Part 65

5.6K 152 0
                                        


"MANANG, pakisamahan po muna si Torie sa silid niya," ani Riza sa yaya ni Victoria nang makarating na sila ng bahay. Agad namang sumunod ito.

Pinaupo niya si Marc sa sala. Bumuntong-hininga lang ang binata nang hindi siya tumabi rito. "Coffee?" alok niya.

"No, thanks. I can't relax kapag ganyan ang mood mo. You seem so serious. Ano'ng problema, Riza?"

"Tingnan mo ang cell phone mo," aniya.

Naguguluhan man ay kinuha ni Marc ang telepono at sinulyapan iyon.

"T-tumatawag kanina si C-Celine," sabi niya. Hindi niya alam kung ano ang naging reaksiyon ng binata dahil iniiwasan niya itong tingnan. "S-six years ago, she claimed she was your fiancée. S-sino ba talaga siya sa buhay mo?"

Nang hindi agad makasagot si Marc ay sinulyapan na ito ni Riza. He was lightly rattled. At hindi niya nagustuhan ang ganoong reaksiyon ng binata. "Aayusin ko ang lahat, Riza."

Hindi iyon ang inaasahan niya na isasagot ni Marc. He wanted him to tell her that Celine was nobody. "What the hell do you mean, Marc?" mahina ngunit maigting niyang sabi.

"Riza—"

"Was Celine your fiancée then? Kung oo, kailan mo siya naging fiancée? Before or after you met me? Sabihin mo sa akin kung ano ang totoo, Marc. You owe me the truth."

"Yes. F-fiancée ko si Celine b-bago pa man ako umuwi noon sa Pilipinas."

Ouch. That hurt. Nag-iwas na naman ng tingin si Riza. Nag-iinit ang kanyang mga mata sa sakit na nararamdaman.

Tumayo si Marc at lumapit sa kanyang tabi. Sinubukan ng binatang hawakan ang kanyang kamay pero iwinasiwas iyon ni Riza. Nagpalakad-lakad siya para kalmahin ang sarili.

"Riza, listen to me. Arranged marriage ang nangyari sa pagitan namin ni Celine. No'ng bumalik na ako sa Spain, plano kong ayusin ang lahat noon. Tatanggi ako sa kasunduan dahil ikaw ang mahal ko."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon? You cheated on Celine. Niloko mo rin ako. Hindi ako makapaniwalang nagawa mo iyon, Marc. Pareho mo kaming sinasaktan."

"No. It's not like that, Riza. Hindi ganoon iyon. Ipinagkasundo man kami ng mga magulang namin, wala namang namamagitan sa amin. In fact, sa pag-uwi ko pa lang magiging pormal ang usapan."

"Kahit na. You should have told me. What about now? Nagkalabuan tayo so I bet natuloy rin ang kasunduan? Tell me Marc, are you sleeping with her?"

Nag-alangan sa pagsagot si Marc at para sa kanya ay kumpirmasyon na rin iyon sa tanong niya. "M-may isang pagkakataon na nagsiping kami. Lasing ako and—"

"Shit!" Hindi napigilan ni Riza ang sarili sa pagmumura. Pakiramdam niya ay may kamay na bakal na pumipisil sa kanyang puso. Tumalikod siya para itago ang pagpatak ng kanyang mga luha. Mabilis niya iyong pinahid. Bakit ba pagdating kay Marc ay napakababaw ng kanyang mga luha?

Napapitlag si Riza nang hawakan siya ni Marc. Lumayo siya. Selos na selos siya kay Celine. Bukod doon ay hindi rin niya mapigilang isipin kung ano ang nararamdaman ni Marc.

Bumalik siya sa sofa, umupo, at isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad.

"Riza, I love you. Ikaw lang ang laman ng puso ko. Si Celine, 'yong nangyari sa amin. Aksidente lang 'yon. We're just good friends now, believe me. It's not as complicated as it seems," frustrated na wika ni Marc, marahil ay dahil sa pag-iwas niya.

Bumuga ng hangin si Riza bago tiningala ang binata. "Good friends? O baka ikaw lang ang nag-iisip ng ganoon. Si Celine, for all we know baka umaasa siya na isang araw ay tutuparin mo ang kasunduan at pakakasalan mo siya. My God, Marc, how could you do this?" She harshly wiped her tears away. Bumakas naman ang pagkalito sa mukha ni Marc. Marahil ay iniisip nito na may punto siya.

Niyakap siya ng binata. Umiiwas pa si Riza noong una, ngunit determinado si Marc na maikulong siya sa mga bisig nito. "Aayusin ko ang lahat, believe me. Kakausapin ko si Celine. I'll tell her the truth about us. Wala kaming relasyon, Riza, believe me. Paano ako makikipagrelasyon sa iba kung ikaw ang laging hinahanap-hanap ko? I love you," masuyong sabi ni Marc habang hinahaplos ang kanyang likod. "Please don't be upset."

"Ewan ko, Marc. Ewan ko," kagat ang labing tugon ni Riza. Paano kung hindi maayos ni Marc ang lahat? Paano na siya?

Muling tumunog ang cell phone ni Marc.

Humiwalay siya sa binata. "Baka si Celine iyan. Sagutin mo," utos niya. Hindi niya alam kung paano sila liligaya na walang masasaktan.

"It's not her," sabi ni Marc. At sinagot din ang telepono. "Hello? Yes, this is Marc speaking...What?" Kinabahan si Riza sa pagkagulat na rumehistro sa mukha ni Marc. "Saang ospital? Okay, okay. I'll be there."

"What happened?" agad niyang tanong.

"Celine's in the hospital. Car crash." Hindi maipagkakaila ang pag-aalala sa mukha ni Marc at nakakadama siya ng selos dahil doon.

Ano ka ba naman, Riza? Alangan namang hindi mag-alala si Marc, eh, naaksidente na nga 'yong tao, kastigo ni Riza sa sarili. "H-ha? S-sige na, puntahan mo na siya."

"Come with me."

"Ha?"

Hinawakan ni Marc ang kanyang kamay. Eksakto namang pababa ng hagdan ang yaya ni Torie. Ipinagbilin ni Marc ang kanyang anak. At hindi na siya nakahuma nang isama nga siya nito.


My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now