CHAPTER 40:

4.9K 96 4
                                        

MIKO'S POV

Balik na naman sa dati ang lahat... Sobrang busy namin ngayon dahil sa nalalapit na final exam. Isang buwan na lang at gagraduate na kami. Advance din kasi tong University namin February palang finals na. Hindi kayo naniniwala? Itanong niyo diyan sa magaling kong kapatid ba't ganun.

*

*

Nandito pa la ako ngayon sa bar. Hindi kami nag-away ni Karen ah mga utak niyo. Nandito lang ako para makapag-unwind katatapos lang kasi ng exam namin kanina tsaka kasama ko naman si Levi. Actually, alam nina Karen at Jenny na nandito kami noh!

Busy pa rin kasi hanggang ngayon yung dalawang yun. Si Jenny sa Cheering Squad may laban kasi sila sa susunod na linggo. Si Bee naman ayun busy sa pag-aayos ng mga files ng mga estudyanting gagraduate ngayon nagtatrabaho pa kasi siya dun sa university kahit asawa ko na siya. Ang sipag naman kasi ng napangasawa ko. Hindi naman siya nagkulang ng oras para sa akin eh. Kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

"Oy pre!" sabi nong isang lalaki. Mukhang pamilyar.

"Oy pre!'' sagot naman nitong katabi ko si Levi.

"Kumusta?" sabi nong lalaki. Medyo naalala ko na ang lalaking to ah.

"Jefferson?" ako.

"Oo pre. Kumusta ang tagal na natin hindi nagkita." Kaklase namin siya ni Levi nong highschool pa kami sa S-High.

"Oo nga pre. Madalas ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Ay hindi. May sinundan lang ako pero nawala naman." -jeff.

"Chicks ba yan pre?'' -Levi

"Oo. Si Va---"

"Oy sandali lang pre huh sasagutin ko muna tong tawag ng asawa ko." Lumabas na ako ng bar para sagutin ang tawag ng bee ko.

VANIA'S POV

Pumasok ako sa bar dahil nakita ko si Miko. Actually, pinasundan ko siya habang nasa paris ako and I was surprised ng malaman ko na may asawa na siya.

Hindi man lang niya hinintay ang pagbabalik ko. Kasalanan to ng lolo niya.

FLASHBACK:

Habang naglalakad ako pauwi biglang may huminto sa harap ko na dalawang itim na kotse. Bumukas ang bintana nong isang kotse nakita ko ang lolo ng lalaking mahal ko. Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nong lalaki nakaitim which is bodyguard ng lolo ni Miko. Pumasok naman ako sa loob at...

"Layuan mo na ang apo ko." diretsong sabi nong matanda. Ni hindi pa nga ako nakaupo.

"Bakit po? Mahal ko po ang apo niyo at mahal niya po ako." pagpoprotesta ko sa kanya.

"Basta layuan mo ang apo ko. Kung ayaw mong madamay ang kabuhayan ng pamilya mo." Yan ang huling sinabi sa akin ng lolo ni Miko. Pagkatapos ay hinila ako ng bodyguard niya palabas ng kotse.

*

Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko si Iyah na umiiyak sa harap ng gate namin.

"Oh Iyah bakit ka umiiyak? Asan si mommy?" patuloy parin umiiyak ang kapatid ko.

"A--ate si da--daddy isinugod sa hospital." -sabi ni iyah habang umiiyak.

"Bakit anong nangyari?" Nagsimula na akong kabahan.

"Inataki sa puso si daddy ng nalaman niyang bininta ni Mr. Ford ang company natin kay Don Nikolo." Hayup na matanda yun. Ang bilis naman niyang gumawa ng paraan kanina lang niya ako binalaan. Niyakap ko na lang ang kapatid ko.

"Ma'am tumawag po ang mommy niyo. Wala na po raw ang daddy niyo." Biglang gumuho ang mundo ko. Si daddy na tagapaatanggol ko ay wala na? Dun na ako Umiyak ng umiyak.

ilang araw na ang lumipas hindi na ako pumasok sa skwelahan ni hindi ko na kinausap si Miko at mga kaibigan ko. Ang sakit kasing tanggapin na wala na ang daddy mo. Umalis kami ng pilipinas para magsimula muli, ginamit namin ang natitirang pera na naiwan samin ni daddy. Napadpad kami sa Greece. Dun nakapangasawa muli si mommy. Sa kasamang palad namatay sina mommy at si Iyah sa isang car accident. Naiwan ako sa bagong asawa ni mommy. Mabait naman si uncle Frank inako niya lahat ng responsabilidad pinagaral niya ako pero isang iglap naglaho ang lahat. Isang gabi umuwi si uncle Frank ng lasing bigla niya akong kinaladkad at dinala sa kwarto niya. Itinulak niya ako sa kama pinagsisira niya ang damit ko. Hindi ko magawang manlaban dahil napakalakas niya. At nagtagumpay siya sa layunin niya. He raped me.

END OF FLASHBACK:

Pagkatapos ng mangyari yun umalis siya sa bahay at hindi na bumalik. Nalaman ko na lang sa mga kaibigan niya na nagpakamatay ito.

Ngayong nagbalik na ako, Magbabayad ang lahat ng may kagagawan sa pagkasira ng buhay ko at ng pamilya ko.

"Oy sandali pre huh sasagutin ko muna tong tawag ng asawa ko." Rinig kong sabi ni Miko kina Jeff at lumabas na siya ng bar.

Mapapasakin din ulit kita MIKO.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kawawa naman pala si Vania.

Paano yan papasok na ba siya sa buhay nina Karen at Miko?

Siguradong gugulo na ang istoryang to.

Abangan!

Keep on reading!

Thank you!

-deekee


MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Where stories live. Discover now