Part 18

5.5K 152 0
                                        

CHAPTER SIX

RIZA, oh, Riza...

Okupado ang isip ni Marc habang nagmamaneho. Okupado ng babaeng angkas niya. He was so aware of her. Lalo na ang pagkakayakap ng mga braso ng dalaga sa kanyang katawan. Ah, he liked everything about her. Sa simula pa lang ay nakuha na ni Riza ang kanyang atensiyon­—mula sa inosenteng mga mata, sa maliit ngunit matangos na ilong, hanggang sa makipot na mga labi nito. Ah, napakaraming rason kung bakit tila hinihigop ng dalaga ang kanyang presensiya. Riza seemed to be a girl who had no idea how beautiful she was. But dear Lord, there was natural seduction in the way she smiled, the way she laughed, and sometimes, the way she stared. She was graceful, too. Hindi alam ni Riza kung paano niya pinipigilan ang sarili na mag-react sa mga titig nito. He may appear cool on the outside but he was burning inside. May kakaibang katangian ang mga mata ng dalaga na kayang magpataas ng kanyang temperaura.

Damn. He wanted to kiss her and hold her and do more than that. At kapag ganoong gusto ni Marc ang isang babae ay hindi na siya nagpapatumpik-tumpik pa. He knew how to make the move. Hindi naman siya nahihirapang makuha ang babaeng gusto niya dahil siya si Marc Marquez. At maraming pribilehiyo ang nakapaloob sa pangalang iyon. One of them was the overwhelming attention from female fans. Isang pitik lang ng kanyang mga daliri ay makukuha niya ang babaeng gusto.

And Riza was one of the countless fans. Malakas ang atraksiyong nadarama niya para sa dalaga. The feeling was mutual. Alam iyon ni Marc. Iyon nga lang, may pakiramdam siya na gusto niyang ibukod si Riza sa mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay. Isa itong espesyal na babae na nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam, nang nakalilitong damdamin. She was a special girl. Pakiramdam ni Marc ay hindi siya magtatagumpay na pigilan ang malakas na atraksiyong nadarama para sa dalaga. Para bang nararamdaman niya kay Riza ang damdaming naramdaman niya noong una siyang umibig. Mas matindi pa nga roon.


"HMMM... let me guess. Dadalhin mo ako sa isang waterfall?" tanong ni Marc. "Tama ako o tama ako? Ano, tama ako?" makulit nitong sabi.

Natawa si Riza. "Naririnig mo na ang lagaslas ng tubig, eh. Tama ka, isang talon nga ang pupuntahan natin."

Mahigit isang kilometro na ang kanilang nalalakad. Ang akala ni Riza ay maiinip ang binata. Sa gulat niya ay napakasiglang nagkukuwento si Marc at hindi niya mapigalan ang matawa. Napakagaan nitong kasama. Ang motor ay iniwan nila sa bahay ng kapitan ng lugar.

Iyon nga lang, hindi pa rin magawang alisin ni Riza ang kakaibang kaba sa dibdib. Hindi niya magawang maipagsawalang-bahala ang presensiya ng binata.

Magkaagapay silang naglalakad ni Marc at hindi miminsang nagkikiskisan ang kanilang mga braso. Napapaso si Riza sa spark na nililikha niyon. It may sound ridiculous ngunit tuwing madidikit ang balat ni Riza kay Marc, pakiramdam niya ay may kung anong init na nagmumula sa balat ng binata at marahang humahampas sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Oh, dear heaven, but Marc was giving her random thoughts about sex and intimacy.

"Riza, wait..."

Tila tumalon ang kanyang puso mula sa kinalalagyan nang pigilan siya ng binata sa braso. Hindi siya aware na napapabilis na pala ang kanyang paglalakad.

"Oh, sorry. Nagulat yata kita. Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"

"Hindi. Hindi naman."

Mula sa likod ay ibinaba ni Marc ang backpack. Hindi ito pumayag kanina na siya ang magsukbit ng backpack. Ibinigay lang nito sa kanya ang kanyang camera para daw makuhanan niya ang magagandang scenery na madaraanan nila. At hindi iilang beses na tumigil sila sa paglalakad dahil kumukuha siya ng larawan: mapabato, dahon, halaman, insekto, o kahit na ano pa iyon. Marc was patiently waiting for her though. Tila nga naaliw pa ang binata sa kanyang ginagawa.

