Part 2

7.4K 203 0
                                        

CHAPTER TWO

"MARC, darling..." anang tinig na nagpagising sa kanya.

Umungol si Marc bilang sagot. Dumapa siya, walang pakialam sa kahubdan. Nagmulat siya ng mga mata at nakita ang babaeng naging kaulayaw nang nagdaang gabi. Isang babae na ni hindi niya matandaan kung ano ang pangalan. She was just one of his fans who were dying to jump in his bed and have a night with him. She had nice curves, flawless skin, enticing legs, and a pretty face. Pasok ang babae sa kanyang panlasa. Isa pa, alam at naiintindihan nito ang salitang "no strings attached" katulad ng mga babaeng dumaan sa kanyang buhay.

"I have to go..." bulong ng babae sa kanya. She kissed his head while running her fingers along his naked back. "Call me, Marc, anytime."

He gave her a vague smile. "Okay." Umalis na ang babae at lumabas. He sighed. Ang paglabas nito ng pintuang iyon ay katumbas na rin ng pag-alis ng kanyang buhay. Hindi kailanman siya tumawag o naghabol sa isang babae. He was Marc Marquez, the modern definition of Prince Charming. Siya ang hinahabol ng mga babae.

Marc reached for the television's remote control. Binuksan niya ang TV. Napangiti siya nang makita ang balita tungkol sa kanya. Pakiramdam niya ay nasa alapaap pa rin siya kahit dalawang buwan na ang nakararaan mula nang manalo siya.

Marc let himself walk down memory lane. He was Filipino-Spanish. Ang kanyang ama ang Spanish at ang kanyang ina ang Pinay. He was born in the Philippines and lived the first seven years of his life there. Bata pa lang siya ay hilig na niya ang mga bikes at motorsiklo. Sinuportahan naman siya ng kanyang pamilya.

Pitong taong gulang si Marc nang mag-migrate sila sa Spain dahil sa kanyang pangarap. Sa murang edad ay nagsimula siyang sumali sa mga motorcycle racing competition. And that was when former 125cc world champion Alzamora spotted his talent. Ang lalaki ang naging manager at mentor niya. With his hard training, discipline, dedication, and raw talent, he made his debut at the age of 15.

Naging maganda ang performance ni Marc with impressive podium finishes and victories. Hanggang sa maging tuloy-tuloy na ang pagguhit ng kanyang pangalan sa karerang iyon. Naging champion din siya sa kategoryang 250cc bago lumipat sa prestihiyosong MotoGP. And he was now a MotoGP champion. Ano pa ba ang mahihiling niya? He was already at the top. All he had to do now was stay on top.

Ah, he just love the craft so much. It was not always about winning, it was the passion and the fulfillment that he liked the most. Para bang hindi kompleto ang buhay niya kung hindi sasakay ng bikes at motorcycles.

Ang tunog ng telepono ang nagpabalik sa naglalakbay na diwa ni Marc sa kasalukuyan. Bumangon siya at tinanggap ang tawag. It was his father.

"'Pa?"

"Marc, your last media commitment starts in an hour, right?"

Oo nga pala. Mamaya na nga pala ang last media commitment niya. Isa iyong video interview. Pagkatapos niyon ay magkakaroon siya ng tatlong linggong bakasyon bago magsimula uli ang training at paghahanda para sa susunod na season ng MotoGP. "Si, Papa. Why?"

"Can you go home as soon as it ends?"

Naalarma si Marc. "Is there a problem, 'Pa? Puwede na akong umuwi ngayon din." His father was pure Spanish. Pero dahil sa kanyang ina ay nag-aral ang ama ng Tagalog. Nagsasalita at nakakaintindi niyon ang ama. Kaya kahit bata pa siya nang lumipat sila sa Espanya ay matatas pa rin siyang managalog. Iyon nga lang may accent na siya.

His father sighed. "Well, son, kailangan na nating tuparin ang napagkasunduan..."


My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now