Part 9

6.6K 170 1
                                        


CHAPTER FOUR

GAMIT ang cell phone ay agad ipinagbigay-alam ni Riza sa ina ang hindi inaasahang pagdating ni Marc. Halos matulig pa nga ang kanyang mga tainga sa tiling pinakawalan nito. Hindi magkandatuto sa pagsisiguro ang ina kung tama ba ang kanyang impormasyon. Halos na-imagine na niya ang pagkukumahog nito para maipaghanda ng pagkain ang binata. Wala pang isang oras ay sumulpot na sa rest house ang kanyang nanay. Kung gagamit ng tricycle o anumang sasakyan ay kulang beinte minutos din ang layo ng rest house mula sa nayon kung saan naroon ang bahay nila. Kaya madalang din ang naliligaw roon.

May dalang sariwa at malalaking isda ang kanyang ina at iniihaw ang mga iyon. Nagluto rin ito ng gulay. At pagkaraan nga ng dalawa pang oras, hayun at dumidighay na sa kabusugan ang binata.

Mukhang hindi naman talaga maselan, obserba ni Riza kay Marc. Nakakatuwa ring panoorin na magiliw ang pakikitungo ng binata sa kanyang nanay. Hayun nga at hindi pumayag si Marc na hindi nila ito saluhan sa pananghalian.

"Nakakahiya naman sa 'yo, Marc. Hindi tuloy kami nakapaghanda sa pagdating mo," anang nanay ni Riza. "Teka, ako ba ay nauunawaan mo?"

Marc chuckled. "Eh, nauunawaan ko po kayo, 'Nay Hilda. Tagalog naman po ang first language ko bago pa man kami manirahan sa Catalonia. Bukod sa Pinay si Mama, eh, Pinay pa rin ho ang kasambahay namin. Si Papa nga nagta-Tagalog din sa bahay," paliwanag ng binata.

Ang lanzones naman na sinungkit ni Riza sa likod-bahay ang nilalantakan ng binata. Dahil bagong pitas ang prutas ay madagta pa iyon at nakikita niya ang pagdudulot niyon ng kulay kalawang sa mahahabang daliri ni Marc. "At kanina pa ho kayo hingi nang hingi ng paumanhin. Sinasabi ko po sa inyo na ayos lang ang lahat. Ako po ang may gusto na huwag ianunsiyo ang pagdating ko. Nakiusap pa nga ako kina Tita na huwag na ho kayong tawagan at susulpot na lang ako rito."

Magalang din... muling pagpuna ni Riza. Muntik na siyang mangalumbaba kung hindi lang siya sinulyapan ni Marc. Nakailang sulyap na ang binata sa kanya at may kakaibang kislap ang mga sulyap na iyon kaya naman nagsasayaw ang kanyang puso.

"Ganoon ba? Mabuti naman pala at gamay mo pa rin ang lengguwahe natin. 'Hamo, bukas na bukas ay lalagyan ko ng pagkain ang refrigerator. Susunod daw ba dito sina Madam Stella?" Ang ina ni Marc ang tinutukoy ng kanyang nanay.

"Hindi po. Ako lang po ang magbabakasyon. Huwag n'yo ho akong alalahanin at kaya ko naman ho ang sarili ko. I'm fine, really." Ilang minuto pang kuwentuhan ay tumayo na si Marc, himas-himas ang tiyan. "Nabusog talaga ako. I think I should take a walk." Binalingan siya ng binata. "Samahan mo ako, Riza. Maglakad-lakad tayo sa baybayin."

"Mabuti pa nga, anak. Samahan mo muna si Marc habang inaayos ko ang magiging silid niya," anang nanay niya.

"Sige po."

Kinuha ni Marc ang cap at isinuot iyon bago sila nagtungo sa baybayin. She was so aware of him beside her. Mula sa nabasa na damit ay nakapagpalit na si Marc ng loose shirt at pares ng khaki shorts. Itim na leather sandals ang sapin nito sa mga paa. Mayroon ding suot na sports watch. He seemed athletic. He was masculine but not the bulky type. Iyong tipong makisig pero hindi ma-muscle at hindi rin payat. Bigla ay bumangon sa kanyang dibdib ang kagustuhan na kuhanan ng litrato ang binata.

