CHAPTER TWENTY
"TORIE, anak, eat your veggies," masuyong sabi ni Marc kay Victoria. Natapos na ang apat na maliligayang araw nila sa Peace Island. They were back in Manila. Ipinasya nilang dumaan sa isang restaurant para kumain ng hapunan nang sa gayon ay tuloy-tuloy na ang pamamahinga nila.
The four days at Peace Island were days well spent. Tuluyan nang nakuha ni Marc ang puso ni Riza. Hindi lang sila ni Marc ang lalong nagkalapit dahil maging sina Marc at Victoria ay close na close na rin. Para bang tunay na mag-ama na ang dalawa. Tuwang-tuwa naman ang mag-asawang Aragon sa nangyari.
Namasyal sila nina Marc at Victoria, kumain, at sinubukan ang lahat ng activities sa resort. Pareho na nga silang nangitim sa ilalim ng araw. And of course, sa bawat libreng pagkakataon ay nagiging mas pisikal ang ugnayan nila ni Marc. They made love countless times. Marc was a great lover. Kayang-kayang gisingin ng binata ang dugo niya sa isang haplos lang. At hindi na magugulat si Riza kung sa pagkaraan ng siyam na buwan ay isilang niya ang kapatid ni Victoria. Paano ay intensiyon ni Marc na hindi gumamit ng proteksiyon. Ang sabi ni Marc ay gusto nitong makabuo na agad sila. And yet, he still had not talking about marriage.
"I don't like veggies, Papa," sagot ni Victoria. Tinaasan ni Riza ng kilay si Marc. She was challenging him kung mapapakain nito ng gulay si Victoria. Sa isla kasi ay pulos seafoods ang gusto ng anak niya.
Halos magkatabi sila ni Marc. Under the table, they held each other's hands and playing with it, erotically.
"If you want to be as beautiful as your mama then you should eat your vegetables." Kinindatan siya ni Marc. Kinilig naman si Riza.
"Really, Papa?"
"Yup."
Kumagat nang maliit si Victoria sa isang gayat ng carrot. Nagustuhan marahil ng bata ang lasa kaya isinubo na rin iyon. Marc squeezed her hand and they exchanged heated glances.
Mayamaya pa ay natapos na silang kumain. Marc settled the bill. Kapagkuwa'y nagpaalam ito na sasaglit muna sa men's room. Pagkatapos niyon ay uuwi na sila. Napagkasunduan nila na ihahatid lang sila ni Marc sa bahay niya. Uuwi si Marc sa sariling bahay at kinabukasan na ito babalik.
"Mama," sabi ni Victoria saka itinuro sa kanya ang cell phone ni Marc na nasa ibabaw ng mesa. It was blinking. Kinuha iyon ni Riza at tinunghayan. Muntik na niyang mabitawan ang telepono nang mabasa ang pangalang nakarehistro roon.
Celine...
Nanginig ang kalamnan ni Riza. Muli niyang inilapag ang cell phone sa mesa. How could she forget about Celine? Six years ago, Celine was Marc's fiancé. Hindi totoo ang mga pinagsasasabi ni Marc nang saktan siya nito. She wonder, hindi rin kaya totoong nobya ng binata si Celine? Marc was not wearing any ring. Maaaring hindi pa ito kasal, pero sino si Celine sa buhay ni Marc? God. Nababahiran ng pagdududa ang puso at isip niya.
Mayamaya pa ay bumalik na si Marc. "Are you ready to go home, my two beautiful women?" Dinampot ng binata ang telepono at isinilid iyon sa bulsa nang hindi tinitingnan.
Hindi magawang tingnan ni Riza ang binata. "Let's go, Torie." Hinawakan niya ang kamay ni Victoria at inakay palabas ng restaurant.
Nagtataka naman ay sumunod sa kanila si Marc.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito nang nasa sasakay na sila.
Umiling si Riza bago itinuon ang paningin sa labas ng bintana. Kapagkuwa'y bumuntong-hininga. Kung mayroon man siyang natutuhan sa nangyari sa kanila ni Marc noon, iyon ay ang pagharap sa katotohanan. "Mag-usap tayo mamaya sa bahay."
pt;,^Cp

YOU ARE READING
My Smiling Assassin (Completed)
FanfictionA Marc Marquez Fanfiction Precious Hearts Romances Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong baba...