CHAPTER 26: LEJEN </3 (2)

5.3K 118 5
                                    

LEVI'S POV

Alam kong nasasaktan si Jenny ngayon. And I hate it! Masakit din naman sa akin ang mga pinagsasabi ko sa kanya lalo na yung "Hindi talaga kita minahal". Bakit ngayon pa nangyari sa akin ito? Ngayon na na tagpuan ko na siya.

Nandito ako ngayon sa bar. Bumalik ako sa dati kong bisyo ang paginum at pangbabae.

"Hi babe! Miss me? Coz I miss you!" sabi nong babae at hinalikan ako sa lips. Tumugon na rin ako. Nakamiss din pala ang ganito.

"Hayop ka!" Biglang may sumuntok sa akin. Napahiga ako sa sahig.

"Ba't mo hinalikan ang girlfriend ko?" sabi nong sumuntok sa akin.

"Kasalanan ko ba kung bigla akong hinalikan yang girlfriend mo."

"Aba gago ka!" Sinuntok na naman niya ako at pinagtutulungan ako. Shete! Ang rami nila. Biglang may sumuntok dun sa pinaleader nila at binalingan yung iba. Pagkatapos tinulungan akong tumayo nong lalaki.

"GAGO! Magpapakamatay ka ba?" sa boses na yun alam ko kung sino siya.

"Salamat tol at dumating ka." and everything went black.

KAREN'S POV

"Bessy tama na yan!" Nandito kami ngayon sa isang bar. Kainis naman kasi tong si Bessy akala ko kung saan niya ako dalhin. Putek! I hate bars talaga.

"Bessy, Bakit ganun ang sakit dito?" sabay turo sa puso niya. Nakipaghiwalay kasi sa kanya si Levi at sinabing hindi siya nito minahal. Humanda yang Levi na yan sa akin bukas.

"Tama na yan nakarami ka na. Uwi na tayo!'' Inubos muna niya ang natitirang laman nong nasa bote niya. Graveh makainum tong babaeng to 15 bottles beer lang naman ang naubos niya.

Tinawag ko muna si Kuya Banjoe driver nila sa labas ng bar para tulungan akong akayin si Bessy papunta sa kotse. Malungkot ako para kay bessy bwesit yang Levi na yan.

----------

Kinabukasan hindi nakapasok si bessy dahil sa hangover. Sakto naman nandito si Levi na halatang nakipagaway.

"LEVI MANIEGO!" sigaw ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at binigyan ako ng "ano'' look.

"Magusap tayo." mahinahon kong sabi. Lumabas ako ng classroom at pumunta sa garden. Sumunod naman siya sa akin.

"Ano bang kailangan mo?"

"Alam mo kung anong pakay ko."

"Diritsuhin muna ako may lakad pa ako."

"Okey!" huminga muna ako ng malalim.

"Ano bang nagawa ni Jenny sayo bakit mo siya sinaktan ng sobra?." Hindi siya kumibo instead tinalikuran niya lang ako.

"Simple lang. Hindi ko siya mahal.'' at nagsimula na siyang umalis. Ganun lang ba yun?

JENNY'S POV

Tatlong araw din akong absent. Akala ko nong una dahil lang sa hangover yun pala may tepdas na ako. Tatlong araw na din ang nakalipas simula nong naghiwalay kami ni Levi. Ang sakit pa din. Kapapasok ko pa lang ng gate ng Sykes University.

"Engaged na raw si Levi kay Fiona yung Queen bee sa St. Nicolas Academy." Kaya pala nakipaghiwalay si Levi sa akin dahil ikakasal na pa la siya. Nagsimula na naman bumagsak ang mga luha ko.

"Di ba girlfriend ni Levi si Jenny yung isa sa mga cheerleader."

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora