ANO'NG kasalanan ang nagawa ko para subukin Ninyo ako nang ganito? Bakit kailangan kong danasin ang bangungot na ito! impit na hagulhol ni Riza habang mariing daklot-daklot ang kanyang kumot. It had been a day mula nang mangyari ang paglapastangan sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Umaasa pa rin siya na nanaginip lang siya. Hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang patuloy na itinatanong sa sarili kung bakit nangyari iyon sa kanya.
Muling umagos ang maiinit na likido sa magkabila niyang pisngi. Wala na siyang boses at namamaga na ang kanyang mga mata pero walang humpay pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha. She felt so helpless.
Who could have done that to her? Was she a random target or a planned target? Naligaw lang ba ang rapist sa rest house o sadyang pinuntirya siya? Tagaroon ba ang taong iyon sa kanila o tagaibang bayan? Nakakasalamuha ba niya? Ah, wala siyang maisip na kakilala na puwedeng gumawa ng kalapastanganan sa kanya. Paano kung hindi lang pala panghahalay ang ginawa ng taong iyon sa kanya? Paano kung kinuhanan siya ng video o litrato at isang araw ay susulpot ito sa buhay niya para i-blackmail siya? Higit sa lahat, paano niya makakamtan ang katarungan? O makakamtan pa ba niya? Kailangan ba niyang magsuplong sa pulisya? Paano kapag lumabas ang balita, kakayanin ba niya ang karagdagang kahihiyan?
"God! Napakaraming tanong pero wala akong maapuhap na kasagutan. Maawa Ka naman at bigyan Mo ako kahit isang sagot. Tell me, paano ko sasabihin kay Inay? Paano ko sasabihin kay Marc? Paano ako magpapatuloy ng buhay ko? Sino ba ang dapat kong sisihin sa nangyari sa akin?"
"Riza? Riza, nariyan ka ba?"
Natigilan si Riza nang marinig ang boses ni Kaycee. Kanina pa tumatawag sa kanyang cell phone ang kaibigan hanggang sa maubusan na iyon ng baterya. Nag-aalala na marahil ito sa kanya dahil nagpasabi na naman siya na hindi makakapasok sa JeRi.
"Riza?" muling tawag ni Kaycee.
Mariing kinagat ni Riza ang kanyang ibabang labi nang sa gayon ay hindi kumawala ang hagulhol na nagbabanta na namang kumawala. Gusto niya ng kausap. Gusto niya ng mapaglalabasan ng lahat ng kanyang sama ng loob. Gusto niya ng karamay sa sandaling iyon. Subalit hindi niya alam kung paano haharap sa kaibigan. Hindi niya alam kung paano ikukuwento ang kanyang sinapit. Impit siyang humagulhol.
"Riza? Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon?" narinig pa niyang sabi ng kaibigan. Hindi na naulit ang pagtawag. Marahil ay umalis na si Kaycee.
Inay... naidaing niya. Awang-awa siya sa sarili. She wanted to call her mother. Higit kanino man, ang kanyang ina lang ang kanyang makakaramay. Subalit hindi yata niya kaya na bigyan ng pasakit, ng alalahanin ang ina.
Ah, can somebody tell her what to do? Dahil litong-lito na siya. Pakiramdam niya ay nangangapa siya sa dilim.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...