One week later
"HINDI pa rin siya tumatawag..." wala sa sariling usal ni Riza habang nakatitig sa kanyang cell phone. Marc, Marc, kailangan kita ngayon. Kailangan ko ng karamay... usal niya, umaasang dadalhin ng hangin ang mensaheng iyon papunta kay Marc, saan man naroroon ang binata. But then, kung ibinubulong nga ng hangin ang panaghoy niya, di sana noong mga nakaraang araw pa iyon nakarating kay Marc. Pero hindi ito nagpaparamdam. Wala ni simpleng text para kumustahin siya kaya naman lalong bumibigat ang kanyang dibdib.
Namasa ang mga mata ni Riza. She blinked the unshed tears away. Shit! Tama na ang isang linggong pag-iyak, Riza. Lumuha ka man nang balde-balde ay hindi na maibabalik pa ang nangyari, kastigo niya sa sarili.
Isang linggo na siyang umiiyak. Isang linggong nagtatanong ng mga bagay na hindi pa rin niya mahanapan ng kasagutan. Isang linggong nagdadalamhati at nag-iisip kung paano itutuloy ang kanyang buhay. Kung hindi pa dumating ang nanay niya mula sa pagbisita sa mga kamag-anak ay hindi siya lalabas ng bahay. Gustong-gusto niyang sabihin sa ina ang lahat habang umiiyak siya sa dibdib nito. Subalit hindi niya magawang biguin ang puso ng ina. Hindi niya kayang dulutan ito ng sama ng loob. Sigurado siya na mas ang ina ang magdadamdam at magdadalamhati dahil sa kanyang sinapit. Gayon pa naman, hindi man siya magsalita at pilitin man niyang umakto ng normal, alam niyang nahihiwatigan na ng ina na may dinaramdam siya.
"Ngayon ka na nga lang pumasok, nagkukulong ka pa dito sa loob ng opisina."
Muntik nang mapatalon si Riza sa gulat sa biglang pagsulpot ni Kaycee. She almost fainted as anxiety attacked her.
Agad naman siyang dinaluhan ni Kaycee. "Hey, okay ka lang? Sorry. Kanina pa kaya ako dito. Akala ko naman napansin mo na ang presensiya ko. Okay ka lang ba?"
"O-okay lang," tugon ni Riza. Hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang mga luha. Naipon ang mga luhang iyon hanggang sa tuluyang tumulo. Mabilis na pinahid niya iyon. God! Pakiramdam niya ay napakamiserable na naman niya.
"Riza..." nag-aalalang wika ni Kaycee. "Pinag-aalala mo ako, eh. May problema ka ba? Alam mo namang puwede mong sabihin sa akin ang lahat."
"W-wala ito..." Sinubukan niyang tumawa ngunit nauwi iyon sa hagulhol. "Oh!" Mabilis siyang niyakap ni Kaycee. Kaycee did not say anything. Niyakap lang siya at hinaplos-haplos ang kanyang likod.
Sa halip na kumalma ay lalong napahagulhol si Riza. God! Punong-puno na ng sakit ang kanyang dibdib at pakiramdam niya ay mababaliw na siya kung hindi niya iyon iiiyak nang malakas.
"Kapag kailangan mo ng tagapakinig, narito lang ako, ha?" sabi ni Kaycee.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...