Part 55

5.1K 162 27
                                        

"I had to say that words to at least save my ego!" sigaw ni Marc na nagpatigil sa kanyang pagtakbo. Malakas ang patak ng ulan pero nangibabaw pa rin ang tinig ni Marc. "Gusto mong malaman kung ano ang totoo, Riza? Well, hear this out. Sinaktan kita sa pamamagitan ng salita para makaganti kahit paano sa kasalanan mo sa akin!"

Lumingon si Riza. She gritted her teeth. Lalong tumitindi ang galit niya dahil sa kung anong ipinaparatang nito sa kanya. "Wala. Akong. Kasalanan. Sa 'yo!" buong lakas na balik-sigaw niya, ipinagdiinan ang bawat salita. They were both soaking wet now. Tumatagos na sa kalamnan niya ang lamig pero wala siyang pakialam. "P-pero kung kasalanan mang mahalin ka, then I'm guilty! K-kasalanan kong minahal kita, Marc!"

Yet, naroon ang pakiramdam na tila may ibang bersiyon ng kuwento si Marc. Bakit kanina pa iginigiit na niloko niya ito? The pain in his eyes could not be mistaken. Kanina pa umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ni Marc na totoong minahal siya nito. At ano uli ang sinabi ng binata? Sinaktan siya ni Marc para isalba ang ego nito? Nalilito na siya.

Inilang-hakbang ni Marc ang paglapit sa kanya. Nang tuluyan itong makalapit sa kanya ay hinakawan nito ang kanyang magkabilang balikat. Mariin ang pagkakahawak nito na pakiramdam ni Riza ay bumabaon na sa kanyang kalamnan ang mga daliri ni Marc. "Minahal mo ako, Riza? Bakit, ilan ba ang puso mo? Dalawa?"

"What the hell are you saying, Marc? Deretsahin mo ako!" singhal niya sa binata.

"Paano kita dederetsahin?!" balik-sigaw nito. He was so furious. "T-tell me, paano ko ba sasariwain ang nakita ko na hindi madudurog ang puso ko?! The harder I tried to forget you, the stronger you became!" basag ang boses na hiyaw ni Marc. Hayun na naman ang pagsungaw ng sakit sa mga mata nito. Na kahit umuulan at basa na ang ulo at mukha nito ay hindi maipagkakaila na umaagos muli ang mga luha ng binata.

Lumunok si Marc. Panay ang pagtaas-baba ng Adam's apple tanda ng pinipigilang emosyon. Binitiwan din ni Marc ang kanyang mga balikat at tumalikod sa kanya. Namaywang bago tumingala sa langit. Base sa diin ng mga nakakapit na kamay nito sa baywang at sa pagtaas-baba ng mga balikat, alam ni Riza na kinokontrol ni Marc ang sariling emosyon. Nakatingala ang binata. Ginagawa rin niya iyon kapag gusto niyang ibalik sa kanyang mga mata ang kanyang mga luha. Funny, pero hindi naman talaga napipigilan ang mga luha.

Muling humarap sa kanya si Marc. "Hindi ba sinabi sa 'yo ng isang staff mo ang sorpresang pag-uwi ko noon?"

Kumunot ang noo ni Riza. Kanina pa siya binibigyan ni Marc ng palaisipan. Anong sorpresang pag-uwi ang tinutukoy nito? "W-what are you saying? Don't talk in riddles, Marc."

Marc swallowed hard. Muling namula ang mga mata kasabay ng muling pag-igting ng ekspresyon. Hindi pinagkaabalahang itago ang pait at sakit dahil malinaw na nakasungaw iyon sa mga mata ng binata. Malakas na bumuga ng hangin si Marc para paluwagin kahit paano ang nagsisikip na kalooban. "U-umuwi ako dahil nami-miss kita." With those words, namalisbis na naman ang mga luha nito. "U-umuwi ako para i-assure ka na walang namamagitan sa amin ni Celine. Umuwi ako para sabihing mahal na mahal kita. Pero ano'ng nadatnan ko sa rest house? Ikaw na nakahiga sa kama, at ang silid ko kung saan obvious na may naganap na... Shit!" Malakas na sinipa ni Marc ang isang bato sa gilid. Malutong uli itong nagmura.

Nanginig ang kalamnan ni Riza. Her eyes grew wide in horror as she held her breath. Marc saw her that day? Iniisip ni Marc na niloko niya ito. He had jumped into conclusions. In return, sinaktan siya at pinaniwala sa isang kasinungalingan.

Malakas na napasinghap si Riza bago natulala. Panic and anxiety attacked simultaneously. Hindi niya kinaya iyon. She fainted.


My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now