Maraming pagkakataon din na nagpapa-cute si Marc para kuhanan niya ng litrato. He was simply amazing.

Binuksan ng binata ang backpack at naglabas ng bottled water. Binuksan iyon bago inabot sa kanya. Nagbukas rin ang binata ng isa pa para sa sarili.

Kinuha ni Riza ang bottled water. "Salamat." Uminom siya.

Naglabas din si Marc ng face towel bago tumayo. Sa kanyang pagkagulat ay idinampi nito sa kanyang noo ang face towel.

"Pawisan ka na," hindi tumitingin sa kanya na usal ni Marc. Pinunasan nito ang kanyang noo, pisngi, at leeg. At masyado siyang nagulat para makapag-react man lang. "There," anito nang matapos. His lips curved into the most sensual smile she had ever seen. Kinilabutan siya nang agad na pumasok sa kanyang imahinasyon si Marc, whispering sweet nothings into her ear that made her face flush. Disimuladong napalunok siya at iwinaglit sa isip ang bagay na iyon.

"Err..." Napalunok si Riza. "Salamat p-pero hindi mo naman iyon kailangang gawin." Nag-iwas siya ng paningin. Naiilang sa naging aktuwasyon ni Marc... at kinikilig siya.

"Para makabawi ka, punasan mo rin ako."

Napabaling siya kay Marc. "Ano?"

"O, bakit parang gulat na gulat ka? Nanlalaki ang mga mata mo, o," ani Marc bago humalakhak. And that laugh sent shivers down her spine. Buong-buo ang tinig ng binata. Malamig at baritono. Dahil sa init ay pinagpapawisan na rin ito at lalong nagiging visible ang freckles sa ilong. His big eyes were twinkling. His lips, though, were damp and reddish. Sa totoo lang ay hindi miminsang sinusulyapan ni Riza ang mga labing iyon at iniisip kung ano ba ang pakiramdam nang matagal na mahagkan ni Marc.

"Sige, ikaw rin... ikaw na nga ang binibigyan ko ng pagkakataon na mapunasan ako ng pawis, eh. Hindi mo ba alam na maraming babae ang magsasabunutan, mapunasan lang ako ng pawis?"

She laughed. "Eh, kasi nga, ikaw si Marc Marquez. Ikaw talaga! Oh, well. Sige nga, pahingi ng towel, pa-experience nga na mapunasan ang pawis mo," pakikisakay ni Riza sa biro ng binata.

Kumislap ang mga mata ni Marc. Tinanggal nito ang suot na cap. kapagkuwa'y iniabot sa kanya ang face towel.

"I-Isn't it a little unhygienic?" ani Riza patungkol sa gamit na face towel. "May pawis ko na 'to. Baka may germs na, baka—"

"I don't care," anito. Dahil matangkad ay bahagyang yumuko si Marc bago iniumang sa kanya ang mukha. Sa ginawa ng binata ay nagkalapit ang kanilang mga mukha sa puntong halos magkaamuyan na sila ng hininga.

Napalunok si Riza. Nawala na ang tumatawang mga mata ni Marc. Kumikislap pa rin ang mga iyon subalit iba na ang ipinapakahulugan. Desire was lurking in his eyes as he stared at her lips. Tinitingnan siya ni Marc sa paraang nagsasabi na gusto siyang hagkan. Gusto niyang mag-iwas ng tingin at putulin ang mainit na koneksiyon ng kanilang mga mata ngunit hindi niya magawa. O mas tamang sabihin na hindi niya ginawa.

Lumunok si Riza. Muntik na nga siyang himatayin nang dampian ni Marc kahapon ng halik ang kanyang mga labi, pagkatapos ngayon, animo ay hindi lang smack na halik ang nais nito.

Pinutol ang sandaling iyon ng yabag at tawanan ng papalapit na grupo na marahil ay turista rin at patungo sa talon.

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now