EPILOGUE
TUMINGALA si Riza sa kalangitan. The sky was clear and it looked peaceful. Napakaganda ng panahon nang hapong iyon. Perpekto ang maaliwalas na langit para sa sandaling iyon.
"Marc! Marc! Marc!"
"Oh, God, Marc!"
"Mi amor, you're back!"
Iilan lang iyon sa mga hiyawan at sigawan na pumupuno sa paligid nang lumabas na sina Marc at ang iba pang riders sa likod ng entablado at puntahan ang kanya-kanyang motorsiklo. Nakasuot si Marc ng racing suit, ang helmet ay kilik nito sa tagiliran. Nakapaskil sa mga labi ni Marc ang pamosong ngiting iyon habang kumakaway sa mga fans.
The Smiling Assassin is back, she thought.
"They're cheering for Papa, Mama," bulong sa kanya ni Victoria.
"Oo, anak. Na-miss kasi nila si Papa sa racetrack." Inilibot ni Riza ang paningin sa mga taong dumagsa sa Alabang Circuit para lang mapanood ang pagbabalik ni Marc Marquez sa racetrack. Hindi pa rin pala nakakalimutan ng mga tagahanga nito si Marc.
Ang exhibition na iyon ay para sa MotoGP champion at riders nang nakaraang season. It was actually Alex Marquez—Marc's brother—who won. Marc was able to pull some strings. Nakiusap si Marc kung puwedeng sumali sa exhibition kahit pa ito ang last seed o nasa pang huling posisyon. Hindi alam ni Riza kung ano ang naging negosasyon pero sa huli ay pinayagan si Marc na lumahok. Of course, nag-practice muna si Marc bago sumabak sa exhibition. At hindi naman talaga ito babalik sa pagiging racer. Gusto lang nitong patunayan na talagang wala na ang multo ng kahapon sa sistema nito. Isa pa, na-disappoint diumano ng binata ang mga fans noong mag-crash ito sa exhibition kaya kailangan diumano nitong bumawi.
Tumunog ang hudyat nang pagsisimula ng karera. Umarangkada ang mga motorsiklo. Marc was in the last spot kaya dehado ang binata sa laban. But one by one ay ino-overtake-an nito ang mga kalaban. He was still aggressive. He still had the spirit in him. Sigurado siya na gagawa na naman ng ingay ang pangalan ni Marc. The crowd was more than pleased. Everybody was screaming in appreciation. Maging sina Lee at Roman ay nasa VIP audience din tulad nila ni Kaycee. Si Riza man ay feeling fan pa rin ni Marc. Bagaman kinakabahan rin naman siya.
It had been three months mula ng mangyari ang engkuwentro sa ospital. Celine did not die. Na-revive ito ng mga doktor. Iyon nga lang, Celine was now in a coma. Kung kailan gigising ang babae ay hindi nila alam. But there was this particular man na hindi umaalis sa tabi ni Celine. Hindi mahirap sabihin na may damdamin ang lalaki sa babae.
Sila ni Marc ay lalong nagmahalan. In fact, nagsasama na sila sa iisang bubong. Iyon nga lang, hindi pa nagbabanggit ng kasal ang binata.
Halos nakatayo na silang lahat nang matapos ang exhibiton. Paano'y nagawa ni Marc na makatapos sa pangatlong posisyon. That was very impressive sa tulad nitong matagal na nawala sa racetrack. Umingay ang palakpakan sa buong circuit.
Napangiti si Riza at hindi maiwasang maiyak para sa lalaking kanyang mahal. Natupad din ang isa pang pangarap ni Marc na makasama sa iisang podium ang kapatid na si Alex. Everybody was happy and cheering. Nang biglang lumipad ang animo mga fighter jet sa kalangitan.
"What's happening, Mama?"
"I don't know, anak..." namamanghang sagot ni Riza.
"May giyera ba?" komento naman ni Kaycee.
Ang lahat ng tao ay nakatingala na. Everybody was amazed nang mayamaya ay mahulog ang animo napakaraming confetti at lobo mula sa isang helicopter.
Ah, baka bahagi ng exhibition, naisip ni Riza. Hanggang sa walang ano-ano ay lumabas ang mga usok mula sa mga jet at bumubuo ng mga letra.
"Sky writing!" bulalas ni Riza. Napakapit siya sa kaibigan. "Oh, my God, Kaycee. This is exciting."
Unti-unting nabubuo ang mga letrang ginagawa ng mga jet: M-A-R-R-Y M-E
"May nagpo-propose!" Kaycee exclaimed.
Hindi alam ni Riza kung bakit biglang kumabog ang kanyang dibdib. Nakatingala pa rin siya sa langit kahit nangangawit na ang kanyang batok at kahit may confetti na bumagsak sa kanyang mukha.
"MARRY ME R-I..." Lalong bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi na siya magpapakaipokrita. Humihiling si Riza na sana ay pangalan niya ang bubuin ng mga usok. And as if to grant her wish, the letters Z and A were finally formed.
MARRY ME RIZA
Oh God! Nakatingala pa rin si Riza nang kalabitin siya ni Victoria. Her child was giggling. Nang magbaba siya ng tingin ay si Marc ang kanyang nabungaran sa kanyang harap. He was still in his racing suit and he got down on bended knee at nakaumang sa kanya ang isang singsing. Natutop ni Riza ang kanyang bibig sa sobrang saya. She cried.
"Will you marry me, mi amor?"
"Yes! Oh, God, yes!" umiiyak niyang tugon. Marc slid the ring on to her finger. Kapagkuwa'y tumayo ang binata. They kissed. Wala na silang pakialam sa mga taong naghihiyawan. Mahigpit nilang niyakap ang isa't isa. "Let's get out of here, Marc. May sasabihin ako sa 'yo."
me."

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...