Hindi mapigilan ni Riza ang mapabuntong-hininga sa kaguwapuhan ni Marc. Gusto-gusto uli niyang pakawalan ang kilig. Kung wala nga lang ba ang binata roon, siguradong hindi lang pagsasayaw ang kanyang ginawa, baka tumambling din siya.

"Salamat nga pala at hindi mo talaga binanggit kay Inay ang tungkol sa muntik ko nang pagkakalunod," wika ni Riza sa binata.

"It means you owe me one," biro ni Marc.

"A big one. Habang-buhay na yata akong may utang sa 'yo."

"Hey, I'm just joking. Alam mong masaya ako na muli kang makita."

Napangiti si Riza. "'Buti at hindi ka naligaw sa pagpunta rito?"

Marc shot her a sly smile. Napansin niya ang paglalaho ng kislap sa mga mata ng binata. Tila ba biglang naging okupado ang isip. "Mom gave me the address. Pati na rin ang kompletong detalye kung paano ako makakarating dito. Thank God hindi naman ako naligaw. I'm sorry hindi man lang ako nakatawag sa 'yo or nakapangumusta over the years. I've been busy with the camps and the training. Idagdag pa ang schooling ko. My load is pretty hefty."

"Y-you're a MotoGP champion now, congratulations. U-uhm, I'm a fan." A big, big fan. Naroong halos mabitin ang kanyang hininga kapag may karera ang binata. Natatawag yata niya ang lahat ng santo para lang proteksiyunan ito at hindi maaksidente. Noong huling crash nga ni Marc ay hindi siya nakakain at nakatulog nang maayos hanggang hindi niya nababalitaan na okay na uli ang binata. She even prayed several novenas just for him.

"Salamat." Yumuko si Marc at pumulot ng bato. Inihagis din naman iyon sa lawa. Blangko pa rin ang mga mata nito. "So enough about me, let's talk about you. Eh, any boyfriend?"

Meron na. Ikaw! ngalingaling isagot ni Riza. "Ah, wala. Wala pa akong boyfriend," nag-iinit ang mga pisnging tugon niya.

There. Naroon na uli ang buhay sa mga mata ng binata. "That's good to hear. But I bet marami ang gustong manligaw sa 'yo, ano? Why, you're pretty."

Damn! Bakit ba napakasuwabeng lumalabas sa mga labi ni Marc ang papuring iyon? Pagkatapos ay sinasamahan pa ng binata ng paghuli sa kanyang paningin kaya naman hindi niya maiwasang hindi mag-blush. Pati dulo ng kanyang buhok ay kinikilig. It was just so weird dahil sanay naman na ang kanyang mga tainga sa papuri. Katulad nga ng sinabi nito, maraming kababata ni Riza ang nagpapahayag ng pagkagusto sa kanya. Maganda rin naman kasi siya.

Lalong nailang si Riza nang matiim siyang titigan ni Marc. "Wait!" anito. "Did you go under the knife and have a nose job?"

"Ha?" Nahawakan ni Riza ang kanyang ilong. Maliit iyon ngunit matangos naman. Ang sabi nila ay cute daw ang ilong niya at bumagay sa makipot niyang mga labi. "Totoo 'to, ha!"

Humalakhak si Marc. That laugh captivated her soul. "Sa pagkakatanda ko kasi ay pango ka. Pero bakit ganyan na kaganda ang kinalabasan ng ilong mo?"

Hindi napigilan ni Riza na ingusan ang binata. Ang totoo ay hindi lang naman ito ang nagsabi nang ganoon sa kanya. Pango daw siya noong maliit pa siya. "Eh, sa na-develop ng maganda ang facial bones ko, eh."

Tumigil si Marc sa pagtawa. "I couldn't agree more."

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now