Part 54

5K 147 2
                                        

SHIT! Nagpadala ako sa emosyon ko. Mariing kinagat ni Riza ang kanyang ibabang labi nang tumahimik ang hapag-kainan. Walang duda na nakahalata na ang mag-asawang Aragon sa kanila ni Marc.

Pero ang kapal naman kasi talaga ng mukha ng lalaking ito. Nagawa pang gumawa ng kuwento para pagtakpan ang kalokohan niya! Niloko ko diumano siya? Ang sarap sampalin ng buwisit na ito! nagngingitngit na bulalas ni Riza sa isip. But why did Marc say those words as if he really meant it?

Hindi nakatiis si Riza. Sinipa niya si Marc sa ilalim ng mesa.

"Aw!" hiyaw ni Marc.

"Oops..." Avegail murmured. Hindi na talaga maipagkakaila ang tensiyon sa pagitan nila ni Marc.

Tumayo si Marc. "Ahm, Lee can I ask you for a favor?"

"Sure," sagot naman ni Lee.

"Puwede bang dito muna sa inyo si Torie?"

Napatayo rin si Riza. "At bakit mo inihahabilin ang anak ko?"

Lumigid si Marc sa kanyang kinaroroonan. "Dahil sasama ka muna sa akin." Hinawakan nito ang kanyang braso.

Bago pa makahuma si Riza ay hila-hila na siya ni Marc palabas ng bahay. Hindi siya nakapalag kahit nang pasakayin siya nito sa sasakyan. Umuulan na pala. Kaninang pagpunta nila sa villa ng mga Aragon ay makulimlim at manaka-naka pa lang ang pag-ambon.

"Anong drama ito, Marc?!" sa wakas ay nakuhang sabihin ni Riza. Tumatakbo na noon ang sasakyan. Kung saan iyon patungo ay hindi niya alam. "Kung makaakto ka, akala mo ikaw ang naagrabyado? Nagka-amnesia ka na ba? Ikaw ang may atraso sa akin. Ikaw ang nanloko!" sigaw niya. Marahas na pinahid niya ang luhang nalaglag sa kanyang mga mata.

"I hurt you, all right! Aminado ako roon! Ginawa ko nga 'yon!" pabulyaw na tugon ni Marc. "Eh, ikaw? Hanggang kailan mo paninindigan na hindi mo ako niloko?"

"Ang kapal ng mukha mo, Marc. Ang kapal ng mukha mo!" hindi makapaniwalang tugon ni Riza habang namamalisbis ang luha sa kanyang mga pisngi. "Bakit ba inaakusahan mo ako na nanloko ako sa 'yo?"

Mabilis na itinabi ni Marc ang sasakyan. Nagagalit siya pero gustong matakot ni Riza sa galit na nakasungaw sa mga mata ni Marc. Nagkikislutan pa ang mga facial muscle ng binata habang naging prominente ang ilang litid sa leeg nito. He really seemed furious.

Bago pa maunawaan ni Riza ay nasa batok na niya ang isang kamay nito. Pagkatapos ay mariin at walang pag-iingat nitong inangkin ang kanyang mga labi.

His teeth grazed her lips. His tongue harshly invaded her mouth. He kissed her hard as if he wanted to suck all the sweetness of her lips all at once. Nang makabawi sa pagkabigla ay itinulak niya ang binata. Subalit mas malakas si Marc. Hindi siya makawala rito. Iginiit nito ang nananalakay na mga labi kahit mariin ang pagkakatikom niya sa kanyang mga bibig.

Lalong napaiyak sa frustration si Riza. Pinagsusuntok niya ang likod ni Marc. Hindi siya sigurado kung nasaktan niya ito o ano pero pinakawalan din siya. Agad niya itong pinatikim ng mag-asawang sampal. Marc stared at her. Pagkatapos ay mariin nitong hinagod ang buhok.

Pagkuwa'y nabaghan siya ng mamula ang mga mata ni Marc. Tila ba iiyak sa sobrang galit o kaya naman ay may isang napakasakit na alaala ang bumabalik.

"M-Marc..." nausal ni Riza. She suddenly wanted to reach for him and comfort him, alamin kung ano ang nagdudulot ng sakit sa binata. Why, do you still care, Riza? she hurriedly looked away. Why did he still have this power to bring out her tenderness? Nasaan na ang kanyang galit?

"Six years ago, nang sabihin kong mahal kita..." Mariin ang bawat bigkas ni Marc sa mga salita. Muli siyang napabaling sa binata. "...dito nanggaling iyon, Riza." Itinuro ni Marc ang tapat ng dibdib then he swallowed hard as if there was a big lump in his throat. Nangislap ang luhang naiipon sa mga mata nito hanggang sa tuluyang tumulo iyon. He did not bother to wipe the tears or hide it from her. "I meant it with all my heart!"

Umiling-iling si Riza. "Liar. Huwag mo akong ituring na parang bata, Marc. Inamin mong nagsinungaling ka. What were your exact words again? 'Sabi mo: 'You're like an exotic food I wanted to try. And that I was a good lay.' Damn you!" mapait niyang tugon. Damn. Parang namatay na naman siya sa alaalang iyon. All the pain was coming back. Pakiramdam niya ay nagsisikip na naman ang kanyang dibdib at hindi na naman siya makahinga.

Sinubukan ni Riza na buksan ang pinto. It was not locked. Tuloy-tuloy siyang bumaba ng sasakyan, walang pakialam kung mabasa man ng ulan. She needed to get away from Marc. From the pain. God! She thought she was over him. Na bahagi na lang ang binata ng nakaraan. Guess she was wrong, so damn wrong. Oo nga at bahagi ito ng kanyang nakaraan pero karugtong ng kasalukuyan ang nakaraan, maging ng hinaharap.

"Ihad to say that words to at least save my ego!" sigaw ni Marc na nagpatigil sakanyang pagtakbo. Malakas ang patak ng ulan pero nangibabaw pa rin ang tinig niMarc. you 5

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now