Part 30

5.1K 136 0
                                        


CHAPTER NINE

"MARC! Marc! Marc!"

"Oh, God, Marc!"

"Mi amor!"

Kinikilabutan si Riza sa tila hindi-mahulugang-karayom na mga tao na dumagsa para lang masilayan at mapanood ang exhibition ni Marc sa Alabang Circuit, ang bago at kauna-unahang MotoGP racetrack na pag-aari ng isang bilyonaryong Pilipino. Sa pagkakaalam niya, ang exhibition ni Marc ang pinakapasinaya ng naturang racetrack. Ayon pa sa balita, doon idadaos ang isa sa mga round sa susunod na season ng MotoGP. The Filipino fans were overwhelming. Hindi nakahadlang ang matinding sikat ng araw para dumagsa at magsiksikan ang mga tao makita lang ang Filipino-Spanish champion.

Dalawang araw na ang nakararaan mula nang lumuwas sa Maynila si Marc. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay pinuntahan ng binata ang mga media commitments sa Pilipinas. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay laging laman ng telebisyon ang mukha nito. Thus, mas maraming Pilipino ang naging fans nito. Sa loob ng dalawang araw ay naging mainit na paksa sa lahat ng social networking sites si Marc. He became pretty famous, indeed.

Hinimok ni Marc si Riza na sumama sa Maynila at panoorin ang exhibition pero tumanggi siya. Ayaw kasi niyang makitang umalis ang binata. Marc promised her that he would return. Babalik daw ito at ilalagay sa ayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Sinabi rin ng binata na mahal siya nito. She believed in him because she felt it in her heart.

Tutuparin ni Marc ang pangako na babalik ito para sa kanya at hindi na sila maghihiwalay kahit kailan. Hindi nga ba at sa ilang interviews ng binata kung saan palaging itinatanong kung available pa ba ang puso nito, ay isang nakaka-in love na ngiti ang gumigitaw sa mga labi ni Marc. His eyes would sparkle in obvious happiness. Then he would remark that he was in love. Nagtatanong ang host kung sino ang masuwerteng babae, o kung ano ang nationality. Ngingiti lang ito at sasabihing makikilala rin diumano ng lahat ang babaeng iyon.

Lumakas ang hiyawan ng audience.

"Hayun, lumabas na si Marc!" excited na wika ni Kaycee.

Hindi napigilan ni Riza ang sarili na palampasin ang sandaling iyon na makita ang binata sa motorsiklo. After all she was still a fan. Kaya naman nang yakagin siya ni Kaycee ay napahinuhod siya ng kaibigan.

"Grabe, Riza, tingnan mo ang mga international reporter na 'yon, o? I can't believe it. Dumayo silang lahat sa Pilipinas para lamang mai-cover ang exhibition ni Marc? Tingnan mo si Marc o, 'buti hindi siya nasisilaw sa mga flash ng camera, ano?"

Itinutok ni Riza ang camera sa podium. Ini-adjust ang zoom niyon para mas makita nang malapitan ang binata. And what she saw took her breath away. Nakasuot si Marc ng racing suit, ang helmet ay kilik sa tagiliran. Nakapaskil sa mga labi ng binata ang pamosong ngiti nito habang kumakaway sa mga fans. Sigurado siya, maraming puso ang nawala sa kinalalagyan sa ngiti na iyon ng binata. If they only knew how charming Marc really was.

Lalong lumakas ang hiyawan nang tunguhin na ni Marc ang motorsiklo. At animo ang malakas na ingay na iyon ang bumasag sa kastilyong itinayo niya sa alapaap. The realization struck her.

Wala sa loob na ibinaba ni Riza ang camera.

"O, bakit ka umiiyak?" tanong ni Kaycee, bahagya siyang siniko.

"Ha?" Hinawakan ni Riza ang pisngi. Basa na iyon ng luha. "M-masaya lang ako para kay Marc."

