JEAN MARIE'S POV
Tatlong buwan na ang nakaraan na muling nanligaw sa akin si Harold at sinagot ko na siya nong isang araw.
Mabilis ba?
Eh sa mahal ko talaga yung lalaking yun.
Nalaman ko na hindi na pala niya pinagpatuloy ang pagiging engineer niya at nagtake ng Business Management dun sa London at ngayon siya ang may-ari ng isang pinakasikat na clothing line dun sa London pati sa buong Asia kasama na ang pilipinas at ang favorite clothing line ko rin ang CKH Clothing Line.
Ang yaman na pala nitong lalaking to. Ang swerte ko sa boyfriend ko Mayaman, Mabait at siyempre GWAPO.
"Ate natutunaw na si kuya Harold." sabi ng magaling kong kapatid. Sino pa nga ba?! Namula naman si ako. Kakainis talaga tong kapatid ko porque wala dito si Trish ako naman ang iniinis.
"Okey lang yun Mikz. Basta ate mo lang ang makakatunaw sa akin." at sinakyan pa talaga nitong cupcake ko. YEAH! CUPCAKE!
"Pagtutulungan niyo na naman ako." sabi ko sabay pout.
"Wag kang maggaganyan cupcake baka hindi ko mapigilan mahalikan kita diyan." sabi ni Harold na agad naman akong napaayos ng upo.
"HAHAHA. Tingnan mo kuya namumula na si Ate." at tinuro pa ang mukha ko. Walang hiya tong kapatid ko. Yumuko na lang ako. Nakakahiya nilaglag ba ako ng sarili kong kapatid sa boyfriend ko.
"Good Morning Lady and Gentlemen!" bati ni mommy kasama si daddy sa amin. Di ba umagang-umaga nandito na tong boyfriend ko.
Naupo kaming lahat ngayon sa sala. Nagkwentuhan sina daddy at Harold sa negosyo, si mommy naman naghahanda ng meryienda. Oh di ba katatapus lang nilang magalmusal meryienda na agad. Si Miko naman ayun kausap na naman yung fiancee niya sa phone.
"Oo nga pala, Harold kailan ba kayo magpapakasal ni Jean?" Bigla akong nasamid sa iniinom kong juice sa tanong ni Daddy kay Harold.
HAROLD'S POV
Inaasahan ko na tatanungin ako ni Tito Miguel tungkol sa kasal pero si Jean halatang hindi niya inaasahan. Nasamid kasi siya sa juice na iniinom niya. Ang cute lang niyang tingnan. hehehe.
"Daddy naman!" sabi niya ng mahimasmasan.
"Bakit naman anak? Ang tanda mo na hindi ka pa kinakasal eh si Miko ikakasal na ulit." sabi ni Tita Lira sabay upo sa tabi ni Tito Miguel.
"Narinig ko yung pangalan ko. Bakit?" sabi ni Miko na kakapasok pa lang.
"Wala ka ng pakialam don." sabi ni Jean.
"Tsk! Kanina ka pa masungit ah. Bakit nagmemenopause ka na?" biro ni Miko. Bigla nalang binato ng unan ni Jean si Miko, sapul sa mukha.
"HAHAHAHAHA... HAHAHA..." kami lahat maliban kay Miko.
"Seryoso, Kailan ba kayo magpapakasal?" Tito Miguel.
"Dad--" Pinutol ko ang sasabihin sana ni Jean.
"Gusto ko po sana sa susunod na taon bago po malipat ang Main Branch namin dito sa Pilipinas." seryoso kung sagot. Nakatingin lang sa akin si Jean.
"Mabuti naman kung ganun. Mauunahan niyo tong si Miko na gumawa ng baby. HAHAHA" sabi ni Tito Miguel.
"DADDY!" reklamo ni Jean.
"Ano ka ba anak tumatanda na kami ng mommy niyo wala pa rin kaming apo. Kung hindi lang sana nagkahiwalay sina Miko at--" Bigla nalang tumayo si Miko at umalis.
"Daddy, hindi mo na dapat inungkat ang nakaraan." sabi ni Jean.
"Sorry!" sabi ni Tito Miguel sabay peace sign. Ang cool talaga nitong si Tito Miguel.
"Nga pala ijo asan ang mga magulang mo ngayon? Nandito ba sila sa Pilipinas?" -Tita Lira.
"Wala po. Nandun po sila sa London pero uuwi po sila dito sa susunod na buwan." sagot ko.
"Kailan nga pala ang balik mo sa London? Siyempre, hindi mo naman iasa palagi sa mga kasosyo mo ang negosyo niyo. di ba?" -Tito Miguel
"Sa susunod na linggo na po." Napatingin ako kay Jean halatang malulungkot siya. Tumango naman si Tito.
"Tito, pwede ko bang isama si Jean? Gusto po kasi siyang makita nina mama at papa."
"Oo naman ijo. Walang problema sa amin yan." Tito Miguel.
"Talaga daddy?! Thank you!" sabi ni Jean sabay yakap sa daddy niya. Para talaga siyag bata hanggang ngayon but I love her so much.
-----
Pagkatapos naming magusap nina Tito at Tita pumunta kami ng mall. Siyempre para bisitahin ang shop ng CKH Clothing Line. Kasama ko pa rin ang nag-iisang babaeng minahal ko.
"Cupcake, hindi ko na tanong sayo, Bakit CKH ang pangalan ng company mo?" Taka niyang tanong sa akin.
"CKH first letter ng mga pangalan namin ng mga kasosyo ko. C means Charles, K means Key and Harold which is my name. Si Key nga pala ang gumagawa ng design ng CKH." sagot ko.
"Talaga?! Gusto ko siyang makilala. pwede ba?"
"Oo naman. Mabait yun si Key para na siyang nakakabata kong kapatid." proud kong sabi. Totoo naman mabait talaga si Key.
"Excited na akong mameet siya."
"Soon... Cupcake!"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Keep on reading! ^_^
Thank you!
-deekee

YOU ARE READING
MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)
RomanceWhat will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is your marrying your worst enemy. Will they fall in love for each other or will stay enemy forever? ...