KINABUKASAN ay ipinaubaya muna ni Riza kay Tiffany ang pamamahala pansamantala sa JeRi. Naitawag na rin niya ang tungkol doon kay Kaycee at walang pagdadalawang-salita na pumayag ang kaibigan. Biniro pa nga siya ni Kaycee na pagkakataon na raw niya iyon para akitin si Marc.
Hindi na hinintay ni Riza ang closing ng snack house. Nang masiguro niyang nasa ayos na ang lahat ay nauna na siyang umuwi. Dumaan lang siya sa kanilang bahay para iwan ang kanyang mga gamit at para na rin makapagpalit ng damit. Pagkatapos niyon ay dumeretso na siya sa rest house.
Papalubog na ang araw nang makarating siya sa rest house. It was so spectacular. Nagsasabog ng kulay kahel at indigo ang araw at nagre-reflect iyon sa tubig sa lawa. Mayroon ding mga ulap na tila nagpaganda pa sa tanawin.
Nahigit ni Riza ang hininga nang dumako ang kanyang mga mata sa mahabang tulay sa lawa. Sa dulo ng tulay, sa malawak na platform, ay nakaupo ang isang bulto habang nakatanaw sa papalubog na araw.
Marc... Napalunok siya. On instinct, she grabbed her camera. Ini-adjust niya ang zoom at kinuhanan ang tanawing iyon. Laking pasasalamat niya na binitbit niya ang camera.
Patuloy sa pag-click ang daliri ni Riza kaya naman nakuhanan niya nang hindi inaasahan nang maghubad ng t-shirt si Marc at mag-dive sa tubig. "Oh, dear heaven..." bulalas niya nang tingnan ang mga kuha. There was wonderment in those images that leapt to life on the small screen.
"Riza!" anang tinig ni Marc na nagpapitlag sa kanya. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niyang nakatayo na muli sa platform ang binata, kumakaway. Marahil ay nakita siya ng binata nang sumampa ito sa platform.
Napangiwi si Riza. Ano na lang ang iisipin nito sa kanyang camera?
Binagalan ni Riza ang paglapit kay Marc sa pag-asang makakapag-isip siya ng magandang sasabihin. Hindi kasi mahirap hulaan na kinuhanan niya ng larawan ang binata. Tinalunton niya ang tulay, hanggang sa makarating na rin sa platform. Nagpupunas na noon si Marc ng katawan gamit ang tuwalya. Nang tuluyan siyang makalapit ay agad tumuon ang kanyang mga mata sa nakahantad na upper body nito.
Marc Marquez was undoubtedly masculine. Bagaman hindi masyadong malapad ang kaha ng katawan ay toned naman iyon. Hindi maipagkakaila ang guhit ng abs sa katawan nito. He was really athletic. Maalaga ito sa katawan.
Uy, natulala ka na! Baka mamaya niyan ay tumulo na ang laway mo nang hindi mo namamalayan, tukso ng isip ni Riza na nagpa-init ng kanyang mga pisngi.
Laking pasasalamat niya dahil hindi naman yata napuna ni Marc ang paghagod ng kanyang mga mata sa katawan nito.
"Hola, Riza," bati ni Marc. Hindi niya inaasahan nang dampian siya ng halik ni Marc sa kanyang pisngi. Muntik na siyang mapasinghap.
"Hola. Err... sorry kinuhanan kita ng picture ng walang paalam. Nagandahan kasi ako sa panoramic view."
"Ah, kala ko dahil naguwapuhan ka sa akin," tudyo ni Marc.
Muntik nang masamid si Riza sa sinabi ng binata.
"Biro lang. Nabanggit na rin sa akin ng nanay mo na hilig mo ang pagkuha ng pictures. Nanay Hilda is so proud of you." Isinampay nito ang tuwalya sa balikat at sumandal sa railing. "So photography, eh? Puwede bang makita ang mga kuha mo?" Inabot nito ang camera. Dahil hawak pa niya iyon ay pumatong sa kamay niya ang kamay nito.
Napalunok siya sa init ng palad ng binata. Naglakbay iyon sa bawat himayhimay ng kanyang kalamnan na animo ginigising ang kanyang dugo. Idagdag pa ang nakapag-iinit na tingin sa kanya ni Marc. It appears na parang nagpi-flirt sa kanya ang binata.
