"IKAW ang tanging dahilan. Kung kaya ang puso ko'y umiibig sa unang pagkakataon... Minsan nama'y may nagtatanong... Baka paghanga lang ang aking nararamdaman..." bigay-todong pagsabay ni Riza sa awiting pumapailanlang sa kanyang cell phone.
Alas-diyes na iyon ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog. At iyon ay dahil sa pag-iisip kay Marc. She sighed. Sa bawat pagdaan ng oras ay lalong lumalalim ang inuukit na lugar ng binata sa kanyang puso. Nalulunod siya sa espesyal na pagtrato ni Marc, sa maemosyong mga titig na nagdadala ng mensahe, sa bawat ngiti nito, sa bawat papuring binibitiwan, at sa lahat-lahat ng tungkol sa binata. Marc was just too good to be true na hindi niya maiwasang makadama ng takot.
Natigil ang tugtog at napalitan ng ringing tone. Nang kunin ni Riza ang cell phone ay nakita niyang si Marc ang tumatawag. Umupo siya sa gilid ng kama. "Marc."
"Hey, naistorbo ba kita? Nagising ba kita?"
"Hindi. Hindi naman. Actually patulog pa lang ako."
"Oh."
"N-napatawag ka?"
"Eh, sumilip ka sa labas ng bintana mo."
Kunot ang noong agad niyang tinungo ang bintana at sumilip. Nakita ni Riza ang binata na nakaupo sa motorsiklo habang nasa tainga ang telepono at nakatingin sa kanya. Kumaway ito.
"Ano'ng ginagawa mo diyan? May kailangan ka ba? Bakit hindi ka tumuloy at kumatok?"
"Eh. H-hindi ko rin alam kung bakit ako narito." Sa unang pagkakataon ay narinig ni Riza ang pag-aalangan sa boses nito. "I just found myself driving here."
"Bubuksan ko ang pinto. Sandali." Pinalitan lang ni Riza ng t-shirt ang suot na sando. Kapagkuwa'y agad na siyang lumabas ng kanyang silid para buksan ang pinto.
Pagbukas niya ng pinto ay naroon na si Marc at naghihintay. "Si Nanay Hilda?"
Itinuro ni Riza ang silid ng ina. "Tulog na iyon 'pag ganitong oras. Halika, pasok ka muna."
Pumasok si Marc at umupo sa sofa. Binuksan naman niya ang TV. "Uhm, titingnan ko lang kung ano'ng pagkain sa ref—"
"No, no, thanks but I'm good. Maupo ka lang dito at samahan mo ako."
Umupo si Riza sa kabilang bahagi ng mahabang sofa. Marc seemed to be preoccupied though. "Ano'ng iniisip mo? May problema ka ba?" hindi niya napigilang itanong. Nakagat niya ang dila. "I'm sorry. Hindi ko—"
Hindi na natapos ni Riza ang kanyang sasabihin dahil umisod ng upo ang binata sa kanyang tabi. Kapagkuwa'y natensiyon si Riza nang akbayan siya ni Marc at bahagyang humaplos-haplos sa kanyang balikat ang kamay nito bagaman nakatutok ang mga mata ng binata sa telebisyon. Hindi naglaon at marahang hinawakan ni Marc ang kanyang ulo para igiya papunta sa balikat nito. Nang nakahilig na si Riza sa balikat ay kinuha naman ni Marc ang isa niyang kamay at pinagsalikop iyon sa kamay nito.
"M-Marc..."
"Sshh..." Bahagya pang tumagilid ng posisyon ang binata nang sa gayon ay medyo mapasandal siya sa katawan ni Marc. Masyado na yatang intimate ang kanilang posisyon. Paano kung biglang magising ang kanyang nanay at lumabas? Ah, maririnig naman siguro nila ang kaluskos.
"You can sleep. Bubuhatin na lang kita papunta sa silid mo 'pag tulog ka na. Ako na ang bahalang mag-lock ng bahay ninyo pag-alis ko." Marc kissed her head.
Lalong naguluhan si Riza sa inaasal ni Marc. Bahagya siyang tumingala para makita ang mukha nito. Mukha talagang malalim ang iniisip ng binata. "Napansin ko na mahilig kang makipag-holding hands," aniya para lang may mapag-usapan sila. She looked at their entwined fingers. Animo sadyang inihulma ang mga kamay nila para maging perpekto ang pagkakasalikop ng mga iyon.
"Sa 'yo lang. Don't you know that holding hands is like giving your special someone a mini hug?"
Special someone... "Ah... eh..." Oh, yeah, kilig strikes again.
Sinalubong ni Marc ang kanyang tingin. Samut-saring emosyon ang dumaraan sa mga mata nito. He lowered his head. Automatic na naipikit ni Riza ang kanyang mga mata nang maglapat ang kanilang mga labi. But Marc did kiss her just yet, sumasayad lang ang labi nito sa kanyang mga labi at lumayo na si Marc ng ilang milimetro. He tasted her lips, savored the sweetness it offered, and teased her, making her hungry for a real kiss.
Umungol si Riza sa pagpoprotesta. Marc chuckled. Dahan-dahang inangkin ni Marc ang kanyang mga labi. Feather soft, yet warm. Hanggang sa tila mas naging uhaw at mapaghanap ang mga halik nito. He deepened the kiss. Then the nature of the kiss changed into a taunting, teasing intensity that flooded her with the miracle of sweetness and pleasure. And sensation after sensation rushed though her. Hindi napigilan ni Riza ang pagtakas ng ungol sa kanyang lalamunan. This was so new yet she liked the feeling.
"Riza..." Paos ang boses ni Marc nang banggitin nito ang kanyang pangalan pagkatapos ng makapugtong-hininga na halik. Naghahabol ito ng hininga. Ganoon din siya.
Naging malikot ang mga mata ni Riza. Napakahirap sikilin ng kanyang damdamin kapag si Marc ang sangkot. Tanungin mo siya, Riza. Tanungin mo kung ano ba talaga ang meron sa inyo, suhestiyon ng kanyang isip.
"Ahm, Marc..." Ano man ang itatanong sana ni Riza sa binata ay nabitin sa kanyang lalamunan nang kanyang makita ang emosyong nasa mga mata nito. Marc was staring at her as if she was the most beautiful girl in the whole world.
Naging malikot ang kanyang mga mata. "Huwag mo akong tingnan nang ganyan," kinikilig na wika ni Riza. She bit her lip para pigilin ang pagtakas ng maluwang niyang ngiti. Bagaman hindi niya mapigilan ang pagningning ng kanyang mga mata.
"Bakit?" Nanunudyo ang pagkakangiti ni Marc. Kapagkuwa'y hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa kanyang pisngi.
Shesh! Ang galing naman talagang magpakilig ng lokong ito. "Basta. Ang kulit mo. Huwag mo akong tingnan nang ganyan." Bahagyang yumuko si Riza para kagatin ang kanyang ibabang labi at pigilin ang pag-alpas ng hagikgik sa kanyang lalamunan.
"Bakit nga?" pangungulit pa ni Marc, nangingislap sa tuwa ang mga mata. "Ano ba ang meron sa pagkakatingin ko sa 'yo ngayon? Ha?"
Iningusan niya ito. "Marc naman, eh."
And Marc just chuckled. Kapagkuwa'y sumeryoso ito. "Why can't I look at you like this? Don't you know that the eyes are the mirror of the soul?"
Hindi nagawang sumagot ni Riza. Paano ay muling inangkin ni Marc ang kanyang mga labi.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...