Part 48

4.8K 138 0
                                        


CHAPTER FOURTEEN

"GOOD morning, Doktora Hampton."

Nginitian ni Celine ang sekretarya ni Marc. "Good morning. Is Marc in?"

"Ah, yes, Ma'am."

"Busy? May ka-meeting?" Umiling ang sekretarya. "Okay, thanks. Papasok na ako, ha?"

Hindi siya pinigilan ng sekretarya. Paano ay pamilyar na tanawin na siya sa opisina ni Marc. Sanay na ang sekretarya na basta-basta na lang siyang sumusulpot at pumapasok sa opisina ng binata kapag wala itong ka-meeting.

Dahan-dahang binuksan ni Celine ang pinto. Marc was there. Wala itong binabasang papeles o ano. Sa halip ay nakatayo ang binata sa salaming bintana habang nakapamulsa ang magkabilang kamay. She knew there was nothing to look at down there except the busy street of Ortigas. Sa pagtaas-baba ng magkabilang balikat ni Marc ay masasabi niyang malalim ang iniisip nito. Ni hindi nga nito namalayan ang kanyang presensiya.

Naupo si Celine sa visitor's chair. Mataman pa rin niyang pinagmasdan si Marc. Mukhang malayo talaga ang nilalakbay ng isip nito. He was sighing audibly. May dalawang minuto yata ang hinintay niya bago ito bumaling sa kanya. Muntik na siyang matawa nang hindi maitago ang pagkagulat sa guwapong mukha nito nang makita siya. Agad din namang nakabawi ang binata at pinapormal ang mukha.

He acknowledged her presence by nodding slightly. Ni hindi ito ngumiti. "Celine." Dinampian ni Marc ng halik ang kanyang pisngi bago inokupa ang swivel chair. "What's up?" tanong ng binata bago kinuha ang isang folder. Binuksan iyon at itinutok roon ang atensiyon.

Sa nakitang estado ni Celine sa binata kanina, duda siya kung nasa trabaho na nga ba ang isip nito. "Are you okay?" hindi niya napigilang itanong.

"Why shouldn't be?" hindi tumitingin sa kanyang sagot nito sa animo supladong tinig. "May kailangan ka ba?" he asked nonchalantly as if he wanted to dismiss her as soon as possible.

"Wala naman. I just dropped by to say hi." She did not just drop by to say hi. Sinadya niyang pumunta roon para tingnan kung ayos lang ba ang binata. Dahil simula nang araw na iyon, anim na taon na ang nakararaan, naging kargo de konsiyensiya na niya si Marc.

Six years ago, nakipagsabwatan si Celine sa kanyang ama sa isang palabas para lang makasigurong matutuloy ang kasal nila ni Marc. Alam niya kung ano ang kahinaan ni Marc; ang puso. he had been betrayed and badly hurt once. Kaya magiging madali ang pagwasak muli sa puso nito.

Oh, they had succeeded in getting rid of that girl. Ang hindi lang niya napaghandaan ay ang pagbabago ni Marc. Marc's infectious smile that captured every girl's heart vanished. Nawala ang palangiting Marc at pinalitan iyon ng seryosong Marc. Ipinagpatuloy ng binata ang sumunod na MotoGP season nang taong iyon. He became more aggressive on the racetrack. Mula sa pagiging "Smiling Assassin," tinagurian itong "Daredevil" dahil lalo itong naging agresibo sa racetrack. Naidepensa ni Marc ang championship nito. Ilang araw pagkatapos niyon ay inianunsiyo ng binata na magreretiro na ito. Hindi na nga pumirma ng kontrata sa team nito si Marc kahit nakakalula ang offer na talent fee. Ang pag-aasikaso sa negosyo ang ibinigay nitong dahilan.

There had been so many rumors, so many theories that tried to explain what had happened to the Smiling Assassin. Marami ang nahihiwagaan at nagtatanong kung saan na napunta ang ngiti ng binata. Marc was predicted to be the greatest rider of all time pero binitiwan nito ang karerang iyon, leaving the fans disappointed and brokenhearted.

Naitakda ang kanilang kasal. But a sudden turn of events changed everything. Namatay ang daddy ni Celine. Hindi niya alam ang kanyang gagawin noon. She turned to Marc. Hanggang sa mamalayan na lang niya na idinadaing niya sa binata ang tungkol sa negosyong nanganganib na bumagsak. Marc helped her.

Hanggang dumating sa punto na hindi na nila napag-uusapan ni Marc ang tungkol sa kasal. Hind na rin naman na iyon iginiit ni Celine. They'd been good friends since then. Dalawang taon na ang nakararaan nang ipasya ni Marc na bumalik sa Pilipinas at magtayo ng sariling negosyo. Habang siya ay nagtrabaho bilang neurosurgeon sa The Medical City. Lalo silang naging malapit sa isa't isa.

Hindi na bumalik pa ang masayahing Marc. Naging madamot na ang binata sa ngiti. Lalong hindi na niya narinig ang halakhak nito. Celine felt responsible for that. Ang totoo ay hindi iilang beses na binalak niyang ipagtapat sa binata ang tungkol sa "kataksilan" diumano ni Riza. Subalit tuwina ay pinangungunahan siya ng takot. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Marc. He was now cold and arrogant. Isa pa, the damage had been done. Wala na siyang magagawa para ibalik ang kahapon at baguhin ang mga pangyayari. It was all water under the bridge. Iyon nga lang, hindi niya magawang—

"Celine?" Ang tinig na iyon ni Marc ang pumutol sa paglalakbay ng kanyang diwa.

"Oh, sorry. May iniisip lang ako. You were saying?"

"Natutulog ka pa ba? Nangingitim ang paligid ng mga mata mo. Malalaki ang eye bags mo."

Nag-iwas ng paningin si Celine. Natutulog naman siya. Iyon nga lang, at the middle of the night ay ginigising siya ng kanyang konsiyensiya. Palagi niyang napapanaginipan si Riza at ang ginawa nila noon sa dalaga. Katulad na lang kanina.

Ah, tadhana na ang naniningil para kay Riza. Dahil nang mamatay ang kanyang ama ni Celine sa isang plane accident, kasama nito ang taong kasabwat din nila. They died on the spot. At alam niyang siya na ang susunod. Hayun nga at hindi siya tinatantanan ng kanyang konsiyensiya. Kaya minsan, ayaw na niyang matulog. And she always turned to alcohol.

"M-Marc..."

"Yes?"

Bigla siyang naumid. Nangibabaw na naman ang takot. "W-wala, wala." Ah, kung kaya lang niyang ibalik ang nakalipas. Sana hindi na lang siya nagpadikta sa daddy niya.

an para5

My Smiling Assassin (Completed)Where stories live. Discover now