"Huh? Puwede ko bang makita ang mga kuha mo?" muling tanong ni Marc.
"S-sure." Niluwangan ni Riza ang pagkakahawak sa camera nang sa gayon ay maibigay iyon sa binata. Subalit sa kanyang panggigilalas ay humigpit ang pagkakahawak ni Marc sa kanyang kamay at sa loob ng isang kisap-mata ay nasa likuran na niya ang binata. Nakulong siya sa mga bisig ni Marc.
"Okay, let me see..." halos pabulong na wika nito sa kanyang tainga. Hindi naman lumalapat ang likod ni Riza sa katawan ng binata ngunit tila nararamdaman na niya ang singaw ng katawan nito. Marc was still holding her hand and her camera. Napaka-intimate ng kanilang posisyon. She had butterflies in her stomach. Gusto tuloy niyang pagpawisan nang malapot dahil sa excitement.
Tumikhim si Riza. Nang masigurong hindi na mabibitawan ni Marc ang kanyang camera ay dali-dali siyang kumawala sa pagkakakulong sa mga bisig nito. "A-ah... amoy-JeRi pa ako," hindi tumitingin dito na sabi niya.
Hindi sumagot si Marc. Nang tingnan niya ang binata ay tutok ang atensiyon nito sa pagtingin sa kanyang mga kuha. Hindi mahirap sabihin na naa-appreciate ng binata ang mga larawan. She can't blame him. She knew every shot revealed an artistic eye—her artistic eye.
"My! It looks like you're a professional photographer," humahangang sabi ni Marc, hindi maitago sa mga mata ang eagerness at excitement.
Hindi naman maiwasan ni Riza na pamulahan ng mukha. "Salamat. Pero hindi ako professional photographer. It's just a hobby. Bagaman nagpapasa rin ako ng mga kuha ko sa isang glossy magazine."
"Why not make it a career?" he asked with undeniable excitement. "Halimbawa, mag-held ka ng mga exhibit. Kahit maliliit lang muna, say, sa mga malls muna then—"
"Whoa!" awat niya. "Hindi ko yata kaya 'yon. At saka, hindi naman 'yon ganoon kadali. Sino ang magtitiwala sa isang probinsiyana na walang pangalan sa mundo ng photography?" She laughed nervously.
Isinukbit ni Marc ang camera sa leeg. Kapagkuwa'y hindi niya napaghandaan nang kunin ng binata ang kanyang palad at ipaloob iyon sa mga palad nito. Mabuti na lang at hindi kumawala ang isang singhap sa kanyang lalamunan. Mataman siyang tiningnan ni Marc. "Sa ngayon, wala pa dahil hindi mo ipinapakita sa mundo ang gawa mo. Pursue this career, sweetheart, and I'm telling you, you will gain international respect. You will be Riza Pabelonia. Just trust yourself."
Ninenerbiyos na tumawa si Riza bago pasimpleng binawi ang kamay sa binata. Tila nagwewelga na naman kasi ang kanyang puso. Bakit naman hindi gayong naniniwala si Marc sa kanyang kakayahan. "H-hayaan mo at susubukan ko."
"Not bad. Now, tingnan natin kung may artistic eye din ba ako," he said, grinning. Umatras at inihanda ang camera sa pagkuha.
Ang akala ni Riza ay ang kukuhanan nito ang sunset. Laking gulat niya nang itutok nito sa kanya ang camera. The wind blew. Inilipad niyon ang kanyang buhok patabon sa kanyang mukha. Noon niya narinig ang pag-'click' ng camera.
Naagaw ang kanilang atensiyon ng pagdating ng kanyang nanay. Noon naalala ni Riza ang talagang pakay niya sa binata. Mabuti na nga lang pala at hindi naabutan ng ina ang posisyon nila ni Marc kanina. Tinipon niya ang kanyang buhok at hinawakan na lang iyon para hindi na ilipad ng hangin. "Err, Marc, okay lang ba sa 'yo na ako ang maging tour guide mo?"
"Why, that's perfect!" Marc exclaimed. Kapagkuwa'y bigla na lang dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Smack lang iyon ngunit sapat na iyon para matulala si Riza. Bigla siyang napalingon sa nanay niya. Tila hindi naman nakita ng ina ang nangyari.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...