Part 42

4.5K 136 18
                                        

CHAPTER TWELVE

"AFTER not showing at the Sepang Circuit yesterday, Marc made news again today. According to some news, Marc had his nose broken at a bar last night after drinking too much liquor. It looks like the MotoGP defending champion isn't focusing on this year's racing season. Can anyone tell us what is happening to The Smiling Assassin?"

Naalarma si Riza sa nabasang artikulo. Isinantabi na niya ang hiya at sariling alalahanin at inabot ang kanyang cell phone. Tatawagan niya si Marc. She dialed his number. Nagri-ring naman iyon. Lumakad-lakad siya sa loob ng kanyang silid habang hinihintay na sagutin ni Marc ang kanyang tawag. Her heart was pounding hard against her chest.

Pagkatapos ng ilang ring, sa wakas ay tinanggap din ang tawag niya. "¿Aló?"

Hindi napigilan ni Riza ang pagsinghap. She knew the word meant "hello." Pero isang babae na malambing ang dating ng boses ang sumagot.

"Hello?" pag-ulit ng babae.

Lumunok si Riza. Pilit iwinawaksi ang ideyang pumapasok sa isip. "H-hello. W-who's this? Uhm...I mean, can I speak with Marc?"

"Oh. I understand the confusion. Sorry I forgot that this is my fiancé's phone." The lady chuckled.

Binalot ng kakaibang lamig ang kanyang buong katawan. She felt dizzy. Fiancé?

"This is Celine Hampton, Marc's fiancée. Marc is currently in the shower right now so I'm afraid—Oh, wait here he is."

Tuluyan nang napaupo sa gilid ng kama si Riza. She had to sit, otherwise she would fall. Nanginginig na, hindi lang ang kanyang mga tuhod kundi maging ang kanyang buong katawan. Si Celine? At nagsha-shower diumano si Marc. Kung ganoon ay magkasama ang dalawa sa iisang silid? Para siyang tinakasan ng lakas sa nalaman.

"Who's that, Celine?" narinig niyang tanong ng tinig sa background. Kilala niya ang tinig kay Marc iyon.

"I don't know. Number lang ang nasa screen. Here. Gusto ka raw makausap. Mamaya na kita sisitahin kung bakit may babaeng tumatawag sa 'yo," narinig niyang sagot ni Celine.

"Yes, hello?" anang tinig ni Marc. "Hello? Who's this please?"

Lumunok si Riza. She could not find her voice. Umurong yata ang kanyang dila. Iyong pakiramdam na may masamang balita na nakatakdang bumulaga sa kanya and yet she still wanted to know what that bad news was. "M-Marc..."

Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan. "Who's this?" Sa pagkakataong iyon ay iritado na ang tinig ng binata.

Napapikit si Riza. Bakit sabi ni Celine ay number lang ang nag-appear sa screen ng cell phone ni Marc? Ibig sabihin ay hindi na naka-save ang number niya? At bakit hindi siya nabobosesan ni Marc gayong hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nag-usap sila sa telepono? Most of all, bakit magkasama si Marc at si Celine na nagsasabing fiancée ito ng binata? Ano ang nangyari sa mga "I love you" at pangako nito?

"It's me, R-Riza. R-remember me?" nanginginig ang tinig na tugon niya.

Dumaan uli ang ilang sandaling katahimikan. She almost sobbed. Napaka-awkward naman ng sandaling iyon. "Ah. Ikaw pala, Riza," sabi ni Marc sa walang emosyong tinig.

With that tone, pakiramdam ni Riza, nakikipag-usap si Marc sa isang kakilala na hindi nito gustong kausapin. Paano niya magagawang ipagtapat sa binata ang kanyang sinapit kung napaka-hostile ng dating nito sa kanya.

"M-Marc..." tanging nasambit na lang ni Riza. Nag-init ang kanyang mga mata. Before she knew it, tumakas na ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Pinigilan niyang mapasigok. Napakarami niyang tanong na gustong ibato sa binata. "Y-you told me you loved me," aniya sa boses na nagtatanong, nanunumbat, humihingi ng assurance. Tumingala siya, na para bang makakakuha siya ng sagot sa kisame.

"I lied."

Kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ay ang pagkadurog ng puso ni Riza. Para siyang hinagisan ng bomba. She was too shocked to respond. Marc said he lied. 

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now