"YOU'RE like an exotic food I wanted to try. You're completely out of my league but nonetheless you were a good lay. You're so gullible, naïve..."
Lalong nanginig ang buong kalamnan ni Riza sa mga salitang iyon ni Marc. Napasalampak na siya sa sahig. Napakasakit na marinig iyon mula sa lalaking itinitibok ng kanyang puso. Pinasakay lang pala siya ng binata at nilunod sa atensiyon para makuha ang gusto. But he gave her signals that he loved her! Tinitingnan siya ni Marc na animo ay siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Iyon pala ay nais lang siyang tikman. Tikman? What a cheap word. Ang sakit-sakit naman.
Gusto niyang sumbatan si Marc pero wala siyang maapuhap na mga salita. Ang tangi lang niyang nagawa ay umiyak at humagulhol.
The pain was blinding. Hindi maisalarawan ni Riza ang sakit na dumudurog sa kanyang puso. Nasa baba na nga siya ay inaapakan pa siya ni Marc. Tila ba walang pakialam kung paano siya masasaktan sa mga salita nito. Hindi man lang ba nag-iisip ang binata sa mga binibitiwan nitong salita?
"G-gusto mo lang palang makuha ang katawan ko... sana... sana sinabi mo agad. Sana hindi mo na ako pinaasa, Marc," naninikip ang dibdib na hagulhol ni Riza. Halos hindi siya makahinga sa sobrang pagsisikip ng kanyang dibdib. Nag-uunahan pa rin ang kanyang mga luha sa pagtakas mula sa kanyang mga mata. Sobrang sakit.
May parte ni Riza na hindi naniniwala sa mga binibitiwang salita ni Marc dahil naramdaman niya na minahal siya nito. Ipinaramdam sa kanya nito na espesyal siya. She felt it in his touch. She felt it the way he looked at her. Hindi nga ba at tinatawagan pa rin siya ng binata kahit noong umuwi na ito sa Spain. He told her he loved her and he will make everything all right. Nasaan na ang mga pangako nito? Pero baka nga pinaiikot lamang siya ni Marc sa mga palad. Isang probinsiyanang laruan. Ginawa siyang pampalipas-oras ni Marc. At pinaasa siya ng binata. Ganoon naman talaga ang mga nababasa niya, hindi ba? Sana ay naging cautious siya.
"I'm sorry," narinig niyang sabi ni Marc. He was telling her he was sorry pero wala sa paghingi ng paumanhin ang tono ng boses nito. It was as if he was mocking her for being so gullible. Pakiramdam niya ay lalong nagkawasak-wasak ang kanyang puso. "Hindi ako karapat-dapat sa 'yo, Riza... O, baka ikaw ang hindi karapat-dapat sa akin. You think I'd really settle for less? I am Marc Marquez and you are just Riza Pabelonia," malupit pang dagdag ng binata na ikinalaki ng ulo niya. Parang nakikini-kinita niya ang pang-uuyam sa mukha at ang nang-iinsultong tingin ng binata.
Riza laughed hysterically. Tumatawa siya habang patuloy na umiiyak. Pakiramdam niya ay nababaliw na siya. Tuluyan siyang ginising ni Marc sa kanyang pantasya. Tuluyan nitong binuwag ang kastilyong hinabi niya sa alapaap. Isinampal ni Marc sa kanya ang pagiging ambisyosa niya. Para siyang ibon na lumipad nang pagkataas-taas para subuking abutin ang haring-araw. She knew it would be hot but she never knew that it would burn her. Kaya nang mapaso siya ay naging napakasakit ang naging pagbagsak niya sa lupa.
Oo nga naman. How could she forget? Langit nga pala si Marc at lupa siya. At sa pagitan ng langit at lupa naroon ang hindi masukat na distansiya. Kaya lang kasi pinaasa siya nito. Sinabihan siya ni Marc na mahal siya nito! Na babalikan siya ng binata! She trusted him. Buong-buo ang tiwala niya kay Marc kaya siguro madali nitong nabilog ang kanyang ulo.
Ironic. Maybe she was gullible, isang probinsiyana na walang alam sa mundo kaya madaling naloko.
Naghabol ng hininga si Riza. Sa sobrang sakit ng kanyang dibdib ay patuloy siyang pinangangapusan ng hininga. Before she knew it, she was punching her own chest with her fist. Mas gusto niyang maramdaman ang pisikal na sakit dahil hindi niya kinakaya ang emosyonal na sakit.
"M-maging masaya ka sana sa buhay mo! Ipagdasal mo, Marc, na huwag dumating ang babaeng magdudulot sa 'yo ng sakit na ipinaparanas mo sa akin ngayon. Dahil sinasabi ko sa 'yo... napakasakit! Sumpain ka sana!" malakas na wika ni Riza bago buong lakas na ibinalibag ang cell phone.
Sinabunutan ni Riza ang sarili bago humagulhol nang humagulhol. Nang hindi makayanan ang sakit na pumupuno sa kanyang dibdib ay isinigaw niya iyon. Hindi niya nilimitahan ang lakas ng kanyang sigaw. Wala siyang pakialam kahit makabulahaw na siya at makatawag ng atensiyon sa paghi-hysteria niya. She needed to release the pain or else she will lose it. Ang lalaking inaasahan niya na uunawa at aakay sa kanya para malagpasan ang isang pangit na kabanata ng buhay niya ay siya palang maglulugmok lalo sa kanyang pagkatao.
"Riza..."
Paglingon niya ay nakita niya ang ina sa pinto. Ni hindi niya namalayan ang pagbukas niyon. Luhaan ang buong mukha nito na animo ay nararamdam ng ina ang kirot at sakit na dinaranas niya ngayon.
"Riza, anak ko!" Dinaluhan siya nito. Lumuhod ito at niyakap siya ng mahigpit.
Yumakap nang mahigpit si Riza sa ina. Ito na lang ang kakampi niya. Ang tunay na nagmamahal sa kanya. "Inay..." hagulhol niya. "Inay ko!"
Riza thought being raped was the biggest blow in her life. Hindi pala. Dahil mas masakit pala ang mga salitang narinig niya kanina mula kay Marc. Kung sana ay kayang hugasan ng kanyang mga luha ang sakit ng kanyang puso. Kung sana ay kaya niyang ibalik ang kahapon, pipigilan niya ang kanyang puso na tuluyang mahulog sa isang Marc Marquez.
Pero mapipigilan nga ba ang puso? And there was absolutely no way she can turn back time and change everything. Nakalipas na iyon. Bahagi na ng kahapon. Ang kasalukuyan niya ngayon ay puno pa ng pighati at pagsisisi. But she had the future. At sa hinaharap, gagawin niyang tama ang bawat maling desisyong nagawa.

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...