CHAPTER 76:

5.6K 97 3
                                    

KAREN'S POV

Nasa kalagitnaan kami ng meeting kasama ang mga board member ng biglang tumawag si Manang Rosie.

Ano kayang itinawag ni Manang Rosie? Bihira lang siyang tumawag sa akin unless importante.

"Excuse me ladies and gentlemen, I will answer this call." Paalam ko sa mga board members kasama na ron si Miko. Lumabas na ako at sinagot ang tawag ni Manang Rosie.

"Manang Rosie, Bakit po kayo napatawag?"

(Ija, dinala namin si Eris sa hospital dahil sobrang taas ng lagnat niya. Ayun sa doctor isa ito sa mga senyales ng dengue.)

"Ano po? Sige po. Papunta na ako diyan." Taranta kong sabi. Kailangan kong makapunta agad sa hospital kailangan ako ng anak ko dun.

"Anong nangyari?" tanong ni Miko sa akin. Na hindi ko napansin na nasa likod ko lang.

"Si-- si Eris nasa hospital may dengue." Umiiyak kong sabi. Niyakap naman niya ako.

"Wag ka ng umiyak. Tara sasamahan kita sa hospital."

Nagpunta agad kami sa hospital at dumiretso sa ER. Nandito na rin si Charles at si Kuya Harold.

Pagkatapos ng isang oras lumabas na rin yung doctor mula sa Er.

"Sino ang mga magulang ng bata?" Lumapit ako sa doctor.

"Ako po." sabi ko.

"Kailangan nating masalinan agad ng dugo ang bata. Sino ang type sa inyo?" sabi nong doctor. Type A ako, Type B naman si Charles.

"Ako. Type O ako." Sabi ni Miko.

"Sumunod ka sa akin." sabi ng doctor. Hinawakan muna ni Miko ang balikat ko at binigyan ako ng magiging-maayos-din-si-Eris look tapos sumunod na siya sa doctor.

---

Pinagmasdan ko lang si Eris habang sinasalinan siya ng dugo. Maging matatag ka anak. Matapos salinan ng dugo si Eris inilipat na siya sa ibang kwarto. Nang masiguro kong nakatulog na nang maayos si Eris pinuntahan ko naman si Miko sa kabilang kwarto para pasalamatan.

Nakaupo si Miko sa kama niya ng pumasok ako sa kwarto. Nandito pala sina ate Jean at Kuya Harold. Lumapit ako sa kanya para pasalamatan siya.

"Salamat sa pagligtas sa anak ko." sabi ko. Hindi siya umimik. Blanko lang ang expression ng mukha niya nakatingin lang siya ng diretso.

Lalabas na sana ako ng bigla siyang magsalita.

---

MIKO'S POV

Bakit hindi match yung dugo nila Charles at Eris?

Di ba si Charles ang ama nila ni Eris at Eros?

*

O posible kaya, AKO ang---

*

*

(iling.. iling..)

Posible nga, na ako nga ang ama nila. May nangyari sa amin ni Karen bago kami nagkahiwalay nun. Tatanungin ko si ate baka may alam siya rito.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Karen. Tiningnan ko lang siya na papalapit sa akin. Kailangan ko siyang kumpruntahin, baka tama tong hinala ko.

"Salamat sa pagligtas mo sa anak ko." Anak niya lang talaga? Hindi ako umimik. Nag-iipon ako ng lakas para tanungin siya.

Lalabas na sana siya pinto na bigla akong nagsalita.

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Where stories live. Discover now