NAPASINGHAP si Riza sa narinig. Mabilis siyang napabaling kay Marc. Nakalimutan na niya ang mga luhang dapat ay itatago niya. Lumuhod siya at ikinulong sa kanyang mga kamay ang mukha nito. Hindi siya sigurado sa narinig. So, all she had to do was look straight into his eyes. At ganoon na lang ang panggigilalas ni Riza nang makita roon ang pagsungaw ng pagmamahal ni Marc... para sa kanya. Funny how she knew that look. Marahil nga ay tama ang binata. Kapag magkalapit ang puso ng dalawang tao ay nagkakaunawaan ang mga ito kahit sa mga mata lang.
Natutop ni Riza ang bibig. "M-Marc?"
"I love you."
"Oh, my God!" Tuluyan na siyang napabunghalit ng iyak.
Marc cupped her face. Pinunasan nito ang kanyang mga luha. "Listen, mi amor, tutuloy ako sa pagbalik sa Spain. May aasikasuhin lang akong mahalagang bagay. Habang inaasikaso ko iyon, I suggest na asikasuhin mo na rin ang travel documents mo. I'll come back before the racing season begins, that's two months from now. Babalik ako at isasama kita roon. Pangako. Well... that is if you want a home with me."
"Oh!" Dala ng bugso ng damdamin ay siya na ang kusang umapuhap sa mga labi ng binata.
Marc met her lips halfway and then he was in charge and he claimed the fullness of her lips. Tasting, licking, and sucking. It felt so great. Masarap sa pakiramdam. Marc's lips move as gently as possible against her lips, giving her all the time to savor every pleasure that was unfolding within her. Hanggang sa unti-unting lumalim ang halik. Dumidiin ang pagsimsim ni Marc sa kanyang mga labi na para bang nais nitong simsimin ang lahat ng tamis niyon. But the sweetness never ended and Marc became very thirsty. He kissed hard, all right, but it was so passionate, so great, and so amazingly sweet that she wanted more. And as a result, all her senses were heightened. A sudden blinding rush of need surged through her.
"Riza..." he murmured in a passion-dazed voice that sent shivers down her spine. Bumaba ang mga labi ni Marc sa kanyang leeg. She automatically threw her head back, giving him more access while his hands were busy caressing her thighs.
"I love you, too, Marc," humihingal niyang wika. Para siyang tumakbo nang milya-milya sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Para siyang nalulunod sa sensasyong rumaragasa sa kanyang buong pagkatao. "Mi amor... p-pigilan mo a-ako... I'm r-reaching t-the point o-of no r-return..." paputol-putol na wika ni Marc sa pagitan ng paghalik sa kanyang leeg. His hands now stopped at the hem of her shirt. Subalit tuluyan na siyang nadarang sa init na hatid ng kamay ng binata.
"Too late. I've already reached that point, Marc." She bit her lips as the fire at the pit of her stomach burned even hotter. The desire she felt was hot and consuming. Anumang sandali ay tila may puputok na kung ano sa loob ng kanyang katawan. Marc claimed her lips once again in a steamy kiss. Maging ang mga ungol na kumawala sa kanyang lalamunan ay nakulong na lamang sa bibig ng binata.
Marc groaned. Pagkuwa'y ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha. Hinuli ni Marc ang kanyang mga mata. And she was again lost in that smoldering fire in his eyes. "Te amo, mi amor."
"Mahal din kita." Ang nanginginig na mga kamay ni Riza ay tila may sariling buhay na pumaloob sa t-shirt ng binata. Marc groaned gutturally as she spread her fingers on his chest.
Muling inangkin ni Marc ang kanyang mga labi. Mas maalab at mas uhaw ang mga labing iyon. His hand was hot and restless. Napapaliyad at napapaungol na lang si Riza sa bawat dantay ng palad ng binata sa kanyang balat. Hindi niya alam na posible pala ang sensasyong namamaybay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Rapture grew and spread like a living flame within her.
And the moon witnessed the two lovers on the boat as they danced to the most primitive beat which was as old as the sea until they finally became one.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...