"WOW!" humahangang bulalas ni Marc nang marating na nila ang flower falls. Tinawag iyong flower falls dahil bukod sa magandang landscape ay hindi mabilang na mga wild flower ang nakadikit sa magkabilang gilid ng talon. Nagkataon na panahon ng pamulaklak kaya naman namumutiktik ang makukulay na wild flower sa magkabilang gilid at umaadorno sa talon. Habang ang mga nalagas na bulaklak ay lumulutang sa pinaka-basin.
"Nahulaan ko na may kakaiba rito kaya dito mo ako dinala. Hindi ko naman naisip na ganito pala ito kaganda. Fascinating, indeed." Pumalatak pa si Marc. "Parang ikaw," pabulong na dugtong ng binata. Mahina man ang pagkakasabi ay, nakarating naman iyon sa pandinig ni Riza. Siya, fascinating?
Ayieee, kinikilig naman si Riza! Humaba na naman ang buhok niya, tukso ng kanyang isip.
Nagkunwari na lang si Riza na hindi narinig ang sinabi ng binata. At grabeng pagpipigil ang kanyang ginawa para hindi mapangiti nang maluwang. "And you also fascinated that lady," hindi napigilang sabihin ni Riza patungkol sa babaeng hindi na yata hinihiwalayan ng tingin si Marc. Kasama pa naman nito na sa hula niya ay kasintahan ng babae. "Patay ka kapag nag-away 'yong dalawa."
Tumahip ang kanyang dibdib nang tumabi sa kanya si Marc. Halos nagkikiskisan na ang kanilang mga braso. Pasimple na kumukuha ng distansiya si Riza ngunit si Marc ay animo nananadya na dumidikit talaga sa kanya. Hanggang sa akbayan na siya ng binata.
"Jealous?" he asked, grinning.
"Hoy, anong jealous?" Inismiran ito ni Riza. Hindi siya nagseselos, naaasar lang. "Why don't you go down there?" Pero ang totoong ibig niyang sabihin ay: huwag mo akong akbayan. Nako-concious ako. "Nakikita mo 'yong mga bato na nakahilera sa may basin? Isa sa mga highlight ng pagpunta rito ay ang pagtawid doon."
"Yeah? Chicken. Hmm... question. Bawal bang kumuha ng bulaklak doon?"
"Chicken ka diyan. Mahirap kaya 'yon, lalo na kung hindi ka marunong magbalanse. Ah, oo nga pala. Magaling ka nga palang magbalanse," agad na pagbawi ni Riza nang pumasok sa isip ang mga racing stunts ng binata. "Oo, bawal kumuha ng bulaklak, delikado rin kasi. But you can swim if you want to. Kaya lang... I'm afraid, t-shirts lang ang nadala kong pamalit mo."
"How about I take a dip naked?" ani Marc bago kumindat-kindat sa kanya. Ngumiti ito sa kanya.
Pakiramdam ni Riza ay may mga paruparong nagliparan sa kanyang sikmura dahil sa ngiting iyon. Paano ba namang hindi gayong hindi naman friendly smile ang ibinigay ng binata sa kanya. Pilyo iyon at mapanukso. It was the kind of smile that promised wicked pleasure.
Her blood rushed to her neck and cheeks. "Marc! Probinsiya ito!"
Dumagundong ang mataginting na halakhak ng binata. "'To naman, hindi na mabiro. O, siya, tara na at tumawid doon sa bato." Inialis na ni Marc ang pagkakaakbay sa kanya. Ngunit kinuha nito ang kanyang kamay at hinila pasunod sa binata.
Ayun na naman ang kakaibang init na hatid ng palad ni Marc. It was bothering her because it seemed that the peculiar heat was conquering her system.
"I-ikaw na lang, Marc. Kukuhanan na lang kita ng pictures."
Marc obliged. Kapagkuwa'y iiling-iling at napapangiti na lang siya habang pinanonood ito sa pagtalon-talon sa bawat bato. Alam niya na mahirap tumawid dahil sa distansiya at kipot ng bato, but he made it look so easy. Ang nakakatawa pa, parang bata si Marc na siyang-siya sa adventure na iyon. He was striking funny poses and making funny faces for her to capture on film. Napakamasayahin talaga ng binata.
And he was charming, indeed.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...