habang ang bata naman ay cute na cute sa pink na bestidang suot.
Tila may sariling buhay ang kanyang mga paa na humakbang pasunod sa mag-ina.
Hindi pa nakakalayo ang dalawa nang may ituro ang bata. Nang sundan ni Marc ng tingin ang itinuro ng paslit, nakita niya ang isang grand piano. Ibinalik niya ang tingin sa dalawa. May sinabi ang bata kay Riza. Riza smiled and then nodded in response. Tinungo ng dalawa ang piano. Ang sumunod na namalayan ni Marc ay pumapailanlang na ang malamyos na musika na nagmumula sa piano. Ang bata ang tumutugtog habang si Riza ay nakaupo sa tabi ng bata. Riza kissed the child's hair.
Pumait ang panlasa ni Marc. He turned his back on them and walk away.
"RIZA!" Humihingal na bumalikwas si Marc. Habol ang hininga na nilinga niya ang paningin sa paligid. He was in his room. Inihilamos niya ang mga kamay nang mapagtanto kung ano ang nangyari sa kanya. Nanaginip siya. At si Riza ang laman ng panaginip.
Bumaba si Marc sa kama at nagtungo sa banyo. He washed his face with cold water. Muli siyang bumalik sa kama pero ayaw na siyang dalawin ng antok. Sleeping is so hard when you can't stop thinking. Pauli-ulit at pilit na pumapasok sa kanyang isip ang panaginip...
"Riza...?" tawag niya sa papalayong dalaga. Matagal niya itong hinanap. At ngayong nakita na niya ay wala siyang ibang nais gawin kundi ang yakapin ito at ikulong sa kanyang mga bisig. He wanted to tell her that he missed her so badly and he was nothing without her. Pero hindi niya maabot si Riza dahil patuloy na lumalayo sa kanya ang babae. "Riza!" muling tawag ni Marc.
Lumingon si Riza. She smiled at her. "Te amo, mi amor," sabi ni Riza bago muling tumakbo palayo. Kahit anong habol niya ay hindi niya ito maabutan. "Riza, wait. Riza!"
Dismayadong umungol si Marc. Nakakadama ng pagrerebelde. It took him some time para tuluyang makalimutan si Riza. He had been miserable. He did not smile just to pretend he was not hurt. He did not giggle just to show he's okay. How could he laugh when all he wanted to do was cry?
Riza totally changed his life. Mula sa pagiging happy-go-lucky ay naging seryoso na siya sa buhay. Nang magtagumpay siyang kalimutan si Riza, hindi na bumalik ang dating buhay niya. He was changed forever. Pagkatapos ngayon, isang tingin lang niya sa babae noong isang araw ay guguluhin na naman nito ang nananahimik na niyang buhay. Hindi maipagkakaila na kontento at masaya si Riza sa buhay habang siya ay hindi mahanapan ng solusyon ang puwang na nasa kanyang dibdib. Wasn't it a little unfair?
Marc groaned again in frustration.
:15

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...