"Ang drama naman nito. 'Sabi ko naman kasi sa 'yo na ipaalam mo kay Marc na luluwas tayo para manood, eh. Di sana, VIP tayo. Doon tayo pauupuin ni Marc sa may podium. 'Kaw kasi, eh." Pumuwesto sila ni Kaycee malayo sa karamihan. Hindi kasi nila kaya na makipagsabayan sa mga passionate fans na handang manulak makalapit lang sa podium. Gayon pa man, malayo man sila sa podium ay malapit naman sila sa race track. They'd still have a good view of Marc once the race began.

"B-bigla akong nanliit, Kaycee..." Hindi napigilan ni Riza na ibulalas ang tunay na nararamdaman. Nagtuloy-tuloy ang kanyang mga luha sa pag-agos. Para bang nagising siya mula sa isang magandang panaginip nang sandaling iyon. Marc was everybody's Prince Charming. He was almost too good to be true.

"Hoy, teka, bakla, anong drama 'yan?" nag-aalalang tanong ni Kaycee.

Tiningnan ni Riza ang field. Nakasakay na si Marc at ang ilan pang rider sa kanya-kanyang motorsiklo. Their stances were impressive. Humudyat na ang pagsisimula ng karera and the race began. Umarangkada at agad nanguna ang motorsiklo ng binata. The speed was unbelievable. Tila ba hindi na lumalapat sa pavement ang gulong ng motorsiklo. And Marc was doing that daredevil stunt again. Kumikiskis na naman ang elbow ng binata sa tarmac habang halos ilang degree na lang yata ang layo ng pagkaka-slant nito mula sa kalsada.

The crowd was more than pleased. Ang ibang hindi maisigaw ang paghanga ay napapatulala na lang. Halos lahat ng mga tao ay may camera o video camera para idokumento ang sandaling iyon. Marc was indeed celebrated.

"H-hindi kami bagay ni Marc. Tingnan mo siya, tingnan mo ako. Para kaming langit at lupa. At sa pagitan ng langit at lupa naroon ang hindi masukat na distansiya. He's a somebody, Kaycee, and what am I? A nobody!"

"Whoa! Masyado mong pinapababa ang sarili mo. Bakit, sinabi ba ni Marc na ang gusto niyang babae ay 'yong kapantay niya pagdating sa pamumuhay? Halika nga rito..." Kinabig siya ni Kaycee at niyakap. Subalit hindi niya maunawaan kung bakit patuloy pa rin ang masaganang pagdaloy ng kanyang mga luha. "Riza, alam ni Marc kung ano ka at minahal ka niya bilang ikaw. Ano ka ba? Tumigil ka nga sa pag-iyak. That man loves you. Kulang na nga lang ay sabihin niya ang pangalan mo sa interviews niya, eh."

Naramdaman ni Riza ang paghagibis ng hangin sa kanilang kinatatayuan kasabay ng tunog ng nagkakarerang motorsiklo. It turns out na lumampas na sa kanila ang isang ikot.

"God, bakit ba ako nag-e-emo," natatawang sabi niya at humiwalay sa kaibigan.

"I can't blame you. Na-overwhelm ka sa—Ano 'yon?"

Maging si Riza ay napaigtad sa tila pagkakagulo ng lahat. Everybody was screaming. Kasabay niyon ang tila sirena ng ambulansiya. Napatingin siya sa racetrack. And she drew a sharp breath nang makita niya na may nag-crash na rider sa isang sulok. Nanuyo ang kanyang lalamunan kasabay ng pagtayo ng kanyang mga balahibo sa katawan. Pakiramdam niya ay bigla siyang napunta sa loob ng isang rumaragasang ipuipo at ang tangi na lang niyang naririnig ay ang malakas na tibok ng kanyang puso. Hindi niya mabistahan ang numero ng rider dahil sa kapal ng alikabok na nilikha nang pagkakasadsad ng motorsiklo.

"Oh, my God, si Marc! Nag-crash si Marc!" anang isang tili na nagmumula sa pinakamalapit na fan sa kanila. And that was all her system needed to shut down.

"Riza!" narinig pa niyang wika ni Kaycee bago siya tuluyang panawan ng ulirat.

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now